Kailan?

1.9K 42 22
                                    

Dedicated to: alyloony

*****
S T A R T

Aivie Kiara Limario

Pagpasok ko sa classroom hinanap kaagad ng mata ko si.....

"Ms. Limario!"

"Ay Ma'am present!"

"Anong present?! Late ka na naman. Dalian mo at umupo ka na baka may balak kang maging estatwa?"

Bwiset na terror 'to. Umupo naman na ako at handa ng makinig... ng music.

Leche siya! Asa namang papakinggan ko yang x at y na 'yan.

"Oy bes bakit ka na naman ba late?" Tanong ng aking katabi na bestfriend ko din.

"Late ng gising eh."

"Tsk tsk, baka ma turn off sayo si Jay nyan, bahala ka."

"Kung sana gusto niya rin ako." At sinulyapan ko naman siya ng tingin.

Si Jerrick Andrew Yu, pinsan ni Jasper Yu ang drummer ng sikat na bandang Endless Miracle o EndMira.

Pero kahit hindi naman siya ang pinsan ni Jasper, siya pa rin magugustuhan ko eh.

Si Jay ay may pagkahawig kay Jasper. Singkit, gwapo, and that killer smile! Siya naman ang pianist ng Glee Club namin. Buti nga't pinagpala ako ng magandang boses kaya di ako nahirapan sa audition.

"Mr. Yu, please answer this equation." Kaya tinigil ko muna yung music at pinanood si Jay kung paano siya magsagot sa board. Pagkatapos ay sinulat ko sa notes yung sinagutan niya.

"Very good, Mr. Yu."

Nagpatuloy lang sa discussion si Ma'am Math at sa wakas! Recess na rin! Oh diba? Pumasok ako 2nd subject na.

Lumabas naman na kami ni Twinkle, ang aking bestfriend na seatmate ko rin.

"Uy bes di ako makakasabay sa iyo sa pag-uwi may practice kami." Nasa Dance Troupe kasi 'tong si Twinkle.

"Okay lang. Ano bang okasyon?"

"Buwan ng Wika. Mag co-contemporary dance ako bes! Cheer mo ko ah!"

"Syempre naman! Anong kanta?" Nakarating na rin kami sa canteen kaya pumila na rin kami.

"Anak ata."

Nakabili na rin kami kaya umupo na kami sa usual spot namin. Buti na lang talaga at napakiusapan namin yung iba na wag umupo dito. Dito kami umuupo dahil malapit 'to sa inuupuan ni Jay, pero speaking of Jay, nasaan kaya siya?

Sinimulan na rin naming kumain pero wala pa rin si Jay! Pero yung tropa niya nandyan naman.

"Oh my gosh bes!" Sabi ni Twinkle.

"Bakit naman?"

Parang may tinitingnan siya sa likod kaya lumingon ako at nakita ko si Jay, nasa likuran ko!

"Uhm... Aira na-istorbo ba kita?"

"Ay hindi hindi!"

"Ipapaalam ko lang sana sa iyo may meeting ang Glee Club mamaya para sa Buwan ng Wika."

"Ahhh.. Sige."

"Sabay na lang tayo mamaya pumunta after dismissal."

Teka lang, tama ba narinig ko? Siya nag-aya!

"Ah sige ba okay lang."

"Sige salamat Aira." Pumunta na siya sa mga tropa niya.

"OHMYGOSH!" Pigil kong tili kaya si Twinkle tinatawanan ako.

Kailan? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon