Chapter 1: The Bully

404 3 1
                                    

Kielo's POV.

"Ang pangit mo talaga kahit kailan! Pweeh.. Nakakadiri yang pagmumukha mo!!"
Diring diring sigaw sa akin ni Zelo. Aish! Makapanglait na pangit akala mo naman kung sinong gwapo eh! Captain lang naman sya ng basketball eh kaya maraming nagkagusto sa kanya. Ang yabang talaga! Kung nagtatanong man kayo kung nasan kami? Tss. Andito lang naman kami sa likod ng school, daily routine ko na yata to eh.

"Sana naligo ka man lang bago ka pumasok sa school!"

Sigaw naman ni Josh ang isa sa mga kaibigan ni Zelonggoy. Tss! Isa pa to, mukhang talampakan ko lang to eh. Naligo kaya ako! Akala lang nila hindi! Sila siguro yung hindi naliligo eh..

"Ang tindi talaga ng amoy mong pangit ka!"

Tawang tawa pang sigaw ni Arturo. Sya naman talaga yung pangit eh. Kung anong ikinapangit ng pangalan nya yun din ang ikinapangit ng mukha nya!

"Anong iniisip mo ha? May masama kang iniisip sa amin ano?"  Bahagya akong itinulak ni Zelonggoy sabay tawa pa ng kaibigan nya.

"Siguro hinubaran mo na kami sa isip mo no?" 

Tawa namang sabi ni Arturo sa akin. Ang pangit kaya nila bat ko naman iisipin na hinuhubaran ko sila diba? Tss. Napaka yabang talaga ng mga pangit na onggoy nato eh!

"Bading ka kasi eh! Hahahaha!" 

Nakayuko lang ako habang sinisigawa't tinatawanan ako ng mga tatlong onggoy nato. Wala naman akong panlaban sa kanila eh. Sino lang naman ako diba? Isa lang naman akong Kielo Montenelles. Isang payatot at isang kawawa sa school. Tyaka hindi naman ako bading eh.. May crush nga akong babae eh pero isa rin sya sa mga bumubully sa akin. Okay lang yun atleast kahit na konting bagay pinapansin ako.. Yiie :3 Wag ka jan! Hindi lang kaya babae ang kinikilig ano? pati din kaya lalaki kaya wag nyo na akong pakialaman dahil minsanan lang to :)

"Nakikinig kaba sa amin pangit ka ha!?" 

 Bigla akong nabalik sa realidad ng biglang sumigaw si Zelonggoy. Bat naman ako makikinig sa kanila diba? ang nonsense kaya nila.

"Tinatanong ka namin kung Bakla kaba? Sabihin mong OO dahil kung hindi bubugbugin ka talaga namin!"

Sigaw na naman ni Zelonggoy. Nanatili pa rin akong nakayuko pero naramdaman kung nagagalit na yung kamay ko at handa na talaga silang suntukin. Pero sino ba naman ang makakatalo sa mga onggoy na to diba?

"Isa.. Dalawa.. Tat--"

"B-BAKLAA AKO!"

Nagmamadaling sabi ko. Ramdam kung may kinuha sila sa mga bulsa nila kaya inangat ko yung paningin ko sa kanilang tatlo na ngayoy tumatawa pa habang hawak pa yung tyan at nakatutok pa yung Cellphone nila sa akin..

"Ulitin mo nga yung sinabi mo.. Hindi kasi namin nakuhaan eh!" tawang sabi ni Arturo. Pinikit ko yung mga mata ko at muling nagsalita..

"B-bakla ako.."

"Lakasan mo pa!" sigaw n Josh.

"B-BAKLAA AKO!"

Tumatawa na naman sila habang hindi pa rin inaalis yung kamay nila sa tyan. Mamatay sana kayo sa kakatawa! Kaya ko lang naman sinabi yun dahil ayaw ko ng palakihin yung nonsense na sinasabi nila eh.

"Ang uto uto mo naman baklang pangit ka! hahaha!"

Tawang sabi ni Zelonggoy. Tss! Kung i-uto ko kaya yang mukha nila.. Wala na ring mga telepono ang nakatutok sa akin at ibinulsa na ulit iyon.

"Bumalik ka ulit dito ha!? Para masaya tayoo.." 

Muling sabi ni Zelonggoy at bago sila umalis ay nakatanggap muna ako ng tig-iisang suntok sa tiyan mula sa kanilang tatlo..

*******

"Oh anyare sayo?" tanong ng pinsan kong baliw. Aisshh! Ang bobo talaga nito kahit kailan. Kita nyang hinahawakan ko yung tiyan ko eh tas tatanungin nya ako ng ANYARE SAYO? buang!

"Syempre sumasakit yung tyan ko alangan naman sumasakit yung pwet ko diba? San ba ko humawak? Ang slow mo talaga!" Inis na sagot ko sa kanya. Ang sakit parin kasi ng pagkakasuntok ng mga onggoy na iyon eh. 

"tss. ang dali dali mo talagang matablan ng sakit insan. Kumain ka kasi ng marami para tataba ka naman kahit minsan!" agad ko naman sya binatukan.

"Wow ha!? Nahiya naman yung katawan ko sa katawan mo! Akala mo kung sinong mataba!" 

"Insan honestly talaga ha? Ang payat mo talagaa!! hahaha!" 

Babatukan ko na sana ulit sya pero nakatakas sya at tumakbo paalis. Andito kami ngayon sa stock room. Dito kami tumatambay kahit na andaming naka stock na gamit dito. Mapayat kasi kami kaya kasya kami dito -__-

"Arayy!" napahawak muli ako sa tyan ko. Iba na siguro ito eh parang natatae ako sa sakit. Ang lakas talaga manuntok ng mga onggoy nayun! tyaka hindi naman ako bakla eh tyaka----

*Beep *beep

Biglang nag vibrate yung cp ko kaya kinuha ko iyon at tiningnan. May nag text pala..

FROM; Zelonggoy!

HOY BAKLANG PANGIT NA PAYATOT! PUMUNTA KANG CAFE. ANG BORING WALA KAMING MAPAGDISKITAHAN! PAG HINDI KA PUPUNTA, LAGOT KA TALAGA SA AMIN..

"MGA PISTEE KAYO! MAMATAY NA KAYO!"

Sigaw ko sa screen ng phone. Alangan naman diba na hindi ako pupunta? Pag hindi ako pupunta malalagutan siguro ako ng hininga eh. Aissh! Siguro kung nagtatanong kayo kung bat may number ako ni Zelonggoy ! Asa naman kayo na ako yung nanghingi diba? sadyang napaka bakla lang yan ni Zelonggoy eh dahil pati number ko kinukuha pa! 

Lumabas na ako doon sa stock room. Hindi naman pwede na hindi ako pupunta dahil baka masapak pa ako nun. Naglalakad na ako sa hallway ng school papuntang cafe. Bawat nakakasalubong kung mga estudyante ay tinatawanan ako habang dinuduro.

"Uyy Kielo! Hindi ko alam, bakla ka pala!"

rinig ko mula sa likuran ko. Tss! I'm sure na pinagkalat na ng mga tatlong onggoy yung video na kinuhaan nila sakin kanina eh. Nakita at naririnig kong ang ingay ingay na ng hallway ng school kaya lalo ko pang binilisan yung paglakad ko. MAMATAY SANA KAYO SA KAKATAWA DYAN MGA OGOK KAYO!!

Lumakad lang ako ng lumakad hanggang sa nakapunta na ako cafe.

Pero pagkadating ko sa cafe. Iba na yung nadatnan ko.....

Si Zelo at si Staceyy...

---------

A/N: Long new update. Sorry po sa naghintayy.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon