Poste

126 3 1
                                    

Dalawang taon ang nakaraan na , kung uuwi man kasi ako dun sa bahay ng lola ko. Hindi ko naman nakikita si Kevin e. Ewan din kung bakit. Pero nagkukwento sakin pinsan ko na nakikita nya daw

At kahit dun sa simpleng mga kwento lang nya natutuwa na ko.

---

"Ma! tapos na ko magreview. tara nuod tayo liga nila kuya." -sabi ko kay mama

Oo , after 2 years may liga nanaman at kasali si kuya . At nagkataon namang may examination kami kaya hindi ako nakakapanuod at second day na namin bukas madali lang naman e kaya kaya namang wag na magreview ilang ulit na ko nagreview e.

Hindi ko alam kung kasali pa si Kevin sa liga nila kuya ngayon. Pero umaasa ako na makita ko syang naglalaro.

"osya sige. Maglinis ka na. Uwi tayo." - sang-ayon naman ni mama.

Pagkadating namin dun ..

Andun yung mga kamag-anak namin mga nanunuod syempre kasi mahilig angkan namin manuod ng basketball lalo na kapag may kamag-anak na kasali tulad ngayon si Kuya at yung tatlo ko pang pinsan e kasali kaso ibang team yung tatlo kasi mas matanda sila kay kuya.

Nagsisigawan na yung mga tao , at ang naglalaro ay sila kuya.

Inakbayan ko ang pinsan kong si Chainny

Close ko rin yan. Nagusap lang kami sandali tapos nanuod na kami.

Binack hug ko si Chainny , para kasing back hug . alam mo yung pwestong sya nakaupo tas ikaw nakatayo yung para bang inipapasan ka pero hindi basta ganon.

Sa di malamang dahilan napatingin ako sa kabilang side which is sa right side dun sa may Poste ng ilaw.

Nitignan ko ng maiigi kung sino yung nakatingin sakin  , malabo kasi mata ko e.

Totoo ba to?! di nga?!

e kasi naman , si KEVIN pala yun si KEVIN K E V I N nakatingin sya sakin e. TT_TT

Hindi nya inaalis tingin nya sakin pero ako na ang nagiba ng tingin kasi ang gulo bat sya nakatingin? grrr. Ang gulo.

Ilang sulyap din ang nangyari kasi sa tuwing titingin ako sa side nya nakatingin sya promise. WALANG HALONG BIRO. PERIOD.

May isa pa ngang yung tipong kakausapin nya kaibigan nya tapos mapapaharap sya sa side namin kasi nasa left side nya yung kaibigan nya pero nagsasalita nga sya sakin naman nakatingin. Oh god! Pakiexplain po.

Meron ding yung , Nagtago pa sa poste. Kaya di ko makita , nalungkot pa nga ako nun kasi akala ko umalis na sya pero maya maya may lumalabas na ulo dun sa may poste para bang pasimpleng tumingin e LANGYA SI KEVIN LANG PALA YON.

Bakit ba panay ang tingin sya sakin? Hindi lang naman ako nakakakita e.

Hindi ko alam ang mga kasagutan naguguluhan ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Signs nya na ba ito na crush nya ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon