Loving a person but not expecting something in return. Isa siguro ito sa libo libong kasabihan ng isang nag mamahal pero hindi naman minamahal. WALANG KWENTA! Isang paniniwala ng isang taong walang alam gawin kundi ang mag pakatanga sa taong ginagawa naman talaga siyang tanga. Sa totoo lang pwede ng bigyan ng award na ang title eh ganito "Most alipin sa gigilid" o kung may mas mababa pa don ih baka yun na nga yon. Mahirap talagang intindihin ang mga taong ganito magisip. Meron pa kayang taong ganito? Ang sagot ko diyan OO at out of a million baka isa lang. Hindi naman natin sila masisisi, actually finding a person like that is like finding a needle in Waikiki Beach in Hawaii. Ganon katinde!ganon kahirap at ganon ka rare ang species nila. Loving and giving all that you've got is not so easy for a selfish person but if that selfish person falls so deeply in love we can never tell what things he is willing to sacrifice. Maraming tao ang natutuwa sa fairytale, aside from being oh so romantic and OH my G happily ever after ng halos lahat ng fairytale eh it entails true, honest and faithful love of both couples especially the prince kahit may wicked stepmom and sisters or witch or rumplestiltskin at kahit nga gubat ih nakikialam sa pag iibigan ng dalawang tao. Mantakin mo yon? Parang You And Me Against The World. Oo, siguro ilan sa mga love stories ih ganito pero hindi lahat ih nag tatapos sa H.E.A! sabihin na nating a couple of years ih ganito ang relasyon nila Y. A. M. A. T. W but maybe one way or another one of them eh handa ng bumitiw sa kung anu mang meron sila ngayon, maybe not at this moment but maybe in an hour or two. Hindi natin alam, kahit gano kadami ang promises nyo sa isa't isa.
Bitter nga siguro ang matatawag sa isang taong hindi maka move on pero move up ang tamang tawag according sa isang credible na professor. Sa totoo lang dalawa ang reason ng taong ganito. Una, hindi naman talaga nya ginusto na mag mahal ng taong mali. Pangalawa, choice nya din na humantong at maging stagnant sa kung ano mang sitwasyon meron sya ngayon. Break up? Masakit, mahirap at masalimuot lalo na sa taong iniwan. Masisi mo ba kung isumpa nya ang ex nya at ang bago nitong kinahuhumalingan? Ang naging dahilan kung bakit ang mga pangarap nyang bulok na kasama ang taong walang kwenta ay gumuho at nasira. Masisi mo ba na sobra nyang pag kagusto sa mga horror movies noon at ngayon ay nagagawa na nyang iimagine na ang characters sa terrifying na horror movie na ito ay ang ex nya at ang bago nitong nililigawan na kung saan sa dami dami ng mga tauhan sa pelikula eh silang dalawang ang napili nyang namurder at namatay sa bandang huli at sya ang nag survive at naging masaya? Matakot ka pa na ang isa sa paborito nyang pelikula ay ang "SAW 1-6" sya na mismo ang mag babalak kung saan, kailan at paano ka mapupunta sa isang sitwasyon na wala kang ibang choice kung hindi ang pumatay o ang mamatay, ilalagay nya silang dalawa sa loob ng isang booby trap, habang pinapanuod mo silang nahihirapan. Pumapangalawa pa sa pinaka paborito nya eh ang "WRONG TURN" kung saan papayag sya na maging isang pangit na nilalang kung kapalit naman eh ang masaya nya kayong hinahunting sa gubat habang takot na takot kayong nag tatago sa kanya kase kapag naabutan nya kayo "hah! Todas kayong dalawa! (Evil laugh)". Tinatawag ko itong "dream escape" tanging ito na lang ang magagawa ng mga taong bitter na ayaw makasakit ng kahit na sino ang mag imagine ng mga bagay bagay, sa horror movies man o kahit sa aksyon o fantasy basta sisiguraduhin nya lang na sa bandang huli sya ang magiging masaya. Hindi man ito nangyayari sa totoong buhay nya at least kahit sa munting espasyo sa malawak nyang utak sya ang panalo, sya ang nag wagi. Ganito man ang kinasadlakan ng mga taong niloko, ipinag palit at pinaasa, ang mga litanya naman nilang "akin pa rin ang bukas" at "babangon ako at dudurugin kita" ang tanging naging inspirasyon nila para mas maging matibay, matalino at maging inspirasyon sa iba. Masasabi kong ako ito, ang nag sulat ng isang opinion na nangyayaring tunay sa akin ngayon, minsan na akong nag mahal at paulit ulit na sinaktan ngunit paulit ulit din nag patawad at pinipilit lumimot. Totoong naisip ko ang mga bagay na nasusulat dito, hindi ko alam kung may kaparehas ako na ganito mag isip, na ganito ang naging best way para mag labas ng sama ng loob. Binabasa mo man ang akda sa iba't ibang emosyon, nagulat, natawa, inisip mo man na sobra naman ako, o inisip mo man na ganito ka din. Walang ibang mas hihigit pa sa pag mamahal mo sa iyong sarili, yan ang pinaka the best na lesson na makukuha mo. Umiiyak ka man ngayon dahil nasaktan ka, palagi mong iisipin na sa bandang huli ikaw din ang magiging bida sa sarili mong pelikula.