One shot

3 0 0
                                    

Papasok ako ng school ng bigla mo akong inakbayan. Nagulat ako kaya tinulak kita. Nakita ko naman sa mukha mo na nabigla ka din sa ginawa ko. Muntik na din kita matamaan ng pepper spray. Buti agad mo hinarang yung dalawang kamay mo.

"Sorry miss, akala ko kasi yung tropa ko kamukha mo kase pag nakatalikod." Habang sinasabi mo yan, titig na titig kapa talaga saken.

"Pwede ba sa susunod wag ka Basta basta ng aakbay!?" naiirita kong sabi sayo.

"Sungit naman" bulong mo sa sarili mo pero narinig ko. " e kaya nga po nag sosorry diba?"

"Ay ewan ko sayo." Naglakad na ako palayo sayo pero nagulat ako na sinusundan mo pala ako.

"Pst! Miss sungit?"
"Ano ba! Wag mo nga ako sundan!"

Sa totoo lang, di naman talaga dapat ako mag susungit, pero ng titigan moko ulit parang may naramdaman akong kakaiba, at nahihiya din talaga ako. Sa kasusunod mo sakin halos mga studyante na madaanan natin napapatingin.

Kabago bago ko dito may eksena agad na ganito.

Pero kahit na sinungitan kita hindi mo parin ako tinatantanan.

"Miss sungit, bago kaba dito?" Tumakbo ka pa talaga para maharap kita.
"Huy kausapin mo naman ako" inakbayan mo nanaman ako kaya tinulak nanaman kita.

Heto nanaman yung pakiramdam na parang konting hawak mo lang sakin may kuryente na dumadaloy sa buong katawan ko.

Hangang sa mga sumunod na buwan. Lagi ka nalang na kasunod saken. Halos araw araw nakakasama kita. Masaya ka naman kasama. Agad din naman ako naging kumportable sayo.

"Shiela! Ano ba bilis mo naman mag lakad! Kanina pa kita tinatawag." Hingal na hingal kapa Habang sinasabi mo saken yan.

"Ano ba! Kailangan sumigaw? Ingay ha!" Sigaw ko sayo.

"Hala kala mo siya di sumisigaw" natatawa kapa talaga. " Nga pala Ela, bukas na pala laban namin ng team. Manuod ka ha! Kundi matatalo kami. Alam mo naman ikaw lucky charm ko!" And you winked.

"Ano ba feeling mo ba gwapo ka kakakindat mo tigilan mo nga yan!" Natatawa kong sabi, sa totoo lang pakiramdam ko kasi namumula ako.

"E bat namumula ka?" Pang aasar mo hinawakan mo pa pisngi ko.
"Che! Hindi kaya." Tska ko hinawi yung kamay mo sa pisngi ko. Pakiramdam ko lalong umiinit pisngi ko e.

"Sus kilig ka lang. O Basta punta ka ha! 5pm pa naman yun kaya makakahabol kapa." ang cute mo talaga pag lagi kang naka ngiti pati mga mata mo tumatawa.

"Sige pag iisipan ko." Kahit na pupunta talaga ako. Cute mo magtampo e

"Ano ba Ela! Pupunta ka walang pag iisipan kundi magtatampo ako sayo." nag pout kapa para kang bata.

"Nako! Oo na sige na. Manunuod ako ipag chi-cheer kita" at nakita ko naman na may ngiti na sa mga labi mo.

Hindi ko din alam, ilang buwan palang tayo magkasama pero malapit na agad tayo sa isa't isa. Kada araw na kasama kita di ka nabibigo na mapasaya ako.
Magsimula nga ata ng makilala moko ako nalang palagi mong nakakasama. Di kana nga sumasama sa yayaan ng mga barkada mo. Kung minsan ako na mismo gumagawa ng paraan para lang mawala sakin ang attention mo pero wala. Ayaw mo mag pa talo gusto mo ako palagi kasama mo.

Laban niyo na, pag pasok ko palang sa gym maririnig mo na ang hiyawan ng mga nanunuod na studyante. May narinig pa ako na nag chi-cheer ng pangalan mo. Di ko naman maipagkakaila sikat ka. Buti nga napansin mo pa ako. Kahit na maraming babae dyan na laging nag hahanap ng paraan mapansin mo lang.

Ng nahanap mo akong nakaupo sa bleacher, Hindi na maalis sa mukha mo yung ngiti.
Maya maya narinig kong nag ring yung phone ko at may panahon kapa talagang tumawag sakin.

Till we meet againHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin