Chapter 3: Andrew's POV

2 0 1
                                    

Madalas ko na siyang nakikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Madalas ko na siyang nakikita. Pero hindi ko pa siya talagang nakakadaupang- palad. Simple lang siya at mukhang mabait. Kaya nagulat ako ng nakita ko siya na papasok sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. 

"Yes miss? What can I do for you?", yan na lang ang nasabi ko ng nasa harapan ko na siya.

Gusto niya palang mag-apply as waitress dito sa pinagtatrabahuhan ko. Di naman ako feelingero pero kasi umaasa akong mapansin niya ako. Tinawag ko si Sir Zac para makita siya. Bago pa man makalabas ng office ay nasabi ko na kay Sir Zac na crush ko nga yung babaeng nag-aapply. Dahil medyo buddy- buddy kami ni Sir eh sinakyan niya na lang ang trip ko at sineswerte nga naman ako eh tinanggap nga si Stella. Oo, alam ko ang pangalan niya. Crush ko nga siya di ba?

Kinabukasan ay naghanda talaga ako dahil alam kong makakasama ko na si Stella sa pagtatrabaho. Tatlong ulit ako nagsabon ng katawan at nagpabango pa ako. 

"Morning.", bati ko sa kanya. Medyo nagselos nga ako nung nauna niyang binati si Sir Zac eh. Pero sabagay boss naman kasi si Sir Zac ako sadyang barista lang. 

Ibibigay ko sana yung ginagawa kong kape sa kanya eh. Unang kape sa araw na iyon dahil siya rin ang una sa puso ko. Dejoke. Corny ko. Pero nahiya ako kaya yun ininom ko na lang. :)

Maghapon akong gumawa ng kape kagaya ng araw-araw kong ginagawa pero ngayon lang talaga ako natuwa dahil nandito si crush. Kaso patapos na ang araw kaya medyo nalungkot ako.

Nagulat na lamang ako ng may isang batang naghahanap kay Stella. Singkit yung bata tapos mukhang pilyo. Sinabi kong nagCR si Stella. Di naman ako mahilig maki-usyoso kaya di ko na tinanong yung bata kung kaano- ano niya si Stella. 

Nang matapos na ang shift namin ay sinundan ko si Stella. Di naman ako stalker eh follower lang. Ano pinagkaiba? Kasi sabi sa isang fb post na nabasa ko, kapag panget stalker. Kapag pogi o maganda follower. Eh pogi ako . . . eh di follower ako. :) 

Maya- maya ay nakita kong may aninong gumagalaw doon sa bintana ng apartment ni Stella. Oo alam ko kung alin doon yung apartment niya. At sa pangalawang pagkakataon, inuulit ko hindi ako stalker. Follower ako. 

Sinundan ko si Stella dahil masama ang kutob ko. . . at di nga ako nagkamali dahil. . . 

"Missed me baby?", sabi ng isang lalaking di ko mabosesan. Nasa labas pa lang kasi ako ng pinto nila. Nung narinig ko yun ay bumagsak ang pangarap ko. Alam ko naman kasing may boyfriend si Stella. Nakikita ko kasi silang magkasama madalas. 

Pero nang may narinig akong sound na parang nabasag na plato ay kinabahan ako kaya napapasok ako sa loob ng bahay ni Stella.

Di ko inaasahang makitang umiiyak si Stella. Nagkasapakan kami ng boyfriend niya. Kung hindi lang ako sanay makipagbasag- ulo marahil ay tumumba na agad ako sa harapan ni Stella. Pero dahil mataas ang pride ko pinilit ko pa ring pantayan sa lakas yung boyfriend niya. 

Nagpasalamat sa akin si Stella at umuwi na rin ako. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bruised and BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon