Hindi mo alam kung gaano ako ka-excited makita ka, mayakap ka, maamoy ka, mahalikan ka. Makasama ka. Katulad ng palagi nating sinasabi, mabilis lang yung 5 years. Sobrang bilis na magugulat nalang tayo, kinabukasan, magkasama na tayo.
Gusto kong magpa-thank you sayo. Kaso hindi ko alam paano sisimulan sa sobrang dami ng ginawa at sacrifices mo para sa akin. Gusto kong humingi ng pasensya sa lahat ng perwisyo (haha) at sakit ng ulong naidulot ko sayo. Kaso hindi ko alam saan ko uumpisahan, sa araw-araw ba namang dramang naranasan mo sakin, diba?
Gusto ko sabihin kung gaano kita kamahal kaya lang, I still can't find the right words I should use to make you understand how much you mean to me. Kung may salitang hihigit sa 'Mahal Kita' ay baka nasabi ko na sa iyo yon. Pero wala eh. I therefore conclude that words are not enough to express how I am madly, deeply, truly, passionately in love with you.Hindi ako katulad nila. Hindi ako mayaman, hindi ako maganda, hindi ako matalino, hindi ako ganito, hindi ako ganyan. Wala sa akin yung katangiang hinahanap ng iba. Hindi ako yung tipo ng babaeng mapapa-second look ka. I'm just an ordinary girl na may magulong buhok at makapal na kilay. Hahahaha. But my point is, I don't have much to offer. Hindi kita kayang bigyan ng kotse o ng mga mamahaling bagay na katulad ng sa iba. All I have is me. Ako. Ako na mamahalin ka, na aalagaan ka, na iintindihin ka, na hihintayin ka, na sasamahan ka, na tutulungan ka at papasayahin ka sa abot ng aking makakaya. I'll give you my time, I'll lenghten my patience, I'll respect you and your decisions in life, I'll be your number 1 fan, I'll trust you and I'll remain faithful to you until the end of time. Hanggang sa tumanda tayo, hanggang uugod-ugod ka na. (Yes, ikaw lang. Hahahaha. Forever young ang peg ko dito.) pero kahit na ganon, ikaw pa rin ang pinakapoging fafa.
Thank you for everything. Thank you so much. I am beyond blessed to have you as my partner, my boyfriend and my love. I love you for who you are and for the person you would become. Again, Happy Birthday, my Love! Mwa!