One

12 0 0
                                    

"Here's your room key, ma'am." Kinuha ko na yung susi sa bago kong room dito sa Rain Dorm.

"Salamat." I said then smiled at the clerk, babae siya. Hindi ko ngingitian 'to kung lalaki. Man hater kaya ako! Pero love kuya ko. <3

"Enjoy your stay at Rain Dormitory!" Ewan ko ba. Feeling ko sarcastic 'tong clerk na 'to. Palunok ko kaya sa kaniya yung susi na hawak ko?

Nagsimula na akong maglakad papalayo at pumunta sa harapan ng elevator. I pressed the "^" button since sa 5th floor ang room ko. Room 43? Hmm..

Pagkadating ko sa 5th floor, nagsimula na akong maglibot at hinanap yung room ko. San ba kasi yun? Bakit parang nalibot ko na buong floor pero wala?!

"Miss, nawawala ka ba?" A random guy asked me.

"Ah, oo eh. San ba yung room 43 dito?" Nilakasan ko na loob kong magtanong. Kesa naman sa hayaan ko sarili kong magmukhang tanga. -_-

Tinuro ni kuyang medyo pogi yung room ko.

AT LAST! Nandito na ako sa room ko. Pero nung ipapasok ko na yung susi, nagulat ako kasi bukas? May roommate ako? Malamang Mila, kalahati lang binayad mo para sa renta diba? -_-

Dahan dahan kong nilusot yung ulo ko sa pinto and to my shock, MAY NAGMEMAKE OUT!

"OH MY GOD." Nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Yung babae pa yung nakapatong sa lalaki. And guess what? Halos wala ng suot na pantaas yung babae, bra na lang. Yung lalaki naman, bihis na bihis.

"Ugh! Panira ka, miss!" Sabi nung babae sakin at akmang itutulak ako sa labas. Yung lalaki naman, napasmirk lang.

"Excuse me lang ha?! Room ko kasi 'to eh?!" Pagmamataray ko sa kaniya. Shet, mali ata nasabi ko. Baka siya yung roommate ko.

"ASHTON! Ugh. Akala ko ba wala kang roommate?!" Galit na tanong nung babae sa lalaki.

"Umalis ka na. Nakakahiya naman kay miss oh. Next time na lang ulit. babe." Sabi nung lalaki na nakasmirk pa din.

WAG MONG SABIHING LALAKI ROOMMATE KO? WHAT THE FUCK!

"I-ikaw roommate ko? NOPE. This is a freaking nope." Kinuha ko yung mga gamit ko at akmang aalis.

"Yup. What are you going to do? Maghahanap ka ng ibang bakanteng rooms? Sorry to say miss, pero ang alam ko, room 43 is the ONLY room na bakante." Hindi pa rin nawawala yung smirk nitong lalaking 'to sa mukha niya. Susungalngalin kaya kita ha?!

"AISH! BADTRIP NAMAN OH!" Napasigaw na lang ako habang siya naman kinukuha yung mga gamit ko. Aba, gentleman din naman pala.

"Let me help you with that." Sabi niya. Tas hinayaan ko siyang buhatin yung mga gamit ko.

"So, saan ako? Sa taas o sa baba?" I asked him while looking around the room.

"Ikaw bahala. Kung san ka kumportable." Sagot niya at umupo siya dun sa upuan malapit sa may desktop.

Uhmm, eh, sa taas na lang ako. Para at least magmemake out kayo ng girlfriend mo, hindi ako nagugulo. Mahirap naman kung sa taas ka, baka umalog yung double deck. Hehe." Sabi ko sabay kamot ng ulo. Nagnod naman siya.

Yung double deck dito sa kwarto, sobrang laki. Hagdan nga yung akyatan papunta sa taas eh, hindi ladder. Tapos king sized yung bed at may maliit na space sa paanan ng bed. Very elegant. Worth it yung bayad ko. Tho lalaki kasama ko. Argh. -_-

Inayos ko na yung mga gamit ko at umakyat na sa kama ko. Ayokong makasalamuha yung manyak na yun. Baka mamaya rape-in pa ako. Papa God, please wag po ganun.

"Sooo, bago ka lang sa Rain?" Nagulat nung nagasalita siya sa baba.

"Ah, hindi. Last year pa ako sa Rain. Ngayon lang ako nagdorm." Sagot ko.

"Bakit? Dapat dati ka pa nagdorm para wala akong kasama sa dito." PSH.

"PSH. Sino ba naman kasing gustong makasama ka rito?" Imba ng lalaking 'to. Kanina gentleman ngayon mukhang demonyo!

"Wala. Girls love me. Even boys want to hang out with me." tumayo siya sa kama niya para makita niya ako dito sa taas, "So, do you like me?" HUH.

"Ang kapal din naman pala ng mukha mo, mister. ASA KA NAMAN. Ni hindi nga kita kilala tapos magkakagusto ako sayo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"What? Hahaha. Unbelievable. Hindi mo ako kilala?" Halatang gulat siya. Bakit sino ba siya?!

"Bakit? Importante ka ba para makilala ko?" Pagtataray ko.

"Ako lang naman po si Ashton RAIN Perez. May-ari ng Rain University at kilalang heartthrob ng school. Questions?" A smirk landed on his face while ako..gulat.

"E-Eh bakit nagdodorm ka, aber? Nako. Wag mo ako maloko loko." Palaban ngunit takot kong sagot.

"Kasi gusto ko. May magagawa ka?" SUNGIT.

"A-Ah. S-sige, sorry." I bit my lower lip. OH LUPA KAININ MO NA AKO PLEASE.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! Oh my god. I didn't expect you were THAT gullible. HAHAHA!" What? SO HINDI SIYA ANG MAY-ARI NG SCHOOL? FCK.

Binato ko siya ng malaking unan. Yung pinakamalaking unan na nakita ko and he ended up falling.

"UGH. SHIT. MY ARM!" I heard him na nagreklamo. OH MY GOD.

Dali dali naman akong bumaba to check on him. At nakita ko siyang nakahiga sa sahig at halatang halata yung mukha niya yung sakit. Lumuhod ako para maging kalevel siya, well hindi naman masyado.

"Sheez, sorry. Hindi ko naman alam na ganun kalakas yun! SORRY!" I said.

"L-Lumapit ka. UGHHH." Wala naman akong choice kung hindi lumapit sa kaniya. Baka mamaya mamatay pa to. Papa God, patawarin niyo po ako. Hindi ko po sinasadya. T_T

*tsup* and a kissed landed on my cheek.

"YOU CREEP! UGH! YOU ARE SO GETTING ON MY NERVES!" Hinampas ko naman yung chest niya. Habang siya tawa ng tawa. Bumalik na lang ako sa deck ko. Badtrip!

Pano ko kaya matitiis na isang buong taon kong makakasama itong pilyong manyak pero gwapo kong roommate? Baka hindi na ako buhay sa last sem! Shems. T___________T

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Room 43Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon