Snow White and her Seven Hot Friends

311 11 19
                                    

Snow White and her Seven Hot Friends

Ako si Snow White. Haha. Joke! Pero, de, seryoso. Ako nga si Snow. Snow ang pangalan ko. Snow White Marquez.

Echos lang diba? Sisihin niyo ang mga magulang ko. Ate ko nga, pinangalan Cinderella eh. Oha, ansabe?

Umm, seventeen years old na ako, at ang course ko ay Engineering. Hindi halata pero boyish ako. Ako lang yata yung feeling lalaki sa aming limang magkakapatid. Kaya lagi akong napapagalitan. Dapat daw pormal. Sus, pormal. Walang ganun!

"Snoooooow." Si Ate Ellay, nangungulit na naman.

"Ateeeeeee." Hehehe.

"Huy, Snow, umayos ka na nga." Sabi ng kakambal kong si Aurora, na total opposite ko.

"Wariber." Sagot ko. Ganito kami maglambingan. Napaka-sweet.

"Ate Snow, may tawag ka po sa telepono." Sabi ng bunso namin si Ariel.

Nasa kwarto kami ngayon ni Ate Ellay, bonding lang. Wala kasi silang date ni Kuya Charm eh. Mwohoho. Edi sya na ang may boyfriend!

"Ah, sige wait lang." Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. Tapos kinuha ko yung receiver ng telepono.

"Hello?"

"HI SNOOOOW!" Pitong magkakaibang boses ang nagsama-sama upang ako ay batiin. Sakit sa tenga.

"Ano?" Mataray na tanong ko. Hindi naman ako mataray talaga. Trip ko lang tarayan itong mga mokong na ito.

"Labas ka ng bahay niyo." Sabi ng isa sa kanila. Hay, ke-aga aga, gigimik na naman kami?

"Sandali, liligo at bibihis lang ako. Pasok kayo."

Nasa labas kasi ng bahay yung pitong mokong eh. Laging ganito sa bahay namin. Susunduin ako ng pitong yun para lang gumala kung saan. Hay, buti nga at tanggap sila ng aking pamilya. Pero wag ka, takot yung pito kay Daddy. Haha.

At yun, naligo na nga ako at nagbihis.

"Ate! Mga kapatid! Ako'y lalayas muna ha? Naghihintay ang pitong mokong down there." Sigaw ko pagkalabas ko sa kwarto ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila.

"Uy mga gwapo!" Bati ko sa pitong nagga-gwapuhang mga lalaki sa harap ko.

"Hi Prinsesa!" Yak, prinsesa. Yan ang tawag-slash-pang asar nila sa akin. Kesyo ako ang only girl sa barkada eh.

"Mga gagu!" Sagot ko. "Tara na. Saan naman ang tungo natin ngayong araw?" Tanong ko.

"Sa puso mo. Yeheeeee~!"

"Isa pa. Isa pa." Naiinis na sabi ko. "Di nga, seryoso?"

"Sa beach po prinsesa."

Heeeep! Bago pa magpatuloy ang kalokohang ito, ipapakilala ko sa inyo ang pitong mokong na ito.

Si Juan, ang mahiyaing si Juan.

Si Tom, na parang doctor kung umasta.

Si Trip, ang clown sa barkada.

Si Paul, ang pinakamataray na lalaking nakilala ko.

Si Paybs, ang pinakamasayahin, bukod kay Trip.

Si Seig, na antukin, hay.

At ang huli, ay si Steven, na allergic yata sa kahit anong bagay. Bahing kasi nang bahing eh.

Ayan, ang aking pitong dwarfs, este pitong gwapong mga kaibigan ko.

"Wooohoooo! Ang sayaaaa!" Sigaw ni Trip habang tumatakbo papunta sa tubig.

"Para kang bata talaga Trip." Sabi ni Paybs na iiling-iling.

Whirlwind Fairytales (Fairytales with a twist)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon