Sa tuwing sumasapit ang araw na ito umiiyak din ang kalangitan. Sabayan pa ng nakapanginginig na lamig nito dahil sa ulan na bumubuhos kasabay ng malakas na hangin. Iniisip ko na lang na kasabay akong nitong nasasaktan, at ang lamig ng kapaligiran ang siyang nagpapaala sakin sa mga ala alang away kong balikan.
Hays. Puros kadramahan na naman ang umuusbong sa aking isipan. Epekto to ng mga pinagsasabi ng teacher na yun e! Napakadeep kung makapagtagalog. Ipatanggal ko siya sa school e. Kabanas king*na -.-
Yo. Ako nga pala si Rain Cruz or Arcee, yea rain as in ulan. Diko alam. Malakas siguro topak nung nagpangalan sakin. Psh ewan.
Kingineyj! Bat dipa tumigil tong ulan! Hassle to. Perwisyo ang ulan! Gaya ko. Bat ba kasi ako nabuhay pa. Urg. At sa araw na'to pa talaga. Sabagay sa tuwing sumasapit ang araw na'to palagi namang umuulan. Langya diba meant to be talaga -.-
''Wala kang dalang payong?" Natigil ako sa pagmumura ng may magsalitang babae sa gilid ko.
"Anong gagawin mo? Hihintayin mong tumila ang ulan bago ka pumunta sa parking lot ganun ba?" Ang kulit neto a. Di ko naman close bwiset.
''Magsalita ka naman. Para naman akong tanga di-" Hindi ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin.
"Obligado ba akong sagutin lahat ng tanong mo? Nakakabanas ka" sabi ko sa kanya ng hindi man lang siya linilingon
"Para kang panahon pag umuulan. Malamig" pabulong niyang sabi pero narinig ko pa din bago pa ako makalayo ng tuluyan.
Nagdrive ako papunta sa sementeryo. Salamat naman at hindi na masyadong malakas ang ulan. Ang tagal ko na ding di nadalaw yun. Hays
Mejo tumila na ang ulan ng makarating ako sa puntod niya.
"Hi. Sorry ngayon na lang ulit ako dumalaw" sabi ko habang tinatanggal ang mga dahon na siyang tumatakip sa pangalan niya.
"I miss you so much Sky" at hindi ko na napigilang umiyak.
"Ang h-hirap. So-sobrang hirap. Bat ba kasi iniwan mo ko ha? P-pero alam ko naman na binabantayan mo lang ako e. I love you Sky" at umihip ng napakalas na hangin sabay ng aking pagpikit at paglandas ng aking mga luha.
Nang tapos na akong makipagusap sa kapatid ko. Umalis na ako. Pero nang nadaanan ko yung park ay huminto muna ako. Trip ko tumambay muna.
Umupo ako sa isang bench na nakasilong sa malaking puno. Feel na feel ko na yung moment ng mag isa at makapag isip isip sana pero biglang umulan ng malakas. Pucha! How great! Pero di naman ako nababasa e ang lakas ng ulan.
"Gusto mong magkasakit sa araw ng kaarawan mo?" Tumingala ako at nakita kong may nagpapayong pala saken. Not bad.
"Anong ginagawa mo dito?" sagot ko sa kanya
"Tama bang sagutin mo ang isang tanong ng isa pang tanong?" tanging sagot din niya
"Ewan ko. You're the top 1 in our class diba. Wala akong time para mag isip" Wala na ako sa mood kingina naman.
"Yea. And you're the second in our class at 0.2 lang agwat naten. So you know the answer to my question Arcee" sabi niya.
"I really don't care at all Mr. Top 1. Can you leave now?" Kasi sisipain na talaga kita pag di ka pa umalis.
"Wala kang kasama. Nandi-" hindi ko na siya pinatapos at naglakad na ako palayo sa kanya, wala na akong pake kung mabasa pa ako ng ulan. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may humawak na sa kamay ko.
"Happy birthday Rain" sabay bigay niya ng payong sakin at tumakbo na siya palayo habang naiwan akong nakatayo sa gitna ng park.
Nagising ako sa realidad ng biglang tumunong a cellphone ko.
From: Mom
Your party will start at 8. Come home and fix yourself.
Tss. Like i fucking care with that party. Puro mga kasosyo at mga mayayamang kaibigan lang naman niya ang laman niyan at ang mga taong di ko din kilala. Fuck. Makauwi na nga.
Pagkauwi ko ng bahay sinalubong agad ako ng mga katiwala at sinabing nakahanda na lahat ng gagamitin ko.
Ugh. Seriously? A white fucking long gown? I'm no saint at ayoko sa white. Si Sky may favorite color niyan. Pero wala na akong choice. Kaya sinuot ko na lang at naglagay na ako ng make up. Linugay ko lang ang kulay brown kong buhok na may kulot sa dulo dahil tinatamad akong mag ayos. Kinuha ko ng ang aking purse at umalis na.
"Ihanda mo na ang kotse ko. Yung kulay itim" utos ko sa butler pero may epal na nagsalita.
"Wag na. We'll go to the party together. Let's go Rain" -mom
Sumunod na lang ako sa sasakyan at di na nagsalita dahil mag aaway lang kami. Hahaha how funny. Di man lang niya ako grineet. Sabagay. Sanay na din naman ako.
Pagkarating namin sa venue. Sinalubong agad kami ng mga paparazzi at media. Tsk.
"Smile Rain" duh i will not give her or kahit sino ng satisfaction. Di ako ngumiti. Naubos na pake ko. I wanna go home.
Nang naging busy siya sa party na yan. Tumakas na ako. Kinuha ko ang susi sa driver at umalis na ako.
Pagkauwi ko deretso na sana ako ng kwarto ng hinabol ako ng isa sa katulong.
"Magandang gabi po Miss. Para sa inyo po. May pumunta po kanina dito at sinabing para sa inyo po ito" sabay bigay niya ng box. Binuksan ko naman agad ito at nakita ang hugis pusong cake na may nakasulat na "Sana maging masaya ka Rain" tsk. Masaya? Punyeta!
"Oh. Itapon mo. Hindi ako tumatanggap ng kahit ano sa araw na ito." malamig kong sabi sa katulong.
"P-pero sayang naman po miss" nauutal pa niyang sabi.
"Itatapon mo o tatanggalin kita sa trabaho?" Gusto ko na lang matulog. Ang dami talagang istorbo sa buhay ko.
"Miss Rain. Pasensy-" diko na siya pinatapos sa sasabihin niya.
"You're fired. Ayoko ng makita yang pagmumukha mo bukas. Leave!" At umakyat na ako sa kwarto ko.
Nagbihis na ako at humiga na sa kama. Inisip ko lahat ng nangyari sakin ngayong araw. Nothing special.
Pero napangiti ako ng naalala kong may bumati pala sakin ngayon. Atleast may bumati kahit isa lang. At nainis ako sa sarili ko at the same time kasi tinanggap ko pala yung payong kanina. Pucha naman Rain! -.-
A/N: Hellooo po. Sana magustuhan niyo ang unang chapter. Masyado bang misteryoso si Rain? :) Hehezz. Sana suportahan at iboto niyo ang istorya ko! XOXO
BINABASA MO ANG
W H Y?
Teen Fiction''Why do i need to be in this situation?" "Why do i feel like i don't belong?" "Why can't i escape my nightmare?" "Why can't i unlove you?" "Why do you need to go?" "Why leave me?" "Why me?" Paulit ulit kong tinatanong sa aking sarili kung lahat ba...