TWO

10 1 3
                                    

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Tss. Antok pa ko -.- Pero wala e. Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo para mag ayos kahit labag sa kalooban ko.

Magpapakilala pala ako ng maayos para naman di masyadong masama ang image ko sa inyo at para may idea kayo kung sino ako.

Ako si Rain Cruz or Arcee. Walang pake sa ibang tao. Masungit. Ano pa ba? Masama. Basta alam ko masama akong tao. Tss. Haha wala e. Masama talaga ako. Yun lang!

Faded jeans. Hoodie. Kicks. Nothing special. Tinatamad ako mag hanap ng designer kong mga damit -.-

Nang matapos na ako dumiretso na ako sa kusina para kumain pero di pa ako nakakaupo nawalan na ako ng gana. Makaalis na nga.

"Where are you going? Di ka ba kakain muna?" -mom

"Wala na akong gana. Ayaw kitang kasabay" sabi ko at umalis na papunta sa school.

Diko alam kung kakambal ko na ba ang badvibes sa buong buhay ko. Tinigil ko ang sasakyan ko sa tabi dahil may gagong nagpark sa parking space ko.

"Kanino yan?" Tanong ko sa lumapit na guard

"Ah pa-pasensya na po ma'am. W-wala pa po kasi ako k-kanina dito" sagot niya

"Destroy it" sabi ko nang lumabas na ako sa sasakyan ko.

"P-po?" Di ba to nakakaintindi ng ingles? Bobo naman.

"Tanga lang? Sabi ko sirain mo" sabi ko

"Pero ma'am tatawagin ko na lang yung may ar-" Bat di na lang niya sundin yung utos ko. Aish. Ang tanga.

"Sirain mo o sisirain ko yang mukha mo?" Binigyan ko na siya ng pagpipilian. Mabait na'ko niyan :)

"Kailangan mo pa bang mangsira ng mukha dahil lang nakapark ang kotse ko jan?" Hinarap ko ang ugok na may ari ng kotse

"HAHAHAHAHA" Natawa na lang ako. Siya lang pala.

"Bat ka tumatawa?" Sabi niya

"Alam mong para sakin lang a space na iyan. Nagpapapansin ka ba Mr. Top 1?" Sabi ko

"sa pagkakaalam ko wala namang pangalang nakalagay diyan Rain" sagot pa niya

"Damn you. Don't you dare call me Rain" sabi ko at umalis na sa harapan niya kabanas!

Pumunta ako sa pool part ng school.

"LAHAT KAYONG NANDITO ALIS!" sigaw ko sa mga nasa pool area at mabilis namang sumunod ang mga bata 

Nakatayo lang ako sa gilid ng pool. Nagtatanong sa sarili ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kung bakit kinamumuhian ko na ang dating gustong gusto kong gawin. Paglalangoy lang ang alam kong lamang ko sa lahat, kasi alam kong dito ako magaling at gusto ko ang ginagawa ko. Pero hindi ko na makakayaang lumusob pa sa tubig dahil bumabalik lahat ng ala ala sa akin at nagagalit lang ako.

"Naisip mo ba kung bakit ako lapit ng lapit sayo?" sabi niya at tumabi siya sakin

"Hindi mo ba talaga naaalala Rain?" Kinuyom ko ang ang aking mga palad at umalis na sa tabi niya.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya umalis na ako sa school at nagkulong sa kwato buong araw.

 Gulong gulo na ako. Ang hirap pag yung ala ala mo hindi na pwedeng bumalik. Pano pa masasagot ang mga katanungang bumabagabag sa akin kung wala na akong pag asang makaalala pa.   

A/N: Nakakabanas ba ako mag update? Haha. Sorry po. Masyado pa kasing maaga para sa paglalantad pero malapit na din. Hahayaan ko muna kayong mafrustrate :) XOXO

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

W H Y?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon