MY SECRET BOYFRIEND IS L.JOE'S FROM TEEN TOP [FAN-FIC SHORT NOVELETTE]

409 2 3
                                    

Author's Note:

Wahhh! Dahil po sa gustong-gusto ko talaga si L.Joe ng TEEN TOP! Gumawa po ako ng maikling-maikling nobelang prosa tungkol sa aking favorite TEEN TOP member, si L.Joe. Ito po ang aking istorya tungkol kay L.Joe. Hoping magustuhan ninyo sana. Sorry kung hindi ako masyadong makapag-express dito ng mga korean words. Wala kasi akong alam sa korean words. :D

Dear Readers,

Hello! Naniniwala ka ba sa iyong destiny? Ano nga ba ang DESTINY? Ito po 'yung nakasulat nang kapalaran para sa atin. So, ngayon po, mga readers ko. Ibang atake po ang gagawin ko rito sa "MY SECRET BOYFRIEND IS L.JOE'S TEEN TOP". Tama po ang nababasa ninyo. Kayo po, mismo ang bida rito. Gusto kong ilagay ninyo ang inyong sarili sa character na siyang pinaka-heroine dito. Kaya walang ibang babanggiting pangalan ng babae, kundi ganito ang format,

"I love you, (Insert Your Name)"punong-puno ng senseridad na sabi sa akin ni L.Joe.

"I love you too, L.Joe." Napapikit ako nang unti-unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin. Yay! Hahalikan niya ako! Dios mio! Hahalikan ako ni L.Joe. Kung dati ay nangangarap lang ako kung paano siya kasarap humalik ay mukhang magkakatotoo na. Narito na siya. Sa harapan ko, at ipaparanas niya sa akin ang isang mabining halik na magmumula sa kanya.

AT IKAW IYON, ikaw ang bida rito. Ang ka-partner mo rito ay si L.JOE ng Teen Top. Isa po itong FAN-FICTION na nasa iyong kapalaran kung ano ang itatakbo ng kuwento. Nasa inyong kamay po ang kahihitnan ng iyong love story. Choose your own fairy tale love story. Ikaw ang magdedesisyon kung ano ang kakahinatnan ng iyong love story with L.Joe. Meron dalawa pong option po kayong pagpipilian po rito. Ikaw po ang bahala! So, hoping huwag po kayong malito sa pagbabasa nito. Baguhan po ako sa larangan ng pagsusulat na ganito ang tema. Kung kaya, if ever me makita po kayong mali ay agad ninyong ipaalam sa akin ito. Again, pinapangunahan ko po kayo, maikling-maikling nobelang prosa po ito. Di ko po masasabing short story dahil novel ang gusto kong mangyari dito. 'Yun nga lang, maikling nobelang prosa ito. So, mag-enjoy po kayo. So, sa mga nakabasa ng una nito. Medyo babaguhin ko po ah. Me lilinawin lang akong eksena. Okey, enjoy reading! Pero, sana po, dear readers, medyo pasensiyahan ninyo kung medyo slowly ang update nito.

PROLOGUE

Alam ninyo bang kakaiba ang aking love story! Oo, kakaiba po. Maybe, nakabasa na po kayo ng mga love story na ang tema ay TEACHER-STUDENTS relationships, isang girl na panget na na-in love ang isang guwapong lalaki. O kaya ay isang super rich na na in love naman sa isang kahig isang tuka. O, kaya ay isang superstar na na-in love naman sa isang simpleng babae o lalaki. Yeah, ganyan ang nangyari sa akin. Na-in love po ako sa isang celebrity. Sikat siya sa South Korea, sikat siya sa buong Asya, marahil nga ay sa buong mundo.

Tama kayo, guys, sikat nga siya. Isa siyang IDOL sa kanilang bansa. Isang idolo na kinababaliwan ng lahat ng mga kababaihan sa North Korea at sa iba pang panig ng daigdig. Member siya ng isang BOY GROUP doon. Pero secret lang natin ito ah, shhhh, huwag kayong maingay. Alam ninyo bang naging boyfriend ko si L.Joe ng TEEN TOP?

WHAT? SI L.JOE ng TEEN TOP?

Tsk! Sinabi nang huwag kayong maingay eh! Oo! Tama kayo sa narinig ninyo! Si L.Joe nga ng TEEN TOP. Si Lee Byung Hun o mas kilala sa pangalang L.Joe. Pero huwag ninyong ipagkakalat ah. Don't worry, ikukuwento ko sa inyo ang detalye. Buong-buo. Walang labis, walang kulang! So, handa na ba kayong making ang kuwento ko? Ang love story namin ni L.Joe? Okey, ikukuwento ko na po! Makinig po kayong lahat...

Naalala ko pa ang lahat...

MY  SECRET BOYFRIEND [][ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon