CHAPTER TWO - A

74 1 0
                                    

Dear Readers,

Hi! Hello! Sana po ay magustuhan ninyo ang bago kong handog na short novel fan-fic na ito. Sana nga, guys, mabigyan ko ng hustisya ang paggawa ng kakaibang “SHORT NOVEL” na ito. Sana nga ay masiyahan kayo sa inyong pagbabasa. Again, maraming salamat po sa mga nagbabasa nito kung meron man. At muli po, nagpapasalamat po ako nang lubusan sa inyo. Para mas ma-enjoy ninyo ang pagbabasa nito. Isa lang po ang piliin ninyo para po ma-enjoy ninyo! Happy reading! Sana po ay bumoto po kayo! Tee he he he! Wala naman masama, ‘di ba? :D

TANONG:

MAABUTAN  MO KAYA ANG M-COUNTDOWN KUNG SAAN MAG-PE-PERFORM ANG TEEN TOP o HINDI?  ANO ANG GAGAWIN MO, PAGBIBIGYAN MO ANG MATANDANG BABAE NA MAKASAKAY O SASAKAY KA PA RIN NG TAXI. NASA IYO ANG KAPALARAN. PINILI MO ANG LETTER A.

A. WALA KANG PAKIALAM, SASAKAY KA PA RIN KASEHODANG HINDI MO MAPAGBIGYAN ANG MATANDA BASTA MAKAABOT KA LANG SA PANONOOD NG M-COUNTDOWN.

CHAPTER TWO - A

Ay naku, tutuong nagmamadali kami ni Juris sa pag-uwi. Gusto ko kasing maabutan na mapanood ang M-Countdown sa Channel M, dati siyang TVN. Nasa Top Ten kasi ang single ng TEEN TOP, ‘yung kanta nilang “To You”. Talagang gustong-gusto ko ang choreography nila roon, kung saan ang seksi-seksing tingnan nila, especially ang idol kong si Chun Ji. Wahhh! Maisip ko lang ang pagsasayaw niya eh, kinikilig na ako!

Naiinis ako sa taxing walang laman na pinara namin. Pa’no, kami ang unang nagpara, pero doon siya tumigil sa isang pumara rin na matandang babae na sa tingin ko, naglalaro ang edad sa singkuwenta’y singko. Eh, mabagal ‘yung matanda. Akmang bubuksan na ng matandang babae ang pinto sa hulihan ay mabilis ko itong binuksan nang makatakbo kaming dalawa ni Juris sa taxi. Agad-agad akong pumasok sa loob ng taxi, kasunod ko si bestfriend.

 “Ma, pakihatid kami sa Pasig Bliss, Caniogan.” Ang sabi ko agad sa driver ng taxi.

Tumingin ang driver sa driver’s mirror kung saan nakikita ko ang dalawang pares ng kanyang mga mata.“Eh, miss, nauna kaya ‘yung matandang babae sa inyo.”

“Naku, pasensiya na po, Mama!” ang sabi ko sa taxi driver. “Mas kailangan po namin na makarating agad sa aming bahay.”

“Eh, pasensya na talaga, Miss, nauna talaga ‘yung matanda.” Ang sabi sa amin nung driver na tumingin pa sa amin sa likuran at nananatiling hindi niya pinasisibad ang sasakyan.

“Mama, need na talaga namin makauwi sa aming bahay, please naman po?” pakiusap ko sa taxi driver. “Babayaran po kita kahit magkano, Three Hundred, puwede na po?”

Mukhang nagdadalawang isip pa ang matandang lalaking driver. Napasimangot ako bigla, saka ko sinabi. “Sige na po, Mama, pakihatid na po kaming dalawa sa Pasig Bliss. Babayaran ko po kayo ng THREE HUNDRED! THREE HUNDRED TALAGA!” nilakasan ko pa ang huli kong sinabi. Saka ko, inilabas ang aking wallet mula sa aking maliit na shoulder bag. Naglabas ako ng tatlong dadaaning piso. Iniabot ko iyon sa mamang driver. Hindi siya nakatanggi. Agad niyang kinuha ang inabot kong three hundred pesos.

Matulin niyang pinasibad ang sasakyang taxi. Tsk, iba na talaga ang nagagawa minsan ng suhol, ano? Okey lang akong magbayad nang ganoong halaga basta ba makauwi agad kami. Kesa naman abutin kami nang hatinggabi sa daan. Mas mabuti pang mag-taxi kaming umuwi ni Juris. Ang nakakainis pa, biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Habang tumatakbo ang sasakyan. Napatingin akong bigla sa labas. Kahit na malalaki ang patak ng ulan, alam kong ibang direksyon ang tinutumbok ng aming sinakyan na taxi. Ibang daanan ng kalsada ang kanyang tinatahak.

MY  SECRET BOYFRIEND [][ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon