Sammy POV"Sam, anak gising ka na't may pasok ka pa". Narinig ko si Manang mula sa labas ng pintuan ng aking kwarto.
"Opo manang." sagot ko.
May pasok na pala ulit, first day na naman ayaw ko pang pumasok madami na namang mga taong manbubully sakin. Oo tama kayo binubully ako kasi para daw akong matanda sa aking Saladin. Para na naman akong tanga kinakausap ko na naman ang sarili ko.
Tumayo na ako at dumiretso na aking bathroom para maligo. After 20 minutes natapos na din akong maligo, nagbihis na ako at bumaba ng hagdan at dumiretso sa kusina para kumain ng aking breakfast. Naabutan ko si Manang na nagwawalis ng living room at hindi ko na naman nakita ang aking mga magulang.
"Manang, na saan po sila mom and dad?" tanong ko kay manang.
"Ah, iha umalis ng maaga ang parents mo dahil meron daw silang business trip."
"Okay po, Ilang araw daw po silang mawawala?"
"Mga dalawang linggo daw iha."
"Ah, sige po manang sanay na po ako, tara kain na lang po tayo." anyaya ko
Palagi na lang umaalis sila mom dahil na lang lagi sa trabaho, hindi ba sila napapagod magpayaman? Mayaman na kami pero ang hindi ko lang maintindihan kung bakit gusto pa nilang magpayaman ng payaman. Kaya only child lang ako eh, kasi lagi silang busy but I know they love me so much and they are doing this for our family.
Punta ulit ako sa bathroom ng kwarto ko, para magtoothbrush at kunin na ang gamit ko.
Nagpaalam na ako kay manang at tuluyan na akong lumabas ng bahay, at sumakay sa kotse dahil ready na si Manong para ihatid ako. 1st year college na pala ako ngayon, at may mga best friends ako ang pagkakaiba lang namin ay sila ay maayos sila sa kanilang sarili, they wear make up, fashionista, at palagi silang nagsasalon, pero ako oo nagsasalon ako pero may malaki akong salamin at favorite ko itong gamitin, kahit na sabihin ako ng iba kung classmates na mukha daw akong manang.
I forgot to introduce myself, well I'm Samantha Kate Gonzalez, 17 years old. I am the only child of Mrs. and Mr. Gonzalez my parents are popular because we have lot of businesses also I have my own charity well sakin lang talaga yon charity pinatayo ko yon dahil hiniling ko sa parents ko yon as a birthday gift.
Nandito na nga pala kami sa school at nagpaparking na si Manong at bumaba natin ako nung naiparking na niya ang kotse. Nagpaalam ako kay Manong at sinabing tatawagan ko na lang ito kapag ako ay pauwi na.