To Love Again-2

29 1 1
                                    

~~

==

CHELSEA

Huminga ako nang malalim at nagsimula na "Nasa CES academy ako no'n. Sobrang lungkot ko no'n. Kasi nakipag break up siya sa kin. Akala ko wala pa siyang iba. Pero isang araw nakita ko siyang may kasamang ibang babae. At simula nang araw na yun, pinangako ko na 'wag muna mag mahal. Dahil masasaktan ka lang. At dahil takot na akong magmahal uli. Takot na akong ibukas yung puso ko para magmahal ulit. Nakakatakot na."

*FLASHBACK*

Monday February 25, 20**

Nasa CES academy ako no'n. Kasama yung mga kaibigan ko. Si shaira, bea, abigail, divine, dj (girl), keziah, jemima, at si sophia.
Andito kami malapit sa farm na nakaupo sa mga benches du'n. Ang sakit pala! Na ang taong pinangarap mong pakasalan ay biglang bibitaw sa'yo. Opo. Nakipag break up po yung boyfriend sa'kin. Kaya po nandito kami malapit sa farm dahil gusto ko munang mapagisa kaso sinundan pala nila ako. Kaya ayun. Do'n ko sinabi lahat sa nangyari kahapon. Kaya rin kami nandito sa mga benches kasi habang sinabi ko lahat bigla na lang tumulo yung mga luha ko. I'm really blessed to have them in my life.

Red Jackson. Ang boyfr- ex ko pala.

"Tahan na chels. He's not even worth your tears." - Sophia

"Oo nga chels, tahan na. Someday makakahanap ka rin ng taong magmamahal ulit sayo." - Jemima

"Balang araw mahanap mo rin yung taong mamahalin ka ng buong- buo, chelsea." - shaira

"We're here for you. Someday in the right time, you'll find the one who's really meant for you." - bea

"Oo nga chelsea. In the right time." - keziah, Dj, abigail at divine.

Pinunasan ko yung mga luha ko at ngnitian sila. "Salamat guys ha. Kasi, kahit anong problema ko, nandiyan parin kayo para tulungan ako. Salamat. :)" at pagkatapos kong sabihin yun nginitian ako nila.

I looked down and let my foot play the grass. I let out a small sigh and let my tears fall to my eyes again. Ang hirap. Ang sakit. Napakasakit. Inangat ko yung ulo ko at lumingon.. Aish! 😔 Hindi nalang sana ako lumingon! Kasi mas lalong masasaktan yung puso ko. Nakita ko siya. May kasamang babae. Naghahalikan.💔 So yun yung dahilan bakit siya nakipag break up? Napansin siguro nila kaya sinundan nila yung gawi ko.

Bigla nilang hinawakan yung balikat ko. "Ang sakit! Hindi ko na kaya💔" And with that I ran. "Chelsea!!! San ka pupunta?!!" Narinig kong sigaw nila pero hindi ko pinansin. Biglang umulan ng malakas. Kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagpatak ng ulan. I ran and ran as far as I could. Turn, turn, a little turn, jump, until I reach a small bush and hid there. Niyakap ko yung sarili ko at umiyak kasabay sa ulan. Hindi ko na kaya. "Bakit kailangan ko pang maramdaman 'to? Hindi ko na kaya. Ang sakit2x!😔 Minahal ko siya ng buong buo pero winasak niya yung puso ko. *Huk*. Ayoko ko na! Nakakapagod na po! Ang sakit2x na po eh!" Sobrang sakit na talaga💔 Kailangan ko si mama ngayon. Kailangan na kailangan ko siya. Tumayo ako at ibinasa ulit yung sarili ko sa malakas na ulan. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang nalagpasan ko yung school ko.

Pumasok ako at hinanap si mama pagdating sa bahay. Nakita ko siya sa kusina. "Oh anak, ba't basang basa ka?" Tanong ni mama. Hindi ko na siya sinagot at Pumunta ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Mama! *huk* ang sakit na po! Hindi ko na po kaya." Sabi ko kay mama. " 'Yan ang sinasabi ko sa'yo anak eh. Alam mo mismo sa sarili mo na hindi ka pa handa sa mga bagay na yan. Ayan tuloy. Nasaktan ka sa huli."

"Eh minahal ko siya mama. At sinabi niya mahal niya rin ako. Pero ba't niya ako iniwan?" -ako

"Hindi naman lahat kapag sinabi rin nilang mahal ka nila hindi ka nila iiwan. Promises are meant to be broken diba?"

"Opo."

*sigh*

"Di bale anak. Balang araw mahahanap mo rin ang para sa'yo. Sa ngayon ito ay isang challenge sa'yo ng Diyos. Ibig sabihin hindi ka pa handa sa ganitong sitwasyon. Maghintay ka sa tamang panahon anak. Mahahanap mo rin yun."

At dahil sa sinabi ni mama, bigla akong natauhan na tama nga pala siya nung una. Tama siya na ganito ang mangyayari. Tama si mama. Sana noong una palang nakinig na ako kay mama. Ang tanga ko. Niyakap ko si mama ng sobrang higpit. Dahil sa kanya nauntog yung ulo ko at natauhan.

Bumitaw ako sa yakap at ngumiti sa kanya. "Oh sige anak! Pumunta kana sa kwarto mo at maligo kana kasi okay na yung pagkain." Sabi ni mama sabay ngiti ng matamis.

Sinunod ko yung sinabi ni mama at pumunta sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at isinubsob yung mukha ko sa unan at hinayaang dumaloy sa mata ko yung mga luha.

***

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Love AgainWhere stories live. Discover now