Prologue

10 0 0
                                    

Prologue

"Okay, see you on Wednesday. Class dismissed."

Narinig kong sabi ni Mr. Teves bago tuluyang lumabas ng classroom. Salamat at natapos na din ang Accounting. Sumasakit ang ulo ko lalo 'pag naiisip ko ang mga susunod na lectures namin sa kanya.

Inilagay ko ang ballpen at binder ko sa loob ng aking color navy blue na Hawk back pack at isinukbit ito sa magkabilang balikat ko.

Palabas na ako ng classroom nang biglang may sumulpot sa may bukana ng pinto, dahilan para magulat ako at mapahinto sa paglalakad.

"Bulaga!" Panggulat ng babaeng nasa harapan ko habang nakataas ang dalawang braso sa ere at nakabukas ang mga palad.

"Ano ka ba naman, Aria! Mamamatay ako sa nerbyos dahil sa 'yo e!" Asik ko sa kanya habang pinandidilatan ng mga mata. Kahit kailan talaga may sinto itong bestfriend ko.

"Chill, Nade," she chuckled, "hindi ka na nasanay."

"Kahit everyday mo akong ginugulat, hindi parin ako sanay." Saway ko sa kanya habang nakakunot ang noo at sinasapo ang dibdib ko.

"Sorry na, bessy," she tightly hugged me, "I will never do that again," she added while looking at me with puppy eyes.

"Pang-isang milyong beses mo nang ipinangako yan, Ar. Kainis 'to." I said as she released me from her hug.

"Bilang mo pala, bes?"

"Oo, kaya halika na't ilibre mo 'ko. I'm hungry." Inartehan ko siya at humawak sa tiyan kong nagwawala na ang mga alaga.

"You're always hungry, Serenade! Gaano ba kalaki ang space sa tiyan mo?" Kamot noo niyang reklamo.

"Kasya ang dalawang order ng Charlie Chan pasta and Hawaiian pizza, I guess?" I said while touching my chin.

"God! You only have twenty-four-inch waistline! Napakatakaw mo talaga. Tara na nga!"

Wala na siyang nagawa kundi ang hilain ako papuntang Yellow Cab na nasa kabilang street lang paglabas ng university. Woot! Libre na naman ang meryenda ko. Yehey!

"NADE, how is it feel to be a business major student?" Tanong ni Aria habang nakatuon ang atensyon sa paborito niyang chicken wings.

"I don't like being one." I answered as I eat my pasta.

Nandito kami ngayon sa Yellow Cab kung saan tambayan ng mga taong walang magawa o kaya naman ay hindi pumasok sa klase. Napansin kong medyo marami yata ang mga estudyante ngayong oras na ito. It is only ten o'clock in the morning at alam kong halos lahat ng klase ay on-going dapat. Siguro ang boring ng lesson nila kaya dito sila ngayon naglilimlim.

"Why? You should love your course," she said while still paying attention to her chicken wings, "I know kaya mo naman tapusin 'yan and besides, to make your parents proud."

"Alam mo namang gusto kong maging teacher diba? Kaya siguro wala akong gana mag-aral kasi hindi ko naman gusto 'tong course ko, si Papa lang naman may gusto e." May lungkot kong tugon sa kanya.

"Hey, cheer up! If I know maraming pogi sa department niyo. Sa 'min kasi marami din naman kaso parang walang may bet sa 'kin." She laughed so hard that she almost choke because of the chicken wings that she's eating.

"Ayan kasi! Kung ako matakaw, ikaw naman puro panlalalaki nasa isip. Aria, baka nakakalimutan mong you're taking up Political Science, you have to take it seriously," sabay abot sa kanya ng baso, "Oh inumin mo 'tong iced tea."

Marami pa kaming napagkwentuhan ni Aria hanggang sa natapos kaming kumain at bumalik sa campus.

Ang bilis ng panahon, parang nung nakaraan lang classmates kami mula kindergarten hanggang highschool. Ngayon, pareho na kaming second year college. PolSci student si Aria habang ako naman ay Accountancy student. Sa totoo lang labag talaga sa loob kong mag-Accountancy, kaso wala naman akong magagawa since ito yung course na gusto ni Papa na matapos ko, siguro dahil na rin sa accountant siya at gusto niyang sumunod ako sa yapak niya.

"Bes, I have to go. 11:30 next class ko at bawal ma-late, terror yung professor namin at ayokong mabalasa." She laughed.

"Sige na. Mamaya text mo ako ha?" I gave her a hug and she hugged me back.

"Girl, 2 hours lang akong mawawala. Hahaha. Yes, I will."

We bid our goodbyes and she run straight to her building.

Bakit kaya ang bilis ng oras kapag masaya ka or kasama mo yung mga taong nagpapasaya sayo? Then kapag hindi mo gusto ang nangyayari ang bagal ng takbo ng orasan? Ewan.

I'm heading towards gymnasium. 12 noon pa next class ko at wala akong ibang mapuntahan. Ayaw ko namang tumambay sa library dahil baka makatulog ako, eh ang dami kong nakain sa libre ni Aria. Baka bangungutin ako. Lol.

Hindi pa man ako nakakapasok sa gym ay naririnig ko na ang malakas na tilian ng mga kababaihan. Sa pagkakaalam ko next week pa ang intramurals.

Hindi nga ako nagkamali. Halos mapuno ang gym kahit practice game lang ng university basketball team. If I know puro chicboy karamihan sa varsity players.

Medyo mahilig din naman akong manood ng basketball since si Kuya mukhang NBA at nasa kanya lagi ang remote ng cable tv namin tuwing NBA season.

"Excuse me," sabi ko habang papunta sa vacant seat. Sa lower box lang ako uupo para mabilis lang makaalis once malapit na susunod na klase ko.

"Grabe ang galing talaga nung naka-jersey number 7 'no?" Rinig kong sabi ng katabi kong babae doon sa katabi niya.

"Sinabi mo pa. Ace player yan ng basketball team. Sad at may girlfriend na."

Nilingon ko yung tinutukoy nilang player na naka-jersey number 7. Hindi na ako nasorpresa dahil halos lahat na ata ng mga babae at binabaeng estudyante sa buong campus may gusto sa kanya.

CHASE AQUINO.

Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na yun ang ipinangalan sa kanya ng mga magulang niya, medyo bumagay naman dahil sa ngayon habulin talaga siya 'di lamang ng mga estudyante kundi pati na rin ng ibang propesor.

Aside sa pagiging habulin, active din sa pageants in and out of campus in which he wins most of the time, he's also doing good in academics, and last but not the least, may girlfriend na campus crush din, si Maureen Saldivar, na sa kasamaang palad ay kaklase ko.

Bakit ko alam lahat ng 'to? Wala nang ginawa si Maureen sa room kundi i-flex ang boyfriend niya, well sino ba namang hindi eh halos lahat na yata ng biyaya mula sa Panginoon nasa nobyo na niya.

Ang sakit na ng tenga ko dahil sa tilian at sigawan ng mga katabi ko so I decided na tumayo nalang lumipat sa bandang taas kung saan wala masyadong nakaupo.

Hindi pa man ako nakakaalis sa pwesto ko nang may biglang tumama sa ulo ko, dahilan para mapaupo ako sa lapag. Nakita ko ang pagtalbog ng bola ng basketball sa tabi ko.

Isang malakas na silbato ang narinig ko kasabay ng malakas na sigaw ng mga tao paligid ko. Sa sobrang lakas ng impact ay unti-unting nandilim ang paningin ko pero bago ako mawalan ng malay, naramdaman kong may bumitbit sa 'kin palabas ng gym.

I tried my best to open my eyes and to my surprise..

"Chase.."

I whispered before I lost my consciousness.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now