Story #1 Love or Fame - Chapter 1

17 0 1
                                    

Anong gagawin mo kung nagkakagusto ka na sa isang tao na kilala ng madami at imposible na mapansin ka niya? Sa community na kinabibilangan ni Troy alam niya na imposible na magustuhan siya ng isang tao lalo na kung sikat ang tao na yun. Part ng KPOP community ng Pilipinas si Troy at fan siya simula pa ng 2007. Multi-fandom si Troy at dahil doon ay madali niyang nakakasundo ang mga tao sa KPOP Event. Noong panahon na naging fan siya ay tahimik pa ang KPOP community sa Pilipinas. Konti lang din ang kilala na KPOP group noon tulad ng Wonder Girls, Super Junior, Bigbang, 2PM, Kara at SNSD na mga active sa panahon na yun. Palagi siyang nakikinig ng mga KPOP songs at nagpupunta siya sa annual event dahil dun lang niya nararamdaman na belong siya. May mga tinatawag din na cover group na tribute group para sa mga KPOP idol. Sila yung mga sumasayaw sa mga event at kino-cover ang group na idol nila. Bilang lang noon ang mga cover group noon kaya naman mabilis matapos ang mga event. Dumaan ang ilang taon at nadagdagan ang mga KPOP group na nag-debut tulad ng 2NE1, 4Minute, B2ST, f(x), EXO,B.A.P. miss A, Sistar, Boyfriend, Infinite, BTS at marami pa. Dumami din ang mga cover group sa Pilipinas. Naging kilala din ang KPOP music at dumami ang mga nagpupunta sa event.

Dahil sa gusto ni Troy na magkaroon ng bago sa buhay niya ay naisipan din niya na sumali sa isang cover group. 2013 nang maisip niya na maghanap ng mga makaka-grupo at mabilis silang nabuo. BTS ang group na napili nila na i-cover. Every Saturday at Sunday ang practice nila dahil mahirap ang routine ng BTS. Dahil sa ayaw nila na magkalat sa stage ay matagal bag sila nag-debut. Habang tumatagal ay nagiging close din silang magkaka-grupo. Parang magkakapatid na ang tingin nila sa isa't-isa. Nagtutulungan sila kahit sa mga personal na bagay. Ang pinaka naging close ni Troy ay si Justin na pinaka-magaling sumayaw sa grupo nila. Si Justin ang kumukuha ng steps at nagtuturo sa lahat. Kapag tapos na ang practice ay minsan nagpapa-iwan sina Troy at Justin para kumain ng goto o kaya naman kumain sa fast food. Napansin ni Justin na kapag tahimik si Troy ay lagi siyang nagyayaya kumain kaya naman nagtanong na si Justin sa kanya.

Justin: Troy ano nanaman meron? Tahimik ka nanaman kanina ah! Pansin ko kasi kapag tahimik ka bigla ka magyayaya kumain after practice.

Troy: Ah ganun ba? Obvious ba ako masyado? Hahahaha!

Justin: Ako napapansin ko, ewan ko dun sa mga mokong. Ano ba nangyari? May problema ba? Makikinig ako.

Troy: Hmmmmm kasi Justin may nangyari lang pero okay naman ako.

Justin: Nako Troy ayoko maniwala na okay ka, sabihin mo na yung totoo, di kita titigilan

Troy: Wala nga, okay na ako! Promise!

Nakatingin lang ng masama si Justin kay Troy at ayaw maniwala sa kanya.

Justin: Sabi ko sayo di ako titigil! Para ko na kayong kapatid at ano ba ako? Ibang tao pa ba ako sayo? Sabihin mo na kasi!

Troy: Oo na! Sige na sasabihin ko na! Nag-break na kami ng jowa ko! Ayan na okay na ba?

Justin: Ano ba yan! Yun lang ba? Troy madaming babae dyan hindi lang siya kaya sigurado ako makakahanap ka pa ng iba dyan.

Tahimik lang si Troy at di makatingin kay Justin. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang kadugtong ng kwento niya. Pero kinalabit siya ni Justin.

Justin: Huy! Ano na!? Bakit natulala ka na? Hayaan mo na siya! Madami pang ibang babae dyan!

Troy: Justin hindi siya babae . . . Lalake siya . . . .

Natigilan bigla si Justin at hindi niya alam kung paano siya magrereact. Naging tahimik silang bigla habang kumakain. Natapos silang kumain ng walang kibuan. Gulat na gulat si Justin sa nalaman niya dahil hindi niya inaasahan yun. Hanggang sa sakayan ng jeep ay di na sila nagkibuan. Hindi din alam ni Troy kung bakit tahimik si Justin. Iniisip tuloy niya na baka iwasan siya ni Justin kapag practice na nila. Hanggang sa makauwi si Troy ay magulo ang isip niya dahil sa mga nangyayari. Balak sana niya itago sa grupo niya ang tunay niyang pagkatao pero hindi niya kaya itago sa isa sa kanila dahil malapit siya sa tao na yun. Dumaan ang ilang araw at hindi nagparamdam si Justin kay Troy. Noon kasi laging nangangamusta si Justin sa kanya. Dumating ang araw ng practice nila at lahat nandoon maliban kay Justin. Tinanong ni Troy ang mga kagrupo niya at ang sabi ay male-late lang si Justin dahil may pinuntahan.

Mga ilang oras ang lumupas ay dumating na si Justin. Tuloy lang ang practice nila dahil gusto nila na pulido ang galaw. Nang matapos ang practice ay nagbihis na silang lahat. Aalis na sana si Troy pero bigla siyang pinigil ni Justin. Nagulat si Troy dahil sobrang tagal na di sila nag-usap ni Justin mula nung umamin siya. Pinigil siya ni Justin at niyaya na kumain muna bago umuwi. Pumayag naman siya at nauna nang umuwi ang iba nilang kagrupo.

Pagdating sa gotohan ay tahimik muna sila pareho na kumakain ng goto. Pero hindi na nakatiis si Justin at kinamusta si Troy.

Justin: Oh kamusta ka na? Iniisip monpa din ba siya?

Troy: Ah eh! Minsan naiisip pa din pero wala na eh! Ikaw kamusta?

Justin: Okay naman ako . . .  Pasensya na at di ako nagparamdam ng matagal, medyo naging busy lang

Troy: Ah okay pero busy ka? Katatapos lang ng exams ah?

Justin: Busy ako kasi nag-background check ako! Nag-investigate ako dyan sa ex mo!

Troy: Ha!? Bakit naman? Nako hayaan na natin siya . . . At least ginawa ko part ko.

Justin: Oo hayaan na natin kasi nakasuntok na ako sa kanya! Nalaman ko na manloloko siya at mga sinabay siya sayo! Akala niya siguro di malalaman kalokohan niya. Na-hack ko account niya at nakita ko lahat kaya di ko napigil at hinanap ko tapos sinapak ko! Haha!

Troy: Baliw ka talaga Justin! Hahahah! Pero salamat ah, ngayon mas madali na ako makaka-move on.

Justin: Walang pwedeng manakit sa Best Friend ko!

Troy: Best Friend? Ako?

Justin: Oo Justin! Simula ngayon ako na ang Best Friend mo!

Naging mas close pa silang dalawa at naging mag-best friend pa. Akala ni Troy ay iiwasan siya ni Justin dahil sa pag-amin niya. Pero ang pag-amin niya ang naging tulay para maging mag-best friend sila. Ngayon ay mag masasabihan na si Troy ng mga problema niya. Sa tagal niya sa community ay ngayon lang siya nagkaroon ng Best Friend. Tinuloy pa don nila ang practice every Saturday at Sunday dahil 1 buwan na lang ay sasali na sila sa isang event. Gusto nila na manalo kaya naman pinagbubuti nilang pito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU HYUNG (Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon