The Night (Boracay)

1.3K 31 6
                                    

May nag-aabang pa ba ng update ? Pasensya na po di ako nakaka update ng mabilis busy po talaga ako sa school eh. Pero tinatry ko pa rin ang maka update para sa inyo at dahil din sa uhaw na uhaw ako sa ganap. 😭

*******

Dawn POV

Nabigla ako ng hawakan ni Richard ang pisngi at kamay ko, lumapit ang mukha niya kaya ako'y napapikit, ramdam ko ang mainit at malambot na labi niya sa kabilang pisngi ko.

Unti unti kong minulat ang mga mata ko, napaka gwapo niya talaga at napakabait.

Bigla siyang nag salita.

"Gusto mong mamasyal? may pupuntahan tayo , i'm sure na magugustuhan mo yun. Ready? " yaya niya sa akin ni Richard , saan naman niya ako dadalhin.

"O-ok. Game." nakangiti kung sagot sa kanya. napangiti naman ito.

*****

Richard POV

Nakayakap siya sa akin, di ko alam kung anong nararamdaman ko sa babaeng nasa likod ko. Alam ko na hindi ako naniniwala sa Love @ first sight, pero bakit ngayon unti unti kung minamahal si Dawn.

Nasa motor kami ngayon, dadalhin ko siya sa isang sikretong lugar sa boracay. Isang lugar na hindi niya malilimutan pag nakita niya ito. Ramdam na ramdam ko ang kamay niya na nakayakap sa akin.

"Nandito na tayo Dawn" - sambit ko sa kanya agad naman siya ng bumaba.

"Pinagloloko mo ba ako Gomz?" tanong nito sa akin, Gomz? sarap pakinggan.

"Love to hear that "Gomz" " nakangiti kung sambit sa kanya

"Okay lang ba "Gomz" ang itawag ko sayo Richard?" tanong nito habang hinuhubad ko na ang helmet niya.

"Oo naman, para maiba diba" sagot ko sa kanya na nakangiti naman ito.

"Eh sabi mo magugustuhan ko yung pupuntahan natin eh bakit nakakatakot dito ang dilim" saad niya sa akin na natatakot sa tono ng pagsalita niya.

"hindi dito yung sinasabi ko sayo sa likod ng bukid na to." ngiti ko saad sa kanya

Dawn POV

Hinawakan ni Richard ang kamay ko at agad kaming pumunta sa likod. Hindi ko inaakala na may ganito palang lugar sa boracay. Sa likod ng bukid makikita mo yung kabuuan ng Front Beach , yung mga ilaw na parang christmas light tapos yung buwan at mga bituin sa langit ang ganda tignan. Kaya pala sinabing sikreto ni Richard wala masyadong taong pumupunta dito.

"WOW" naiiyak kung sambit dahil sa napakagandang tanawin

"Like it ?" tanong ni Richard sa akin.

"No, i don't like it Gomz.. I LOVE IT " naiiyak na sabi ko sa kanya at yumakap " Thank you!!! Thankyouuu soo much , di ko inakala na makakakita ulit ako ng ganito kagandang lugar. " sambit ko sa kanya habang nakayakap pa rin.

"You're always welcome Dawn" sagot niya sa akin at niyakap namn ako.

**********

Richard POV

Kumalas na ako sa yakapan namin at hinawakan ko ang napakagandang mukha niya.

"Why are you doing this to me Dawn?" tanong ko sa kanya habang nagtaka naman ito

"What?" natatakang sagot nito.

"Bakit pinapatibok mo ng mabilis ang puso ko? Yung kanina habang naliligo ka, talagang tinitignan kita, di ko alam kung na love at first sight ako sayo oh sadyang magaan talaga ang loob ko dahil anak ka ni tito " nakangiti kung saad sa kanya "kanina lang tayo nagkakilala, pero parang isang taon na kitang minamahal ng palihim , alam ko na hindi maitatanggi na baka hindi ka naniniwala sa sinasabi ko ngayon dahil naka inom ako at ang bilis lang , pero Dawn alam na alam ng puso na ikaw ang hinahanap niya. " naiiyak kung sambit sa kanya pero naguguluhan pa rin siya.

CharDawn Is On FIRE *SPG Fanfic*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon