CDUD 01- I'm J-Reigh

1K 17 1
                                    

Chasing Dusk until Dawn

-Unang kabanata

I'm J-Reigh

J-Reigh's PoV

Hindi ko alam na pupwede itong manghayari, ako bilang isang "Guardian" na magpoprotekta sa kaniya sa kahit na anong kalabasan, pumatay ng kahit sino na magbabalak pumatay sa kaniya, protektahan ang kaniyang pera, kaibigan at kahit pati na rin ang kaniyang karelasyon.

Hindi ko ito nakitang darating.

Wala akong lakas ng loob na magampanan ng lubos ang kanyang hiling noon.

"Hoy, J-Reigh, Wendyl. Magsimula tayo ng sarili nating mafia. May nakapagsabi sa akin na nasa Pilipinas na ang kauna-unahang mafia na pinamumunuan ng babaeng tinatawag na COL. Hanapin natin sila, mapasama sa kanila, maging Guardians, lumaban sa mga masasamang nilalang at patayin iyong mga... iyong mga... iyong mga tarandatong iyon."

Noon iyon, noong mga bata pa kami nina Aldrin.

Sinunod namin siya pero hindi ko kailanman nagustuhan ang ideya na pumatay ng tao. Kahit na ang mga taong sinasasabi niyang tarantado na ginawan siya ng masama at pinagsamantalahan ang kaniyang kabataan.

Labis akong nagalit ng nalaman kong may mga kalalakihan sa edad na labing anim ang nagtangkang pagsamantalahan ang anim na taong gulang at magtagumpay sa ganoong balak. Wala pa iyon sa akin noon. Walang ibang naibigay iyon kay Al kundi sakit at pagkamuhi.

Sa edad ding iyon, nakuha namin ang aming isang misyon sa isang lalaking hindi pa namin kilala noon pero nalaman naming ito pala ang tunay na ama ni Al.

"Kung gusto mo talagang magbigay ng hustisya, patayin mo ang mga De Vega sa isang cruise ship. Alam naman ninyo ang pumatay tama?"

Alam naming lahat kung anong ibigsabihin noon at alam din naming hindi na kami makababalik sa pagiging bata kung gagawin namin ang ganitong klase ng pangyayari sa aming mga buhay.

"Kung ganoon, ang dalawang kaibigan mo ay tutulungan ka hindi ba? Papatayin mo ang mga De Vega at magiging kasapi ka na ng aming munting Mafia. Magakaroon ka ng kapangyarhihang pinapangarap mo, wala ng makaktalo sa'yo at mamapatay mo ang kahit sinong taong magtatangkang gawan ka ng masamang bagay muli." Iyon ang kaniyang mga sinabi.

At dahil bata lang kami na naiintindihan na namin ang lahat, tinaggap namin ang mga salitang iyon na parang wala lang at sinunod ang nasabing utos.

Alam kong ayaw ko noon. Alam kong hindi ko ginawa para pumatay ng kahit na sino. Alam kong hindi ito ang kapalaran ko pero sa nakita ko noong araw na nasa criuse ship kami, nakita ko kung paano pumatay ng tao ang mga kaibigan ko. Para silang mga walang awang lobo na naghahanap ng pagkain.

Takot ang natatanging masasabi kong naramdaman ko sa pagkakataong iyon.

Walang pag-asa, liwanag, kasiyahan o pagsisisi sa hangin namin noon.

Pinanuod ko ang mga kaibigan kong sina Aldrin at Wendyl, pinapatay ang mga tao sa barkong iyon at sinusunog ng buhay.

Akala ko hindi ko mahuhugasan ang mga kamay ko sa dugo ng tao pero isang tao ang nagtangkang atakihin si Al. Masyadong malayo si Wendyl para tulungan siya kaya tumakbo ako, kinuha ang isang patalim at sinipa iyon na tumama sa ulo ng lalaki na parang bola lang ang sinipa ko.

Sumigaw ako.

Hindi ko alam ang ginawa ko at hindi man lang iyon pinansin ni Al hanggang sa matahimik kami'y doon na lamang siya nagsalita.

"Tara na." Iyon lang ang tanging narinig kong sinabi niya.

May taong humikit sa amin palabas ng lugar habang nasusunog ito at nakatulog na ako sa sobrang takot ko noon.

Chasing Dusk Until Dawn [Mafia 06]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon