* Kriiiiiiiiiing Kriiiiiiiiiing *
*Boooogsh*
Letche nabato ko tuloy yung alarm clock dahil sa gulat , *hikab* tumayo nako at pinulot yung alarm clock at linagay sa table.
at ginawa kona ang morning routine ko , Onting Lip Gloss At Powder lang ang linagay ko kase maganda naman na ako diko na kelangan mag make up !
Bumaba nako ng marinig ko na may nag doorbell at sigurado ako kung sino eto
" morning sissy " masiglang bati niya .. sabe na eh
" halika na baka matraffic pa tayo " linock kona ang pinto ng unit ko at umalis na
*********
Andito na kame ni Angelica sa sasakyan , at nakatigil kame kase nakared yung stoplight .. at etong katabi ko kanina pa dakdak ng dakdak !
" Sissy ? Balita ko marame daw gwapo ngayon sa M.U ! Waaaaaah Sissy , baka mahanap na naten dun yung forever naten " napangiwi ako sa sinabe niya
" Sissy ? Ilang beses ko bang sinabe sayo na walang forever ? Balik baliktarin mopa yung mundo walang forever , lahat naghihiwalay , lahat may hangganan " Oo Dakilang bitter ako dati naniniwala ako dun pero nung nagbreak kame ng ex-boyfriend ko dina ako naniniwala dun ,
1year And 2months kame , pero hiniwalayan niya lang ako dahil may iba na siya , ang dame nameng pinagsamahan pero napakadali lang para sa kanya sabihin ang katagang 'Break Na tayo' .. ilang buwan bago ako makamove on non lagi akong lango sa alak at halos walang tulog dahil sa kakaiyak .. kaya wala nakong balak magmahal ulet kase natatakot ako , natatakot akong masaktan ulet !
" Napaka Bitter mo talaga sissy, Tsk Tsk ? Hinde lang siya ang lalaki sa mundo .. marame pang lalaki jan , na handa kang mahalin at Hinde kana sasaktan ulet . Na siya na ang lalaking makakasama mo hanggang aa pagtanda niyo " imposible na ata yun
*sigh* " ewan ko sissy "
*********
Nakarating na kame sa MAGICAL UNIVERSITY , Ang Weird Ng Name Ng School Noh ?
Transferry lang kame ni bianca dito kase sa state kame nag aral last year .. Mag bestfriend kase ang parents namen kaya ganon den kame !Pumasok na kame sa M.U Andameng nakatingin samen , kase siguro maganda kameng dalawa at siguro dahil ngayon lang nila kame nakita ..
Habang naglalakad kame papunta sa Bulletin Board para Malaman ang section namen , at YES magka classmate kame ni bianca okey den na classmate koto kahit madaldal atleast may kakilala ako kesa naman loner ako sa room !
Habang naglalakad may nabunggo akong lalaki , sh*t ang gwapo .. halaka Princess magalit ka wag mo pagnasahan , Tsk !
" Wala kabang mata huh ? " galit na sabe ko
Marameng nakatingin samen na estudyante , tsk ! Mga chismosa !
Ang lakas ng loob niya sagutin si prince michael ng ganyan !
Diba niya kilala si prince michael ?
mukhang transfery siya kaya di niya kilala
Lagot yung babaeng yan
at sino ba tong lalaking eto at sinasabe nilang lagot ako dito ? As if naman matatakot ako , tsk !
" Malamang meron .. mag sorry ka saken " maangas niyang sabe
Wait ? Sinabe niyang mag sorry ako sa kanya ? NO WAY , Siya na nga tong naka bangga ako pang mag sosorry , anu siya Sinuswerte !
" Ayoko Nga , Hmmp ! " sabay talikod sa kanya
Pero bago ako makaalis hinawakan niya ang wrist ko , kaya napaharap ulet ako sa kanya at tinaasan siya ng isang kilay !
" Anu Ba ? Bitawan mo nga ako " at hinigit ko ang kamay ko sakanya pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakawak sa wrist ko
" I Said Say Sorry To Me " Galet niyang sabe
" A-Y-O-K-O , Ayoko .. tagalog naman ang pagkakasabe ko diba ? Baka dimo pa maintindihan " pang-aasar ko
Mas lalo pang nagbulungan ang ibang estudyanteng nanunuod na kala mo may taping
Ayaw niya paren bitawan ang kamay ko kaya no choice ako , inikot ko ang kamay niya tsaka sinipa ang junior niya , kaya ayun siya napaupo habang namimilipit sa sakit :D
Andito na kame sa tapat ng room namen at huminga ng malalim bago pumasok sa loob , andun sa yung prof namen.
" okey class may bago tayong dalawang transferry " tsaka siya Humarap samen " Intruduce Yourselfs"
" Angelica Miles Gonzales , 17years Old "
Huminga Muna ako bago magsalita ,
" Princess Yoori Flores , 17years Old " i Said
" Okey ! You Can Now Sit " Sabe ni Sir Jaime
Patungo kame ni bianca sa bandang likod na upuan tabi ako ng bintana siya naman sa tabi ko , yung iba kong classmate na babae ang sama ng titig saken yung iba naman nakikinig lang kay prof , yung iba namang lalaki kumikindat saken yung iba kay bianca , Eto namang si bianca kung hinde niya iisnobin tatarayan niya ako naman diko nalang sila pinapansin ! Tumingin nalang ulet ako sa harap para makinig ng may pumasok na lalaki !
" Mr. Santiago You Are Late " Galet at pasigaw na sabe ni prof
" The Girls Are Blocking My Way " Cool niyang sabe , tss ! Yabang
" You Can Now Sit " Aniya ni Prof
Hinde ko nalang pinansin yung gunggong na yon .. Pero Wait ? papunta siya sa upuan sa harap ko , Mabuti naman at may nakaupo sa harap ko at di siya makakaupo dun ..
Napalaki yung mata ko nung matalim niyang Tiningnan yung lalaki sa harap ko galit na sinabing
" Alis " T*angna naman oh , kung minamalas ka nga naman , umalis tong lalaki sa harap ko at umupo tong gunggong nato
Bakit natakot yung lalaking yun sa gunggong nato ? Ako nga hinde natakot sa gunggong nato ey ! Tsk ! Subukan niya lang akong guluhin di lang yun mapapala niya .. Tumingin nalang ulet ako sa harap at nakinig .
**********
Natapos na ang 3 subjects namen at break time na :D
" Lets Go Sissy Lets Eat " masiglang sabe ni bianca
Basta talaga pagkain mabilis pa kame sa alas kwatro :D
" Sige sige Sissy " masigla ko ding sabe
Pero Bago Kame Makaalis nagsalita Yung Gunggong
" Hoy Babae ! Anlakas ng loob mong kalabanin ako ah ! " bulyaw niya
Lumapit siya saken tsaka kame nagtitigan , anong akala niya papatalo ako sa kanya ? Di porket babae ako di ako papatol sa kanya , para saan pa't nag aral ako ng taekwondo kung papatalo ako sa gunggong nato !
" Malakas talaga loob ko , bakit ? Diyos Kaba para katakutan ko ? " Cool kong sabe
" Dimo ba ako kilala huh ? " galet niyang sabe
" Malamang hinde transferry nga diba ? At wala na akong balak kilalanin ka ! " Mataray kong sabe sakanya
Nakakuyom na ang mga kamay niya na nagpipigil ng galit
" Humanda Ka Saken pagsisihan mong kinalaban mo ako " as if naman matatakot ako
" Hihintayin Ko yon " sabay kindat ko sakanya atsaka umalis na
Please vote and comment 😘
YOU ARE READING
Mr. Cassanova Meets Ms. Bitter
Teen FictionMay mga bagay na lumilisan sa buhay naten hinde dahil nawala ang pag ibig nila satin kundi dahil hinde talaga sila ang nakatakda para satin Bitter ? Yan yung iniwan at sinaktan kaya sila naging ganyan DAKILANG BITTER yan si Princess Yoori Flores M...