Ms. Playgirl Vs. Mr. Playboy (One shot)

603 9 1
                                    

Ms. Playgirl vs. Mr. Playboy

Blade's POV

Ako ay papunta sa silid aralan para mag aral pero hindi ko talaga mapigilan ang inis dahil sa rami ng mga matang nakasunod sa akin. Kung nakakatunaw lang ang tingin kanina pa ako tunaw na parang ice cream.

Mas lalo namang dumagdag sa inis ko ang panlilisik ng mga mata ng mga babaeng nakatingin sa akin. Isabay mo pa ang bulungan este-- hindi na pala bulungan kasi hanggang sakin ay rinig na rinig ko. Tsss, inggit lang sila dahil hindi sila kagandahan.

Haaayy, umagang umaga bakit ganito pa ang madadatnan ko?

Nakarating na ako sa tapat ng pintuan ng silid aralan namin at pagkabukas na pagkabukas ko nito, ang mukha ng mga barkada ko ang bumungad sa akin.

Agad naman silang lumapit at hinila ako palabas ng silid aralan. Hay nako, kakapasok ko pa nga lang papalabasin na nila ako. Abno talaga tong mga kasama ko. Bakit ko nga pala sila naging kaibigan? Dahil ba sa abno rin ako? Tsss, kailan man hindi!

Pinunta nila ako sa isang silid aralan na hindi ginagamit at sinarado ang pinto nito. Mukhang alam ko na ang balak nila.

"Blade, sister, alam mo ba na ang ganda mo ngayon?" sabi ni Mae

"Mae, matagal ko nang alam at pwede? Tigilan niyo na ang pagbola sakin, alam ko at alam niyo rin na hindi ako makakatanggi sa pinapagawa niyo. Ee sa masyado kayong makulit hindi ko talaga kakayanin." sabi ko

Oo, hindi nga ako makatanggi. Ikaw ba namang sundin kahit saan ka mgpunta at walang tigil ang pagpilit sakin, hindi ka ba maiinis? Hanggang sa banyo nga sinundan pa nila ako ee

"ahahaaha.. Sister ka nga namin, alam na alam mo kami ee!" sabi ni Lucy

"syempre! Sorority tayo ee.. O sha mamaya na yan, ano ba ang balak niyo nanamang ipagawa sakin?" sabi ko Sabay naman ngumisi ang mga baliw at tumingin sa isat isa

"wag niyong sabihin yun nanaman ang ipapagawa niyo sakin." sabi ko

"yup! Yun nga!" sabay nilang sabi sakin

"ano?! Ayoko! Alam niyo namang tinigilan ko na yun diba? Basta A-YO-KO!"

"ano ka ba naman Blade! Ang gagawin mo lang naman ay landiin ang tao hanggang sa magkagusto siya sayo at bustedin mo siya. Diba lagi mo namang ginagawa yan? Kaya nga sumikat ka sa pangalang Blade, The Ms. Playgirl ee" sabi ni Lucy

O diba? Ang B.I lang ng mga kaibigan ko?

"alam niyo naman na nagbago na ako at hininto ko na yun! Walang iniwan yun sakin kundi masamang memorya sa nakaraan kaya hindi ko gagawin ang utos niyo ngayon kahit ano pang pilit at inis ang iparanas niyo sakin" sabi ko

"Gusto lang naman naming ipaghiganti tong si Mae sa ginawa nung lalaking yun ee. Kaya pleeeeaaaseee! Kahit ngayon lang ibalik mo ang pagiging playgirl mo." sabi ni lucy sabay puppy eyes

Haaayy kahit kailan talaga tong mga kaibigan ko.

"ugghh! Oo na! Papayag na! Sino ba yung lalaki?"

"Si Maffeo Evangelista." sabi ni Mae

Maffy's POV

"pre! Kamusta yung babaeng kasama mo nun?" tanong ni Clyde

"Wala na kami, naboboring akong kasama siya kaya hiniwalayan ko na." walang gana kong sinabi

"ano?! Bakit hindi mo pinasa sakin? Sayang, chicks pa naman yun" -clyde

Kahit kailan talaga tong si Clyde, wala nang inatupag kundi humabol sa mga babae

Ms. Playgirl Vs. Mr. Playboy (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon