Meeting an Old Friend: Aizer Miko

7 0 0
                                    

Ako si Shian Marivon (shi-yan) isang tao na hindi mahilig lumabas, lagi nakashades kung hindi man ung buhok ay nakaharang sa mukha ko. Ayaw ko sa maaraw na lugar, mahilig ako sa mga bagay na pula, at lalo na sa lahat ay ang MAYONAISE. Fav. ko kasi ito, ipapalaman ko sa mga tinapay, sabi nga ng mga kaibigan ko eh, ang weird ko daw pati ice cream nilalagyan ko ng mayonaise. Aba, sorry sila mahilig tlga ako sa mayonaise eh, masisi ba nila ako.

Hoy Shian! wag ka na ngang magsalita sa sarili mu, nagmumukha kang weirdo. Napanget image ko noh!

Oo na... wala namang nakakakita eh.

Antaray kung magsalita... Nakuuuuu! kung hindi lang kita pinsan baka hindi ka na makilala sa school pagkatapos ko sayo... pagtitimpi ko sa sarili habang pasakay ng school bus (syempre nakashades with matching red bag and hairpin... hearts pa).

Aray! natamaan ako ng isang libro sa ulo, Bull's eye pa!

Hahahaha!

Sino nagbato nun, ha?! patingin tingin ako sa paligid pero puro mga nakatawang pagmumukha lang ang nakikita kuh.

Walang may gawa. Lampa ka lang talaga kaya hindi mo naiwasan. 

LAMPA! diin pa nung isang babae.

Habang ako ay nakaupo parin sa sahig na namumula ang mukha, may isang anino na tumaklob sa akin. Tumingala ako nangbigla akong nagulat. Isang matangkad na lalaki mga 5.9 ata na may itim na buhok na nakataklob sa mukha niya, pero kahit na nakataklob ang kanyang buhok kita ko ang kanyang mga mata..., OMG! Zombie! May zombie! nagpapanic na ang utak ko nang inabot niya ang kamay niya sa akin at tinulungang makatayo. Nang pagkatayo ko pinasalamat ko siya at umupu na.

Ba't kaya ganun ang mga mata niya... nagmumuni mini sa sarili.

May sumakay sa school bus. Oy, Besty! tinapik tapik ako sa balikat.

May eyebugs siya na napakalaki tpos ung mga mata niya...

HOY! BESTY! sigaw nung babaeng katabi ko na.

WALA AKONG ALAM! napasigaw ako sa sobrang gulat. Tumingin ako dun sa babaeng sumigaw.

Oh, kaw pala Nesty. Kailan ka pang nandyan? tanung ko sa kanya habang nagkakamot ng ulo.

Kanina pa! Hindi ka nga nakibo diyan eh, kailangan isigaw pa para mapansin. Pranka niyang sagot.

Huy! hinaan mo naman boses muh ang lakas lakas eh parang may speaker akong katabi.

Buti na lang walang pakeelam ang mga tao dito. Hindi tayo pinapansin.

Oo nga Nes, buti na lang...

Oh,ba't parang nakakita ka nang multo kanina? tanung niya sa akin nang nakakunot.

Wala lang Nes, napuyat lang ako. Iniiwasan ng tingin.

Weh? Sure ka? Ikaw, magpuyat eh talo mo pa nga ang mga bears sa paghibernate. Ang aga mo kaya matulog kaya namumutla ka tapos may trip ka pang magkulong sa bahay n'yo You need some Vitamin D Girrrrl, you look so pale, so white like snow... Blah blab blah

Hindi naba titigil si Nes? Sa bagay pagnagsimula na siya, mahirap nang mapakiusapang tumahimik. 

Blah blah blah... patuloy parin sa pagdakdak si Nes.

Hoy! nakikinig ka ba? Galit niyang tanong.

Huh? Ahh, oo naman. Sabi ko sa kanya nang nakatingin sa kawalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Zombie and a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon