"No! No! And NO! Ilang ulit ko bang sasabihin na ayoko!?" matinding pagtutol ko nang sabihin saken ng bestfriend kong si Issha na may girlfriend na si Flare at kelangan ko nang sumuko sa kanya.
"Wala ka naman kasi nagiging progress dyan sa paghanga mo kay Flare mo! Tsaka, duhh!? Asa ka pa na mapapansin ka nya. 1 year bessie! 1 year mo ng ini-stalk yan, wala naman nangyayari." pagtataray saken ng magaling kong bestfriend.
Well she's right. I've been inlove with France Louis Almeyda Reyes for a year already and she's totally against it. I swear! If looks really could kill, I've been a dead meat already, everytime I mention Flares' name to her.
"He's not worth it, bessie. Besides, it's not as if he will notice you. No offense bessie ha, but look at yourself! Di ka kagandahan. Di ka din sexy. Talino lang ang meron ka, tapos minsan di mo pa ginagamit. Pa'no ka na nyan? Tsaka, bessie naman, di naman sya ganun ka-gwapo e. Bakit ba inlove na inlove ka dun?" mahabang litanya ni Issha saken.
"Grabe ha? Bestfriend ba talaga kita? Sakit mo magsalita a. Nakakasakit ka ng feelings. Hayaan mo na nga lang ako. Dito na nga lang ako masaya, kinokontra mo pa. Tara na nga sa classroom, tapos na ang break."
Ailee Natasha Fuentes, my ever-supporting bestfriend (note the sarcasm guys). She's been my bestfriend ever since we were just toddlers. Mag-bestfriend din kasi ang mga nanay namin kaya siguro destined din na maging mag-bestfriend kami. Hayy! Kung wala siguro sya, loner ako porebs. Kahit ganun yung bruhang yun e mahal ko yun. She's my savior from my boring life, she's ---
"Miss Ferrer! Stop dozing off while you are on my class. If you find me boring enough for you to slack off, then please just leave. I don't want such incompetent students in my class." Uh-oh! Ang habang rant mula kay Ma'am Ana. Ang boring naman kasi talaga ng subject nya. Hmp! I really hate Mathematics. Nakakadugo ng brains, you know! Kung bakit ba naman kasi may Math pa.
"Psst! Ferrer? Tulala ka na naman. Pag nahuli ka ni Ma'am Ana, lagot ka na naman dun." sabi ng seatmate kong si Laurie Shei.
"Hehe. Salamat Lash!"
-- Canteen --
"Grabe talaga si Ma'am Ana! Overtime na naman sa Math. Inaantok talaga ako sa kanya"
"Oo. Kaya na napagalitan ka na naman nya kanina. Hay nako ha! Araw-araw nalang bessie? Minsan try mo magpanggap na nakikinig sa kanya 'kay? Kung mapansin ka man ni Flare mo, e dahil sa spotlight na binibigay sayo ni Ma'am Ana tuwing pinapagalitan ka nya. Mahiya ka naman" sermon ni Issha saken.
"Battered bestfriend ako sayo besh!"
"Pano naman nangyari yun, e napaka-harmless ko nga?" takang tanong ni Issha.
"Yung tenga ko bessie! Bingi na'ko sa kakasermon mo. Kumain ka na nga lang para manahimik ka na."
"Whatever! Go buy me an apple juice naman bessie please? Nakalimutan ko kasi e. Thanks."
Tingnan mo yung babaeng yun, inutusan pa ako! Battered bestfriend talaga ang peg ko dito. Huhu! Pero kahit ganon, I still love her anyway.
"Manang isa nga pong apple juice."
"One apple juice please?"
"F-flare?"
BINABASA MO ANG
www.Swilab.com
Teen FictionIf Karma is a bitch, be the Devil. Fight back. Don't be a damsel in distress, be the knight in rusty armor.