CHAPTER TWO

6.2K 179 5
                                    

REVISED AND EDITED

Pagkatapos akong hinatid ni Beverly, yung babaeng nasa front desk, sa dorm ko umalis na siya kaagad.

Binuksan ko yung pinto gamit ang susing binigay ng Director sa akin at pumasok sa loob.
Tumambad ang napakagulong sala sa akin. Ang daming mga damit at libro sa sahig. Pati na ang mga balat ng chichirya pakalat-kalat lang.

Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sinabi ni Director Tanesha iyon.

Tingkayad akong naglakad para wala akong maapakang bagay. Sabi sa akin ni Director mayroon daw akong kasama dito sa dorm. Kaya dahan-dahan lang ako dahil dis oras na ng gabi.

Tumungo ako sa isang pinto at iniswipe ang student card ko doon. Bumukas naman ito.

Pumasok ako at sinara yung pinto. Hahakbang na sana ako ng napatigil ako. Tiningnan ko ang katabi kong kama at doon natagpuan ang pinagmulan ng ingay.

Labyrinth Academy: School Of Mafias And GangstersWhere stories live. Discover now