Tawag ni Mama

112 1 1
                                    

 Nagabihan na naman ako ng uwi. Hinihintay ko ang tawag ng akin ina, na sa aking palagay ay galit na galit na. 

 Habang pauwi ay hawak-hawak ko ang aking celfon, umaasa na tatawag na siya.

 Nang malapit na ako sa bahay ay wala pa rin ang kanyang tawag. Ako'y napa-isip, baka lowbat lang siya o kaya naman ay walang load. 

 Pagdating ko sa aming gate ay sumigaw ako."Maaa!" sigaw ko. Pagpasok ko sa aming pintuan ay di ko siya nakita. Doon ko lang naalala na wala na pala siya.

Tawag ni MamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon