A Magical Day

62 0 0
                                    

Ang saya ko talaga ngayong araw. Nakasama ko siya ng buong araw sa EK. Kung ano-anong rides ang sinakyan namin. Halos maubusan na kami ng boses. Tapos sa Rio Grande, basang basa kaming lahat. 10 kami nun eh. Kaya laging sakto kapag magra-rides na. Sa Disc-o-magic, hahaha, nailabas ko lahat ng sigaw ko. Medyo kadiri to pero yung laway ko, napuntang kaliwa. Nalingon-lingon ako sa kanya kung ayus lang siya. Nag-usap din kami nun eh. "Uy, mag-ingat kayo. Baka mabingi kayo sakin." Sabi ko. "Hahaha. Nako. Baka mabingi kami." Sabi ni bestfriend/crush. Buong araw kami nag-gala. Habang basang basa. Naglolokohan pakami. Ako pa yung ginawang taga-bitbit kasi ako lang yung may dalang bag. Yung kanila naka-surrender. Nagpunta kami sa isang kainan sa tabi ng arcade. Pare-parehas kami ng binili. Di pa sabay sabay umorder. Nakita ko naman si Gab-Gab kasama si Shay. Ayun. Ang saya kasi kasama ni Gab-Gab yung crush niya. Sa Anchors Away. Sumakay kami. Sina Shay hilong hilo na kasi pangalwang beses na nilang sumakay dun. Ako naman, ang likot kahit katabi ko si Rence (yung crush ko, girl nga pala yan lol). Sigaw ako ng sigaw. Kawawa na yung tenga ni Rence. Pagkatapos sa Anchors, nag-gala kami. Nakita namin yung crush ni Shay, si Ro na may kasamang iba. Biglang nagalit si Rence. "Pigilan niyo ko. Sher, pigilan mo ko. Baka mahampas ko yang lalaking yan." Edi ayun. Pinigilan nga ni Sher. Dun sa kainan malapit sa arcade ulit. Nag-picturan kami. Tapos si Aly naman. Puro stolen ang kinukuha samin ni Rence. Tapos niyaya ko si Rence na magpakuha ng pic. "Uy Rence, papicture tayo. Tayong dalwa lang." Sumagot naman si Rence. "Sige, bahala ka." Edi ayun. Nagpapicture na kami. Pero hindi namin alam na may nangunguha din ng pics sa likod. Kaya ayun, nakatalikod kami sa pic tapos mukhang nagde-date. Pero ayus lang yun. At least may moments kaming dalawa.

Mga ilang oras, gutom na gutom na kami. Lunch na nun eh. Ayun. Isa-isa kaming pumila sa counter sa halip na isang order-an na lang. Napansin ko na nakasimangot yung nagse-serve samin. Pagdating namin sa lamesa, hindi pa rin linis. "Hoy, bat di mo pa pinalinis yan? Kanina pa kita sinabihan ah." Sabi ni Bespren. Ayun. Tawa kami ng tawa kasi nadala ng tagalinis yung boteng iniinuman mo. Sayang yung 45 pesos ko. "Huy, pray muna tayo." sabi ko. Pero yung isa pang bespren ni Rence di pa nakaka-order. Nagalit si Rence. "Bat di ka pa kasi sumabay samin? Loko loko talaga to eh." Tawa na naman kami. Ayun. Nagsikainan na. Tapos yung isa naming kasama pinipicturan kami ni crush. Stolen pa. Ayun. Mukha tuloy ewan. Sa table, magkatapat kami ni Shayne. Ayan tuloy, di namin maiwasang magkatinginan. Pero ayus lang, bestfriends naman kami eh. Si Coco, nilalandi yung pinagkainan niya. Tumalsik tuloy sa pwesto ko. "Huy, wag ka magkalat. Mahiya ka naman." Sabi ni Rence. Ayun, natigilan na si Coco.

Nag-gala ulit kami. Katabi ko si Rence pero ako lang yung hindi niya ka-holding hands. Ayus eh. Na-OP tuloy ako. Wala naman akong magagawa. Naikot nanaman namin yung buong EK. Naglaro kami sa mga stands. Kasi nasayang yung ibang pera. Si Coco kasi. Ang lapit lapit na nung ring. Di pa ma-shoot. Pagkatapos nun, pumila kami sa EKstreme. Worth it naman yung pag-hintay. Nakaupo na kami pero may nasa pagitan namin ni Rence. Ayus lang. Tinaas na kami. Ang ganda ng view eh. Ilang saglit lang eh. Biglang bumaba. Lumutang kaming lahat eh. Pagkababa. Tawa kami ng tawa. Nakita namin yung kuya ni Ron. Ang astig pumorma eh. Kabatch nga pala yun ng kuya ko dati. Nung naisipan na naming mag-rides ulit, syaka naman may dumagdag samin. Yan tuloy. Sa Rio Grande, 5 girls 4 boys na magkahiwalay. Dapat kasi saktong 8 eh. "Rence, goodluck sayo ha. Ingat ka." Sabi ko. Pagkababa namin sa rides, nakita naming basang basa sina Rence. "Uy, Rence, must na? Ayus ba? Hahaha." Sabi ko. Kadiri yung bawat apak namin eh. Puro tubig. "Uy, may bubbles oh." Sabi ni Ron. "Oo nga no. Akin rin eh." Sabi ni Aly. Nagbihis na kami.

Pumunta kami sa bahay ni Shay kasi naiwanan niya yung wallet. "Uy, guys, sinong magbabayad?" Sabi ni Shay. "Bahala na." Sabi ko. "Ako nalang magbabayad." Sabi ni Rence. Pagkadating namin sa bahay ni Shay. Sumakto din yung dating ng mommy niya. Pagbukas ni Shay ng gate biglang sumumlpot yung aso nila. Nagulat kami eh. Pagkapasok namin sa bahay, dumeretso na kami sa kusina. Pinainom kami ng softdrinks. "Uy, gusto niyo ng pagkain? Eto o. Sawsaw niyo sa toyo para masarap." Sabi ni Shay. "MagC-CR muna ako. San ba dito?" Sabi ko. "Diyan sa likod mo. Dumeretso ka tapos kumanan ka. Hanapin mo na yung switch nung ilaw." Sabi ni Shay. "Hahaha. Ano Ed? Di mo makita yung CR? Ang dilim ba naman kasi Shay." Sabi ni Sher. "Oy, Ed. Goodluck. Hahaha." Sabi ni Rence. Edi ayun. Nakita ko na rin yung CR. Pagkalabas ko tumawa sila. "Hahaha. Ano Ed, success ba?" Sabi ni Shay. "Wag niyo nang tanungin." Sabi ko. "Gusto niyo ng salad? Eto o." Sabi ng mommy ni Shay. Edi ayun. Kumakain na kami. Puro awkward silence. Kaya tawa kami ng tawa. "Gusto niyo ba ng cucumber? Masarap to. Sawsaw niyo sa toyo." Sabi ni Shay. "Oo na lang." Sabi ko. "Uy guys, nakita niyo ba yung pic ko sa sala nung pagpasok niyo?" Sabi ni Shay. "Hindi eh. Tara tignan natin Sher." Sabi ni Rence. Narinig ko na lang na natawa sila. Pano ba naman naka-posing si Shay. "Hahaha. Ano Shay, ang ayus mo dun ha." Sabi ni Sher. "Uy, second runner up ako dun." Sabi ni Shay. Di na lang ako umimik. Sarap nung kinakain ko eh. "Ed, ano? Lonely ka?" Sabi ni Shay. "Hindi. May kinakain lang, pati ang dilim sa likod ko eh." Sabi ko. "Oy, di pa ba tayo aalis? Hahanapin pa natin sila Belle." Sabi ni Rence. "Oo nga pala. Tara. Out na tayo." Sabi ni Shay.

Nakabalik ba kami ng EK. Dumeretso na kami sa kuhanan ng merienda. "Uy, saan ba yun kukunin?" Sabi ni Rence. "Sa may Bandstand daw eh." Sagot ni Shay. "Tara, dumeretso na tayo dun. Hahanapin pa natin sina Ron." Sabi ni Sher. Ayun, nakarating na kami. Inintay namin yung pagkain. "Uy, teka lang ha. May tatawagan lang ako." Sabi ni Rence. "Sino yun?" Tanong ko. "Mommy ko." Sagot ni Rence. "Uy, Rence. Akin na yung stub mo." Sabi ni Sher. Inabot naman sakin ni Sher yung stub ni Rence. "Uy, nasan yung stub ko?" Tanong ni Rence. "Nakay Ed. Binigay ko sa kanya." Sagot ni Sher. "Ah, ganun ba? Thanks." Sabi ni Rence. Nakuha ko na yung pagkain namin ni Rence. "Rence, eto na o." Sabi ko. "Thanks." Sabi ni Rence. "Guys, hanap muna tayo ng upuan." Sabi ni Shay. "San naman tayo maghahanap? Puno na kaya dito." Sabi ni Sher. "Maki-share na lang tayo." Sabi ni Rence. Nag-ikot ikot kami para makakita ng upuan. "Uy, dito o. Kakilala ko naman si kuya." Sabi ko. Nagkwentuhan na kami. "Ed, pahiram ng phone mo." Sabi ni Shay. "Sige. Bahala ka na jan." Sabi ko. "Uy, Rence! Ang cute mo dito." Sabi ni Shay. "Ayus lang yan." Sabi ko. "Ano? Watda. Hahaha." Sabi ni Rence. "Oy, Ed. Ano tinatago mo dun? Hahaha." Sabi ni Sher. "Tignan niyo na lang." Sabi ko. "Ang vain mo dito Ed. Mahilig ka rin pala sa selfie." Sabi ni Shay. "Uy. Di ko mabuksan yug juice ko." Sabi ni Rence. "Eh pano. Tumagos sa likod." Sabi ni Sher. "Ha? Oo nga no. Hahaha." Sabi ni Rence. "Huy. Hanapin na natin sina Drea." Sabi ni Shay.

Dumeretso kami sa may arcade. Dun kami nag-intay. "Ed. Peram ng earphones." Sabi ni Shay. "Nabasa sa Rio Grande eh. Wag na lang." Sabi ko. "Ok." Sabi ni Shay. Tumabi ako kay Rence. "Sher, ano na? Nagtext na ba si Drea?" Sabi ni Shay. "Di pa nasagot eh. Sabihin ko na lang kung nasan tayo." Sabi ni Sher. Ilang minutong pag hintay. Dumating na rin sila. "Uy. Ayun sila o. Katerno pa nila yung sahig. Hahaha." Sabi ni Rence. "Tara. Punta tayo sa Dodgem." Sabi ni Shay. Pumila na kami pero umalis ulit. "Ang gulo naman." Sabi ni Ron. "Nood na lang tayo dun. Sa may mga nagva-violin." Sabi ko. Pagkatapos naming manood. Dumeretso na kami sa Thrift Shop. "Ano naman bibilhin natin dito?" Tanong ni Coco. "Bahala na kayo." Sabi ni Shay. Nadanggi ni Rence yung isang lalagyan. Nalaglag tuloy yung mga laman. Tinulungan ko nalang siya pulitin yun. "Ayus na." Sabi ko. "Huy. Labas na tayo. Manonood pa tayo nung fireworks display." Sabi ni Shay.

Pumunta kami sa may ilaw. "Uy. Wag kayong aalis. MagC-CR lang ako." Sabi ko. "Geh. Bilisan mo lang." Sabi ni Ron. Pagkabalik ko galing CR. Nakita ko na lang na pinagtatawanan nila si Coco. Mabaho daw. "Uy. Tara. Alis na tayo." Sabi ko. "Sa may Disc-o-magic ata yung event." Sabi ni Shay. "Tara. Sundan natin yung mga cake. Baka dun yung event." Sabi ni Rence. Ayun. Nandun nga yung event. Humanap na kami ng pwesto. Kami lang ata yung maingay dun eh. "Rence. Tabi tayo." Sabi ko. "Sige. San naman tayo uupo?" Sabi ni Rence. "Ah. Dun nalang." Sabi ni Shay. "Bahala na." Sabi ko. Nagintay kami para magsimula na yung event. "Guys. Pano yung dinnef natin?" Tanong ni Shay. "Bili na lang kayo." Sabi ni Sher. "Geh. Maghahanap kami." Sabi ni Ron. Umalis na sila. Nagsimula na yung program pero wala pa rin sila. "Ang tagal naman ata nila." Sabi ni Coco. "Mag-intay ka lang." Sabi ko. "Oo nga Coco." Sabi ni Rence. Di ko talaga masabi kay Rence yung gusto kong sabihin. "Uy. Ayun na sila oh." Sabi ni Coco. Binigay na samin yung mga pagkain. Nagbitaw naman ng joke si Shay. "ANO?" Sabi ni Ron. "Hahahaha. Ang slow mo dude." Sabi ko. "ANO? SINO YUN? SAAN? AH. BAKA NANDUN!!!" Sabi ni Ron. Lalo kaming natawa. "Hahaha. Ano ba yan Ron." Sabi ko. Nag-usap usap na kami. "Uy. Simula na yung display." Sabi ni Coco. Pagkatapos nung 3 display, nagsalita si Rence. "Uy, Guys. Uuwi na ako." "Ako rin." Sabi ni Sher. "Sige. Bye!" Sabi ni Shay. "Bye Ed." Sabi ni Rence. "Aww. Ano Ed? Ang lungkot mo no? Umuwi na kasi agad si Shayne." Sabi ni Shay. "Ayus lang yan. Meron pa namang Monday eh." Sabi ko. "Uy. Uuwi na rin ako." Sabi ni Ron. "Nagtext na si Kuya King eh." "Sige. Bye." Sabi ni Shay. "Ako rin. Aalis na ako." Sabi ko. "Ano ba yan. Sunod sunod na kayon umalis." Sabi ni Shay. Umalis na ako. Kumpletong kumpleto talaga araw ko nun. Ang saya.

Di ko siya maalis sa isip ko kasi ang dami naming ginawa. Ang saya saya kasi kasama ko siya ng buong araw. Rence. Salamat ha. Kasi napasaya mo ako. :) Alam ko namang mababasa mo rin to eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Magical DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon