Chapter 1 - House For Rent

4 1 2
                                    

Elaine's POV


"Ma, nasaan na po yung baon ko?" Sabi ko kay Mama habang nagsusuklay. Hm, 7:30 palang. 8 pa pasok ko eh, ang aga pa. Grabe naman, napaaga ata ang gising ko.


"Oh eto oh, 35 pesos para sa'yo. Kumain ka ng marami sa school ha?" sabi ni Mama. Eh? 35 pesos? Hmm, not bad. Kung hindi kasi ako binigyan ni Ms. Demeterio ng mababang grade edi sana may itataas pa 'tong baon ko. Tsss. "Opo Ma, pasok na po ako." kiniss ko na siya sa cheeks.


After that scene, lumabas na ako ng bahay kasi susunduin ko si Tyler, bestfriend ko. Sabay kami nun sa lahat, eh. (Syempre except sa pagligo, 'no!)


PERO WOW! GANDANG BUNGAD!


May nakita lang naman akong malaking plakang nakalagay sa tapat ng bahay nila na nagsasabing: HOUSE FOR RENT.


Lumipat na pala sila Tyler ng bahay? Walang hiya yun, ah 'di man lang nagsabi. Tsk.


Idinial ko yung number ni Tyler nang biglang lumapit sakin ang isang babae. Maputi, maikling buhok at mga nasa mid-20s ang age.

Ayan ibinulsa ko tuloy yung phone, aba mamaya hablutin ni Ate, oh!


Erase erase. Sa mukha niyang yan, mukhang siya pa ang mananakawan. Hahahaha.



"Uh, Hi Miss! Sinong may-ari ng bahay na 'to?" Sabi niya sabay turo sa bahay na tapat namin.


"Ah, sila Aling Doray po," sabi ko. Bakit? Sila na ba ang lilipat dito? Well, sana naman mabait sila.



"Ah, ayun pala! Si Aling Doray, hehe! Nakalimutan ko kasi kung saan sila nakatira, eh. Dati na akong nagpareserve sa bahay na 'to but unfortunately, nawala connection ko sa kaniya." Sabi ng babae sabay pinagmasdan yung bahay. It seems like she's kind. Magalang siya kahit na mas matanda pa siya. :)


"Ganun po ba? Uh, nakikita niyo po yung bahay na 'yon? 'Yung may pulang gate at may mga halaman sa gilid, 'dun po nakatira yung may-ari ng bahay. Katukin niyo na lang po sila dahil may tao naman po dyan," sabi ko habang tinuturo yung bahay nila Aling Doray.


"Ahh, sige salamat. Anong pang--" hindi ko na siya pinatapos. "Elaine," sabay abot ko ng kamay ko sakanya. Ang lambot ng kamay infairness!


"Ate Gemma, nice to meet you soon to be my neighbor," Ay bongga! Hahahaha. May pa-soon to be soon to be pa siyang nalalaman. Pero wait, anong oras na ba? Time Check! 7:45 am. Ooops! Got to go. Baka malate ako sa first class ko.


"Nice to meet you din po. So, una na 'ko Ate Gemma may pasok pa kasi ako, eh," sabi ko at nginitian siya.


"Ah, sige. Hehe salamat ha, sa susunod uli." Sabi niya. "Oh sure. Sige bye." At nagpaalam na kami sa isa't isa.


Pumasok na ako ng school. Ayun, loner mode. Kakawa naman ako. Dejoke.


Nilakad ko nalang since malapit lang naman 'to sa bahay namin. Pagkapasok ko sa tapat ng gate, kita kong konti palang tao. And oh! Andito na rin pala ang mokong na nang-iwan sakin. ><


"Hayop ka Tyleeeer!" Sabi ko with matching sabunot. Lintik lang ang walang ganti. Hehez! "Aaaah-- ar-- aray ko naman! Aray!" Ayan! Mamatay ka sa hagupit ng sabunot ko! Hahahaha.


"Iniwan mo 'ko, eh! Wala tuloy akong kasabay! Loner lang ang drama ko!" Sigaw ko at naglakad na ako papuntang room. Psh. Iniwan ko siya dun na nag-aayos ng buhok niyang bulok.


Pumasok na ako ng room at naghanap ng vacant seat. Hindi uso ang seating arrangement sa klaseng ito. Nasa likod na lang ang mga bakanteng silya dahil kapag nasa harap ka, malaki ang chance na makakuha ng points sa recitation. At dahil nga nasa harap, una kang tatawagin ng teacher. Grade Concious sila, eh. Pero wala paring makapagpatalsik sa pwesto ni Tyler as the Top 1. Ewam ko ba dun kung bakit Top 1 -_- nangongopya nga din yun sa akin, eh!


Anyway, may nakita na akong upuan at yehey! May bubble gum nanaman. Laging namang ganito, eh. Mga gangster kasi ang kashare namin sa room na 'to. They're the Afternoon Shift.




Ipapalit ko na nga lang sa upuan ng kung sino. Hahahahaha. Bwiset kasing bubble gum 'to! -_-


Ayan, success! Tapos na. Teka, nasaan na ba ulit si Tyler? Nasa kaniya pa 'yung textbook ko sa Math,eh.Hinira. Lumingon ako sa pinto para tawagin si Tyler pero pinagsisihan ko nang lumingon dahil nandito na ang Number 1 Frenemy ko at ang mga alagad niya. How nice naman, ang ganda ng umaga ko!


"Hi, Elaine!" Ew. Watta plastic smile. Hi yer face! If I know, kanina mo pa ako pinatay sa utak mo. Plastic talaga ng taong 'to.



"Uh, Hi Jessa!" masigla kong sabi with matching plastic smile din. Lumingon siya sa tabi kong bakanteng silya, "Oh, dito na lang ako uupo sa malapit sayo ah," Good choice, dear! Good luck!


"Sure," Mauupuan niya yung upuan na may chewing gum. 'Yun kasi yung pinalit kong upuan eh. Hahahaha. Inayos ko na 'yung gamit ko at ipinasok ang dalawang earphones sa tenga dahil wala pa naman ang first subject teacher.


"Oh shit! What the fuck is this?" Rinig kong sabi ni Jessa. Nilingon ko siya at halos gusot na ang kaniyang mukha. Ay! Arte much? Tsss. "Bakit?" Sabi ko.


"May chewing gum pala dito! Ew Yuck Kadiri! Help me!" Agad namang nagsikilos ang mga alagad niya. Hahahaha.


Yung iba kong mga kaklase ng pipilit na hindi tumawa. Hahahahahaha. Buti. Nga. Sayo.


"Ganun ba? Palitan mo na lang kaya," with matching My-oh-so-plastic worried face, yung tipong parang nangaasar ako. "Bwiset! Argh! Ang malas ko!" Bulyaw niya. Poor Jessa. Hay.


"Ay tama ka, malas ka nga friend. Ang dami naman kasing pwedeng upuan dyan pa pinili mo." Hindi na napigilan ng mga kaklase ko at napatawa na sila ng malakas. Tumingin naman siya sa akin ng masama.


"May araw ka rin, friend!" Sabi nito sabay takbo. Psh, sa CR na pupulutin yun. Agad namang sumunod ang mga alagad. Ayan kasi, eh. Karma agad.


"SI MAAAAAAM!" napalingon ako sa isang nakakabinging sigaw ng walang hiyang si Tyler. Tss. Ay Geometry Class na. Inayos ko na sarili ko and nagready na para sa isang boringgggg class. Babush!


----------

Author's Note:

Hello! I'm Jannutt, one of the authors. :) dalawa lang kami actually pero ako ang editor. Nux, editor. Lels. Anyways, maganda ba? *O* Sana nagustuhan niyo! Chapter One palang 'yan, busy kasi kami sa school plus hindi kami magkaklase kaya nahihirapan kaming mag-update. Huhuuu. Ayun lang! Salamat sa pag-add nito sa library niyo! :)) Sana basahin niyo hanggang matapos ang story na ito. Thanks!

PS: Please don't forget to vote and comment your reactions. Thankies!

Kuya Next Door (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon