Elaine's POV
Pagkatapos ng mahabahabang boring at nakakasakit ng ulong lecture ay sa wakas breaktime na. Hoooh! Pinuntahan ko agad si Tyler sa upuan niya.
"Hoy kurimaw, ba't di mo sinabi sakin na lilipat na pala kayo ng bahay?" Tinignan ko lang siya. Lumingon siya sa'kin at nagbigay ng nakakalokong ngiti.
"Ah, 'yun ba? Biglaan kasi eh tsaka malapit lang naman din yung nilipatan namin so pwede ka pa ring bumisita at pwede parin akong bumisita sa inyo. Si Papa't Mama kasi yung nakaisip na lumipat ng bahay kesyo maliit na daw yung bahay para sa amin. Alam mo na, may madadagdag nanamang isang Dela Cruz. Ikaw naman, na-miss mo agad ako?" sabi niya sabay taas ng dalawang kilay. Yayks.
"Miss ka dyan? Duh! Never! Pero naiinis parin ako sa'yo kasi hindi mo man lang sakin sinabi na lilipat pala kayo. Hmp! Nakakapagtampo ka," syempre lungkot effect! ;)
"Sorry na. As I have said, biglaan nga. Ganito na lang, ililibre na lang kita ngayon ng kahit anong gusto mo. Okay na ba yun para sa peace offering ko?" OO, OKAY NA OKAY!
"Apology accepted. Halika na at ililibre mo pa ko," sabi ko sabay hawak ko sa kamay niya at pumunta na kami sa Canteen.
"YUUUUM!~" Ang sarap talaga ng donut dito. Waaaah. Kaya suki na'ko ni Manang Vilma dahil halos everyday ako bumibili sa kaniya. Hihi c: Donut is one of my favorites! Yey!
"Alam mo bang may lilipat na din agad dun sa bahay niyo? Tinanong ako kung saan nakatira si Aling Doray." Sabi ko sabay inom sa bote ng coke.
"Oh, good may bago ka na palang kapit-bahay eh." Sabi niya sabay subo ng chips na binili niya.
Naalala ko tuloy si Ate Gemma. Hahahaha. Sana talaga mabait siya. :D Mukha kasing makaka-vibes ko siya, eh.
"Oo nga tsaka mukhang mabait. Maganda na rin, pero mas ako!" Pagmamalaki kong sabi sa kaniya. Well, parte 'yan ng paglaki.
"GGSS ka nanaman!" Maka-GGSS naman 'to! Bibili pa dapat ako ng donut kaso 'wag nalang pala. Ayt, tama na nga kakadonut mamaya matae ako neto, eh.
*KRINGGGGG!*
And with that bumalik na ulit kami sa room.
English na ang sunod na subject namin. Magkaklase pa rin kami ni Tyler sa subject na 'to.
Hay! Buti na lang hindi pa kami late, masyado kasing masungit yung teacher namin sa english eh. Remember Ms. Demeterio? Siya yun.
Umupo na kami sa kaniya-kaniya naming upuan. Tapos sakto namang dumating na yung teacher namin.
"Good Morning Class." Nagsitayuan naman kami. "Good Morning Ms. Demeterio!" Para talaga kaming Choir, sabay sabaw! Bwiset kasi talaga 'tong teacher na 'to, eh. Lahat pinapansin ultimo mga maliliit na papel sa sahig.
"Okay you may sit down. Pulutin at itapon ang mga bagay na dapat itapon. By the way, did you all meet your new classmate?"
Sabi niya sabay upo at nilapag ang mga apparatus niya. Lol. Pero teka lang. May transferee nanaman? :3 Padami na kami ng padami, ah. Dati 43 lang kami, naging 48 dahil dito sa amin tinatapon ang mga transferee. Ewan ko ba kung bakit.
"No." Sabay sabay naming sagot. 'Yung iba umiling-iling pa. Pabida lang? -_-
Right after that biglang bumukas ang pintuan at...
at...
at...
NILUWA NITO ANG ISANG OH SO HOT DASHING FAFA. *O*
*melts*
Wow! Ang gwapo niya sobra! Siya kaya yung magiging bago naming kaklase? Kung ganun magkakaroon nanaman ako ng bagong inspirasyon sa pagpasok araw araw. >< Mwehehe. Joke lang.
"Oh, sakto class nandito na pala siya, this is your new classmate. Please introduce yourself hijo," sabi ni Ma'am. Naglakad siya papunta sa gitna.
"Ehem ehem," ang seksi niya mag 'ehem' in fairness! "Hi, Im Damon Salvador. Nice to meet you all. Hope we could all be friends." then nagbigay siya ng makapanlaglag-panty smile. Sheez! Ang pogi niya super!!!
Bigla namang naghiyawan yung mga etchoserang classmate ko. At syempre nangunguna na dun si Jessa (remember my Frenemy?) Tsk. Ang landi talaga nito. Basta akin na yan. Hahahaha.
"Doon ka na lang sa may dulo umupo hijo, sa may bandang likod ni Elaine. Doon oh, sa dulo niya," sabay turo sakin ni Ma'am.
Teka, ELAINE DAW?! MEANING SA LIKOD KO SIYA UUPO? KYAASSSH!
Napatingin siya sa akin at naglakad na siya papunta sa likod ko. Mukha pa nga siyang nagulat nung nakita niya ako, eh.
Nung naglalakad siya parang bumabagal yung takbo ng oras. Rock N Roll! Woaah! Ang landi ko nanaman, kabago-bago palang niya. Haynako simula ngayon, kailangan kong umarte ng normal.
Pero syempre, joke lang. Hindi ako aarte ng normal.
---
Haaaay. Sumakit batok ko dun, ha. Hahahaha. Eh, kasi ameeeeern~ palagi akong lumilingon sa likod, kunwari sa Bulletin Board pero kay Damon pala.
Nasayo na ang lahaaaaat! SUPER HOT, SUPER POGI, SUPER COOL AT SUPER SEXYYYY! Sana super bait niya din. Waaah.
Grabe ang pogi niya!! Ang tangos ng ilong, ang puti ng balat, red lips, at mas bumagay pa yung nakataas niyang buhok. Taenaaaa! Damon is now my crush! Lels. Taglandi ako af. ><
Anyways, Art Class na. Last Period na and thank God kaklase ko parin si Damon! Pero sa likod parin siya nakaupo.
"Okay class, bring out your Art Materials." Sabi ni Ma'am Helly.
Agad naman kaming nagsikilos. Nilabas ko na lahat then parang may.. may kulang!
Pencils.. drawing book.. eraser.. sharpener.. sign pen.. lettering guide.. scissors.. color pencils.. color pen.. and rul--
Oopsy! Wala akong ruler!
"Tyler! Extra Ruler?"
"Wala.""Inah! Extra Ruler?"
"Wala naiwan.""Kyle! Extra Ruler?"
"Pinahiram ko na, eh.""Daniela! Extra Ruler?"
"Wala, eh."Haaaay, wala nang pag-asa 'to. Asaaaar. PAANO NA AKO MAKAKAGUHIT NG TUWID AT PANTAY NA LINYA? Huhuhu.
Ay wait, kay Jessa kaya? Eeeeehh! Ayoko nga!
AHA! ALAM KO NA! HIHIHI. TAGLANDI ATA TALAGA NGAYON?
"Hi Damon! May extra ruler ka?"