Guro

145 2 1
                                    

Si Sir Carino ay aking guro. Matalino, mabait at masipag. Dahil bago lang ako sa aming paaralan, siya ang kauna unahang guro na naging kaibigan ko. Kahit wala akong pagkain sa recess ay binigyan nya ako. Kahit na wala akong lapis para gamitin sa aming pagsusulit ay binigyan nya ako. Kahit na wala akong pantali sa buhok ay binigyan nya ako. Kahit na wala akong pera ay binigyan nya ako. Ako na yata ang pinakamaswerteng estudyante dahil na kilala ko si Sir Carino.

Pero isang araw, habang ako'y nag aabang sa aming gate para salubungin si Sir, may nakita akong paru paro na itim. Ako'y nagulat at nagtaka sa aking nakita. Sa aking pagkakaalam, ang itim na paru paro ay nagsisimbolo ng kamatayan. Si Sir Carino nga ba ang mamamatay? May sakit ba si Sir Carino? Si Sir Carino ba ay imurmurder? Mawawala na ba ang pinakaimportanteng guro sa buhay ko? Tumakbo ako sa sobrang nyebros papunta sa gitna ng kalsada at nagulat na lang ako na umitim na ang aking paligid. Ang tanging makikita ko lang ay si Sir Carino papunta sa akin, umiiyak at sumisigaw na "Princess,wag kang mamamatay! Kaya mo yan!". Maraming tao ang nakapaligid sa amin. May ambulansya din na papadating pa lamang.

Ito na kaya ang oras ng aking kamatayan? Kukunin na ba ako ng Diyos? Hindi man lang ako makapagpasalamat sa aking guro. Ang guro na nagbigay sa akin ng pagkain, lapis, pantali sa buhok, pera at pagmamahal. Hinawakan ko na lang ang braso ng aking guro at sinabi ang mga katagang'"Salamat, Sir Carino." At pinikit ko na ang aking mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

GuroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon