At dahil sa uwian na, eto na! Naglalakad na ako papuntang stage. Bakit kasi sa stage pa?! Ang layo kaya! Pwede naman siya na lang pumunta dun sa pinagtatambayan ko! Paimportante! Nakakatamad kayang maglakad! Hindi niya ba naisip yun!? >__<
Habang naglalakad ako, may biglang nag-abot sakin ng isang red rose.
"Ate! May nagpapabigay po! ^__^"
Haay! Ang layo pa ng valentines ah! Masyado naman advance! -__-
Sa hindi kalayuan nung lugar kung saan binigyan ako ng unang rose, abay! May nag-abot nanaman sakin ng isang rose!
"Ate! May nagpapabigay po ulit! ^__^"
"Bata! Hindi ba tumitingin sa kalendaryo yung nagpapabigay nito? Ang layo pa kaya ng valentines! -___-"
Aba't nginitian lang ako! Naku naman talaga! Huwag nila akong pinatitripan ngayo't medyo bored at wala ako sa mood.
Ayun na nga! Pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad. Medyo malayo pa talaga kasi. ^__^
At akalain mo nga naman! May nag-abot nanaman sakin ng rose.
"Ahhh bata! Kanino ba galing ito? At gaano ba ito karami? May flower shop ba yung nagpapabigay nito at hindi siya nauubusan? -___-"
"Basta po! May nag-utos lang po saming ibigay ito sa inyo! Marami pa po niyan lakad lang kayo ^__^"
At nagpatuLoy na nga ako sa paglalakad. At totoo nga ang sinabi nung bata marami pa nga ang sumunod dun. Nakakawalo na rin itong hawak ko. Akala ko nga ay meron pa ngunit nagkamali ako. Habang papalapit ako ng papalapit sa stage hindi isang bata ang nakita ko. Kundi isang lalaki. Lalaking nakatalikod.
Sheeeet! Bigla akong kinabahan! Kilala ko kung sino yun! Likod palang kilalang kilala ko na!
At hindi nga ako nagkamali!
"Hi GIRLFRIEND! ^__^"
"Anong trip ito Ryle? -___-"
Sheeeems! Sabi ko na nga ba siya yun eh! Sino ba naman ang hindi makakakilala dun? Ako pa ba? Eh halos araw araw ko na siyang kasama kaya malabong hindi ko agad siya makilala kahit likod palang! Hahaha :D
Pero kinakabahan talaga ako! Ang lakas ng tibok ng puso ko! OMG! As in SUPER OMG!!!!!! =-O
"Hindi lang ito basta trip Arryl. Totoo ito lahat. Totoo lahat ng sasabihin ko kaya sana makinig ka."
"Makikinig ako Ryle."
"Arryl, simula pa lang nung una kitang nakilala nagustuhan na kita. Iba ka kasi sa mga babaeng nakilala ko. Simple ka lang. Medyo moody pero mabait din naman. Masungit minsan. Akala mo lagi may bisita. Hahaha :D"
Ayy! Peste! Batukan ko kaya toh? Hindi ko alam kung nanlalait siya o anu ehh? -___-
Pero bakit ganto yung nararamdaman ko? Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko! Feeling ko aatakihin na ako! Nasusuffocate ako! >___<
"Pero seryoso, dahil dun sa mga yun nagustuhan kita. Oo, Arryl! Simula palang gusto na kita. Pero hindi ko alam kung bakit habang tumatagal baket parang may iba sa nararamdaman ko. At neto ko lang naramdaman mahal na pala kita......"
What?! Tama ba yung narinig ko mahal ako ng taong mahal ko? Pero wait! Mahal ko na nga ba siya? Oo, masaya ako pag kasama ko siya. Feeling ko hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakakasama. Gusto ko lagi siyang kasama. At higit sa lahat palagi ko siyang naiisip at iniisip. At kung yan yung mga dahilan para mapatunayang mahal ko na nga siya, sige! Hindi na ako magdedeny! Mahal ko na nga siya! Mahal ko na nga si Ryle!
"......Arryl, sana maniwala ka! Totoo itong mga sinasabi ko sayo! Alam ko masyadong mabilis pero hindi ko alam! Bigla ko na lang itong naramdaman eh! Kaya't kung papayagan mo sana ako, ipapakita at papatunayan ko sayo kung gaano kita kamahal....."
"Huwag mo sanang mamasamain yung itatanong ko....."
*Luhod sabay abot ng flowers*
"Arryl, mahal mo din ba ako?"
"Hoy Ryle Dominguez! Para sabihin sayo, hindi ako laging may bisita! Sadyang ganun lang talaga ako minsan! At dun sa sinabi mong mabait "din" naman ako, lilinawin ko lang! Mabait ako! Period! Walang din! Tapon susi!" sabi ko sa kanya sabay kuha ng flowers na inabot niya sakin.
"Ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko. *pout*
Uulitin ko ah?"
"Arryl , mahal mo din ba ako?"
"Hindi." walang emosyon kong sagot sa kanya.
Nanlulumo siyang napatungo. Marahil dahil ito sa aking sinagot. Hindi ko naiwasang mapangiti. Kaya bago pa ito humantong sa kung ano na maaari kong pagsisihan nagsalita na ako.
"Hindi Ryle. Hindi kita mahal. Hindi kita mahal k---"
"Oo na Arryl. Kung hindi mo ako mahal okay lang , wag mo lang ulit ulitin. Masakit ehh. Sobra! :("
"Ehh kung pinapatapos mo muna ako diba?! Tch! So I was saying , Hindi kita mahal
kasi MAHAL NA MAHAL KITA RYLE! Nung una palang kitang nakilala minahal na kita. Kaya nga nagulat ako nung tinawag mo akong girlfriend. Akala ko kasi mahal mo na ako. Akala ko may pagtingin ka na sa akin. Ngunit nung sinabi mong girl-friend pala yun nanlumo ako. Nasaktan. Umasa kasi ako. Pero worth it naman pala yun kasi tignan mo ngayon umamin ka sakin na mahal mo pala ako. Ang lakas talaga ng karisma ko. Ang ganda ko talaga! Napaamin ko ang bestfriend ko ng walang ginawa. I'm so proud of myself. Hahaha :D"
"So ibig sabihin ba nyan tayo na? Girlfriend na kita? ^__^" tanong niya ng nakangiting abot tenga :D
"Girl-Friend mo naman na ako ahh. Diba?" sagot ko sa kanya ng may ngiting mapanloko
"Arryl naman ehh! :3" sabi niya habang nagkakamot ng ulo at nakapout
"May pa-pout pout ka pa dyang nalalaman, hindi naman bagay! Oo na! Tayo na! Girlfriend mo na ako!"
"Talaga?"
Tumango nalang ako bilang sagot sa tanong niya.
Bigla naman niya akong niyakap na siyang ikinabigla ko.
"Salamat Arryl. Pinapangako kong hindi kita papaiyakin. Poprotektahan kita at mamahalin kita ng buong buo. Pinapangako ko talaga yan. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita Ryle."
" I LOVE YOU GIRLFRIEND!"
---------
Ako si Arryl, ang BESTFRIEND ni Ryle na tinawag niyang GIRL-FRIEND at ngayon ay tunay na niyang
GIRLFRIEND! :)

BINABASA MO ANG
Girlfriend!
Teen FictionSiya si Arryl Louise Buena. A 16 years old girl. A 4th year high school student na may crush sa kanyang one and only bestfriend. Lumalim kaya ang pagtingin niya dito matapos siya nitong tawaging ......... "Girlfriend!" ----------- This is my first...