Hindi ko alam ang DAHILAN - ONE SHOT

818 25 26
                                    

Nasubukan mo na bang magmahal?

Yung siya na yung mundo mo..

Yung dahil sakanya nagbago ka.

Yung hindi mo alam kung ba't mo siya minahal..

Pero sa isang inaasahang pangyayari...

INIWAN KA NIYA..

AT ANG MAS MASAKIT PA

AKALA MO SIYA NA, PERO TRINAYDOR KA LANG PALA TADHANA.

************************************************************

Hi. Ako nga pala Chimmy Jackson. Labing walong taon. Nag aaral. College na at ako'y isang kabataang maraming kaharasan.

Nung ako ay labing limang taon pa lamang. Hayskul pa ako niyan. Naranasan kong magkaroon ng crush sa isang basketball player. Siyempre pag sinabing basketball player.

Gwapo.

Matangkad.

Malaman.

Musclelan.

Sa mga nabanggit na characteristics, ni isa jan wala akong dahilan. Ako kasi yung babaeng hindi masyadong napapansin sa aming paaralan. Simple lang ako. May mga kaibigan din naman. Matalino. May sense kausap at tahimik minsan.

Ang basketball player na tinutukoy ko ay si Wayne Chui. Gwapo ng pangalan no?.

Nung una ko siyang nakita. Alam kong magugustuhan ko siya, hindi ko alam kung bakit. Basta biglaan nalang. Alam kong gwapo siya pero hindi yun yung dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. 

BAKIT KAILANGAN PABANG ALAMIN KUNG BAKIT MO SIYA NAGUSTUHAN?

Ang alam ko hindi na, kasi pag pinilit mong alamin, may panghahawakan kana. Diba? Lumipas ang ilang buwan tinitignan ko parin siya ng malayuan. Crush ko parin siya, kumbaga siya ang inspirasyon ko. 

Hindi naman ako yung babaeng, nagpapapansin para lang mapansin niya. Kinagigiliwan nga siya ng lahat eh. Kasi nga basketball player siya., sa dami ng mga babaeng umaaligid sakanya. Mapapansin niya paba ako? siyempre hindi na.

Okay na yung ganito, yung hanggang crush mo lang siya. Yung bang masaya kana pag anjan siya, Malayo palang siya nagpapaganda kana. Palagi mo siyang napapaginipan umaga man o gabi. Ninenerbyos ka kapag malapit siya sayo. Lahat yan naranasan ko. 

Lumipas pa ang mga taon at ako'y college na. Siya parin, siya parin ang crush ko. Crush paba o mahal na? Parehas kami ng course na kinuha pati narin ang paaralan.

*

Isang araw kami'y nagakabungguan. Nahulog ang aking mga libro. Agad ko naman itong pinulot at pinulot din niya ang iba. Saba'y kaming tumayo at nagka untugan pa kami ng ulo. Hindi ako makatingin sakanya dahil nahihiya ako. Hindi rin ako makapaniwala na ang taong tinitignan ko noon ng malayo ay nasa harapan ko na.

Humingi siya ng paumahin at ibinigay niya ang mga aking libro. Nginitian niya ako at nginitian ko din siya, ngiting nagbigay goodvibes sa araw na iyon.

Ang saya saya, nginitian  ako ng taong gusto ko. Ngiting sayo lang niya pinakita, ngiting alam mong totoo, walang halong kapekehan. Ako'y umaasa na sana'y kami'y magkabungguan ulit.

Ilang araw at buwan ang nakaraan. Kami ay magkaibigan na. Ang galing no? Parang kailan lang kami nagkabungguan. At ang nararamdaman ko sakanya, lalong lumalim yung tipong sa akin lang dapat yung atensyon niya.

Damot ko no? ganun talaga mahal ko eh.

May isa akong kaklase, si Mich. Parehas lang kami ng personality pero siya madaldal ako matahimik lang. Bago lang siya at dahil bago siya trending siya sa buong department namin. 

Hindi ko alam ang DAHILAN - ONE SHOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon