Naranasan niyo na ba ung pakiramdam na may gusto ka sabihin sa isang tao pero hindi mo magawa kasi natotorpe ka?? Ung tipong pagwala siya ang tapang tapang mo sa sarili mo na kaya mo na sabihin pero pagnandyan na siya parang hinatak ng bituka mo ung dila mo at natatameme ka na.
Hay!kung alam niyo lang ung pakiramdam ko.Naiinis ako sa sarili ko ung dapat na matagal ko na nasabi hanggang ngayon di ko pa din masabi-sabi. Wala eh dakilang torpe!
Andito ako ngayon sa may garden ng school habang nakikinig ng tugtog.Nagpapalakas ng loob na sabihin na sa kanya ung nararamdaman ko.Pero pano ba dapat? Lagi nila sinasabi kalalake ko daw tao ang duwag duwag ko.Ano magagawa ko? Sa kanya lang naman ako naduwag ng ganito.
Habang tumatakbo siya papunta sa akin ng nakangiti.Pakiramdam ko bumagal ang buong paligid ung Slow mo na sinsabi.
Hinihingal siyang umupo sa tabi ko.at may hawak na papel. At kita mo ung saya sa mukha niya ung tuwa kapag natatanggap niya ang isang kakarampot na papel.
Naramdaman ko na lang na tinanggal niya ung isang earphone sa tenga ko "Hoy!!"sigaw niya sa tenga ko.
"aray!"Parang bumalik ako sa katinuan nung sumigaw siya."Bakit??"tanong ko.
"Tingnan mo oh"Sabi niya habang winawagayway ang papel na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mapupula niyang labi.
"Ano yan?"tanong ko na alam ko naman ang sagot.
Kumunot ang noo niya sabay hampas sa braso ko "ano ka ba?ito ung bigay ni mystery guy"napalitan ng kilig ang kunot niyang noo nung pagkasabi niya nung "Mystery Guy"
"Ano sabi??"Matipid kong tanong
"Hmm?hihihi"kinikilig siyang humiga dun sa damuhan laging ganito na lang ang scenario namin kapag binibigyan siyang nung sulat nung "Mystery Guy " na un.
Dahil alam ko na hindi din naman niya babasahin ung sulat sakin.Hinablot ko na lang sa mga kamay niya ung sulat.
Chin,
Alam ko mahirap i-express ang nararamdaman ko para sayo
At di rin sapat ang mga salitang sinusulat ko sayo para maram-
daman mo un.Pero ikaw lang ang babaeng nagiging dahilan
ng mga ngiti ko kapag gumigising ako sa bawat araw.Ikaw
din ang dahilan kung bakit tumitibok ng ganito ang puso ko.
Alam ko ba lang araw masasabi ko din sayo tong tunay na-
nararamdamn ko na walang takot bagkus puno ng lakas ng
loob.
Ps: Sana napangiti kita sa sulat ko ngayong umaga :D
' Mystery Guy'
"di ba ang sweet niya??"Tanong niya habang nakapatong ang ulo niya sa balikat ko na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.
"Ang corny naman nito nung isang araw pure english ngayon naman pure tagalog"Pangiinis ko sa kanya.
"Corny ka diyan ang sweet nga eh!sabihin mo lang naiingit ka kasi walang nagbibigay sayo tsaka di kasi marunong gumawa nito.Diyan ka na nga!ganda ganda ng araw ko binabadtrip mo"nagpagpag na siya at tumayo na.
Habang tinitingnan ko siya palayo ndi ko maalis ang mga ngiti sa mga labi ko.Kailan ko ba masasabi na ako si Mystery Guy na nagpapangiti sa kanya sa araw-araw?
Nagpagpag na din ako ng mapahinto ako sa sinabi ng isang babae "Sabihin mo na baka maunahan ka pa"sabi ni Cheska ung seatmate ko.Siya rin ung nakakalam ng mga Love letter ko kay chin.
Tiningnan ko lang siya at naglakad na. Hindi ko maikakaila na kinabahan ako sa sinabi niya paano nga kung maunahan ako ng iba.Bakit pa kasi ako pinanganak na torpe??Hayy!buhay nga naman!
"May sasabihin ako"sabay naming sabi.habang papunta kami sa cafeteria ngayong lunch break.
"ikaw muna"sabi ko
"Ndi kaw na"sabi niya pa
"Kaw na wag ka na makulit"sabi ko
"Sige!"sabi niya.Huminga siya ng malalim "Nanliligaw sakin si Bryan"sabi niya ng nakangiti.alam ko dapat ako maging masaya sa kanya pero sa tingin ko hindi ko kaya."Oh ikaw ano ung sasabihin mo?"
"Ha?wala halika na"sabi ko at nauna ng maglakad sa kanya.
Araw-araw kaming nagkakasama ni Chin pero kahit ni-isang beses ndi na naulit ung pag-attempt ko na sabihin sa kanya na ako ung lalaking un.Minsan naguguluhan na ko kung sino ba talaga ang gusto niya pag nakakatanggap siya ng mga bulaklak galing kay bryan nakikita ko siyang ngumiti pero ganun din siya sa lalaking nagsusulat sa kanya o sabihn na natin na ako un.
"Jet!!!!!WAAAAAHH"The usual thing tumatakbo na naman siya papunta dito.Pero ngayon may kasama ng yugyog "Si mystery guy makikilala ko na WAAAHH!!Tingnan mo oh"kinikilig na sabi niya habang inaabot sa kin ang papel.
Chin,
Pwde ba tayo magkita sa may garden sa school bukas?
Mamayang 7pm?Hihintayin kita dun :D
'Mystery Guy'
Napagdesisyunan ko ng kailangan ko ng magpakilala sa kanya na tanggalin sa katawan ko ang pagka-torpe ko.Ayoko pa na mawala siya sakin.Na makuha siya pa siya sakin ng iba.
"Pupunta ka?"kinakabahan na tanong ko.Kinakabahan ako na baka ndi siya pupunta dahil alam ko may lakad din sila ng manliligaw niyang si Bryan.
"Oo naman no!Chance na to!"Sabi niya.
"Si Bryan??"Sabi ko
"Ha?Oo nga pala.Naku!"nagaalalang nag-iisip siya kung san nga ba siya pupunta.
"So ndi muna pupuntahan si Mystery Guy?"tanong ko ulit
"Ewan"Malungkot niyang sagot at kahit ako naging malungkot sa sagot niya.Siguro nga wala na talaga makakapalit sa puso niya kay Bry na since Elem Crush na Crush niya na.
Dumating na ung araw na pinakahihintay ko.At ung araw na nagbabakasakali ako na ako ung pupuntahan niya.Naghahanda na ako ng may tumawag sakin.
"Hello?"
"Po?"
"HA!!"
"Ok po"
Nagmadali na akong umalis.Kahit man labag sa loob ko.Kasi kailangan kong pumunta sa ospital dahil na ospital ang ate ko.nung nakarating na ko dun sinabi ng mga doctor na na-car accident daw ang ate ko dahil sa pagdadrive ng lasing.
Natapos na ang operasyon at ok naman ang ate ko.Napatingin ako sa orasan ng hindi ko alam ang dahilan ng maalala ko na.magkikita kami ni Chin?magkikita nga ba?kahit mag-8 nagmadali pa rin ako pumunta kahit alam kong baka wala na siya roon.
Ng makarating ako sa school.Agad-Agad akong pumunta ng garden.Napahinto na lang ako bigla.May nakita akong babae na nakatalikod sa kin pero ang mas kinabigla ko may kasama siyang lalake.Huli na ba ko?Ano ginagawa niya dito?
"Yes"ang isang salitang narinig ko na lang nagpatulo ng mga luha ko.Oo siguro sasabihin ng iba napakahina mo naman umiiyak ka para kang bakla. Pero sa tingin ko ndi mo naman maiiwasan na ang mga ganitong pakiramdam lalo na kung makikita mo ng harapan ang mahal mo na sa ganitong sitwasyon.
Wala na .Tama nga si cheska naunahan na ko.Naglakad na ako palayo ayoko ng makita ang mga kaganapan na nagpapasikip ng dibdib ko.Siguro nga may mga bagay na dapat nung may mga panahon pa sinabi ko na sakanya.Ung mga time na pwdeng kong banggitin ang mga katagang "may sasabihin ako"
--------
*Maireeiryl*
BINABASA MO ANG
May sasabihin ako (One-Shot)
Teen Fiction"You never loose by loving,You always loose by holding back"-Anonymous