Time, oras.. anu ba saatin ang oras?
Lahat naman siguro ng tao sa mundong ito mahalaga ang oras.
Pero nagagamit ba natin ng tama ang oras na meron tayo?
Saan ba natin ginagamit ang oras natin?
Oras sa pagaaral.
Oras sa paglalaro.
Oras sa paglinis ng bahay.
Oras para mamasyal.
Oras para gumawa ng karantaduhan.
Oras magising para habulin ulit ang oras sa school.
Oras para magising sa mga taong mahal natin sa buhay.At kung anu ano pang bagay.
Naitanong mo ba sa sarili mo na nagawa mo ba ang dapat gawin sa mga oras na yun?
Masaya ka ba sa paggamit ng bawat segundo minuto ng oras?
Minsan sinasabi nating "anu ba yan gabi na ang liiit o ang bilis lang ng oras" saan ba nagkulang ang oras?
Minsan nasa satin kasi kung paano natin ginagamit ang oras.
Alam nga ba natin gamitin ang oras? Siguro naman oo, pero sa tama ba natin ginagawa?
Ask yourself then.
Naisip ba natin bago matulog nagamit mo ba ang oras mo ng maiigi?
Ang oras ay nandyan lang yan gumagalaw ng kusa basta may baterya. Pero parang buhay din naman yan, mabubuhay ka ba kung wala kang puso't utak?
Kaya ang buhay natin ay parang simpleng orasan, dapat alam natin kung paano ito gamitin.
Ang oras ay nasa tabi tabi lang. Di ba sa buhay natin may oras din tayo kung kailan tayo magmamahal, masasaktan o di kaya mamamatay.
Minsan naiisip natin na sana tumigil ang oras.
Ito yung mga moment na kasama natin ang mga taong mahal natin, yung oras na naging masaya ka, at sa oras na nagkamali ka na gusto mong balikan at itama ang lahat.
Pero hindi natin magawa yun. Dahil nakalipas ay nakalipas na. Tapos na yun. Past is past.
Lahat nalang yun ay isang maganda o masamang alaala sayo o saating lahat.
Bakit ba natin sinisisi ang oras? Kung tayo lang naman ang may kasalanan?
Kaya maging maingat at maging matalino sa paggamit ng oras dahil alam natin na hindi na maibabalik ang nakaraan.
Walang kasalanan ang oras nasa tao yan kung bakit parang naging kulang ang oras niya.
Kaya sana ay pahalagahan niyo ang mga segundo na dapat nagagamit natin yan sa tama.
End.