Chapter One - One Condition

122 5 4
                                    

Genre:

• Teen Fiction

• Romance

• Humor

• Short Story

***


Fake turns to Reality...

Marami na ang nakakaranas ng ganyan. Kayo, naranasan niyo ba na ang relationship niyo ay isang fake lang at gagawin niya itong real?

Ako? Oo, naranasan ko na ang ganyan . Hindi pala siya ganon kadali. Marami kang mararanasang sakit. Anong klaseng mga sakit?

Alamin niyo... Read my story. My Love Story...

***

Chapter One:

Cherry's Point Of View

"CHERRY LORRAINE!"

Dumiretso ako sa living room kung saan galing ang sigaw... Ang sigaw ng bestfriend ko.

"Alam kong maganda ang name ko. No need to shout." I gave her my sweetest smile pero tinaasan niya lang ako ng kilay at saka inirapan.

"Gaga. Tinawag lang naman kita dahil..." Tumigil siya at ngumiti ng nakakaloko.

"Dahil???" Tanong ko sakanya habang nakacross arms.

"Tinawag kita dahil dalawang araw nalang bago ang pasok natin. Hindi pa tayo nakakabili ng mga gamit." Sabi niya habang nakangiti parin.

"Luh? Pinagsasabi mo? Two weeks pa bago ang pasok natin noh. Masyado ka namang excited."

"Ayaw mong maniwala? Edi wag. Hindi kita pipilitin. Basta ako, bibili na ako. Bye bess." Then she waved at naglakad na papuntang pintuan.

Pero bago pa siya makalabas, nagsalita ako.

"Seryoso ka ba? Eh diba? Two weeks pa talaga ang pasok natin?" Tanong ko sakanya kaya tumigil siya sa paglalakad at lumingon sakin.

"Oo, seryoso ako. Binalita kanina na sa lunes nalang ang pasok sa school natin." Sabi niya.

"Eh ba't kanina ka pa nakangiti? Nagmumukha kang baliw." Tanong ko.

" A-ah... Wala to. Excited lang ako." Sagot niya.

Tumango ako, "Magbibihis lang ako."

Wait? I haven't introduce yet. I'm Cherry Lorraine Fernandez pala. 14 years old, 3rd year highschool. Studying at Royal High. Parents ko? Nandoon sa France for a business meeting. Kaya nga kami nalang ni Elle (Bestfriend ko) at ang mga katulong namin dito sa bahay.

***

Marielle's Point Of View

Hi... Ako si Elyssa Marielle Cipriano. Elle for short. Ang makulit at baliw na bestfriend ni Cherry. Kilala niyo naman siya, diba? So, hindi ko na siya ipakilala sa inyo.

Actually, nandito na kami sa National Book Store. Buying school supplies. So totoo lang, next two weeks pa talaga ang pasok namin. Hindi naman ako excited. Pero parang may tumutulak sa akin na bumili na agad. Ewan ko ba kung ang nangyayari sa akin.

"Elle, halika nga rito. Ang ganda ng notebook oh." Tawag sakin ni Cherry. Kaya naman lumapit ako sa kanya. Napatalon ako sa gulat nang makita ko ang picture ni.....

TAYLOR SWIFT! Oh my G... Ang idol ko!

Kaya naman kinuha ko ang notebook dahil si Tay ang nasa cover. Idol ko kasi siya noon pa.

Fake Turns To RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon