"Hahahahahaha" tawang tawa ako don huh? Hahahahaha. Parang maiihi ako kakatawa. Akalain niyo na reject na naman ako for trillion times? Ang higpit ng kapit ng rejection sa akin no? Naka mighty bond, glue,paste at scatch tape kase
"Niloloko mo yung sarili mo"
Hala! Napataas na lang ako ng isang kilayNapano tong si Christy? Niloloko ko daw yung sarili ko? Tss. Niyakap niya pa ako. Kadramahan strike! Hayst! Kumalas ako. Isa isa ko silang tinignan. Pinalibutan ba naman ako. Para hindi lang ako crush ng crush ko kala mo end of the galaxy na sa kanila.
"Look, Im fine", kunyari naiirita na ako para tumigil na sila sa pagdadrama.
Hindi sila na convince.
"Jusme! Para dun lang iiyak ako?"
Umiling iling lang sila."Bahala nga kayo diyan!" galit galitan muna ako para makalusot.
Walk out.
Syet!!!!!!
Wrong move!
Dapat pala hindi na ako nag walk out .
Napahinto ako sa paglalakad.
Napatitig ako sa mga mata niya.
Ako na lang.
Ako na lang please?
Syet! Naluluha na ako.
Nagbaba siya ng tingin at mabilis as in MABILIS siyang naglakad para mahigitan ako.
Crush lang naman to diba? Pero bakit ganito? Bakit parang ang sakit sakit?
"Its okay to cry"
Nakatayo na pala yung buong barkada sa likuran ko. Nginitian ko lang sila. Pilit na ngiti"Hindi porke't umiyak ka mahina kan
a"
Tinitigan ko lang si Khey hanggang sa manlabo na ng manlabo ang paningin ko."Shhhhh"
Nakayakap na pala ako kay Jizhel habang umiiyak. Ahhhhhhh syet!!!! Ayaw tumigilPinalibutan kami ng buong barkada.
Himala! Hindi sila nanermon ngayon. Nakatingin lang sila sa akin.
"Be tama na", parang maiiyak na rin si Khey.
Khey naman eh! The more na pinapatahan ako ,the more na hindi titigil tong bwiset na mga luhang to! Papansin kumbaga."Crush lang naman tong nararamdaman ko diba? Pero bakit ang sakit sakit? Pakiramdam ko buong pagkatao ko nahihirapan"
Naman eh! Na ca-carried away na naman ang matapang kong side.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Iling sila ng iling. Mga abnormal na to! Magka stiff neck sana kayo!
Nagpaiwan nga pala ako sa kanila dito sa garden. Wala lang haha. Trip ko lang magpaiwan para makapag isa at malayang makaiyak.
Bakit pakiramdam ko paikot ikot lang ako? Bwiset! Bakit hindi ako makawala sa sakit ng rejection? Paulit ulit nalang kase eh! PAULIT ULIT NALANG YUNG SAKIT!!!
"Be si Kianna yung gusto niya"
Unang patak
"Hindi ko siya gusto at hindi ko siya magugustuhan"
Pangalawang patak
"Sorry si Christy yung gusto ko"
Pangatlo,pangapat,panlima hanggang sa humagulgol na naman ako ng malakas.
DAMN! Tama na! Tama na please! Tama na! Pinaghahampas ko na ng malakas yung ulo ko para lang tumigil na ang walanghiya kong utak sa pag fa flashback pero patuloy parin ito.