After kong magdrama ng bonggang bongga pinagtawanan lang ako ni Kuya. The best kuya talaga ever!
Kinabukasan
"Yow! What's- Whaaaaaat?!!!! Makabatok parang wala ng bukas huh?!"
"Pwedi ba stop pretending kase seriously? Hindi effective" tinignan ko ng masama si Andrea. Paki niya ba?
"Edi wow Andrea!"
Tapos umupo na ako sa upuan ko. Hindi ko tuloy na bati ng magandang magandang magandang umaga ang mga cool kong kaklasi. Yeah, they're cool .
"Yow Edlyn! What's up?"
"Che!!!!!!!!!!" Inisnob ko pa siya. Hindi siya nag react kaya tinignan ko ulit siya
"Hehe! Sorry Blaise kala ko kasi ikaw si Andrea ba't kasi naka bonett ka?" Magkakambal kasi sila ni Andrea yung bumatok sakin kanina.
"Wala lang trip ko lang"
Eh? Ang lakas ng trip niya huh? Nagmukha tuloy siyang babae
"Pangit ba?"
Umiling na lang ako kahit yung totoo ay napapangitan ako.
"Hmmm, Eds?" Biglang nag seryoso ang ekspresyon niya.
"Yung nangyari kahapo-"
"Kalimutan na natin. Atchaka let me clear to you na hindi kita crush or whatsoever. Ang assumero mo! Napaiyak lang naman ako kahapon kasi nag flashback sa baliw kong utak yung nireject ako ni *toooooot* alam mo na" Nag sona pa ako kaya dapat maniwala ka Blaise. Napa twisted finger ako. Nakahinga lang ako ng maluwag ng ngumiti siya ng napaka ma sugar. Sobrang tamis nilalanggam na nga yung labi niya eh"Ba't ba gustong gusto niyong ginugulo yung buhok ko",kunwari naiinis ako habang inaayos ko yung pagkaka side ng buhok ko kasi naman araw araw ginugulo niya atchaka ni kuya yung buhok ko.
"Hi"
Sabay kaming napatingin ni Blaise sa harapan namin.
Grabe ang hinhin talaga nitong si Trisha. Yeah, si Trisha yung nag hi. Si Trisha Cortez siya yung MAHAL ng taong gusto ko. Siya yung mahal ni Blaise na bestfriend ko.
"Yow! What's up Trish!", masayang bati ko sa kanya ng walang halong kaplastikan."Teka- saan tay-" Bigla kasi akong hinawakan nitong si Blaise sa braso at bakit ang lamig ng kamay nito? Bangkay bangkay? Tinignan tapos hinila niya na ako palayo kay Trish.
Huminto kami sa Garden.
"Anong trip mo?" kaagad kong tanong sa kanya. Tumakbo ba kami? Hindi naman huh? Bakit hingal na hingal tong gwapong to?
"Napano ka?" tanong ko ulit.
"Shit! Pakiramdam ko naiwan yung puso ko don. Nyemas hindi ako makahinga"Napanganga ako. Sino bang hindi mapapanganga dun sa sinabi niya? Kabaklaan!
"Sarado mo nga yang bibig mo para kang tanga" sapilitan niya pang sinara yung bibig ko.
"Anong naiwan iwan thingy kasi yang pinagsasasabi mo? Seriously? Nakakadiri! Para kang bakla"
"Kasi naman*kamot sa ulo* para akong nauubusan ng oxygen pag nakikito ko si Trisha. Hindi rin ako makapagsalita ng hindi nabubulol"
"Baka tinatakpan mo yung ilong mo kaya hindi ka makahinga. Edi wag kang magsalita ng hindi ka mabulol"
Damn! Nararamdaman ko na naman yung punyemas na pakiramdam na to! I need to escape this moment. Alam ko na ang kahahantungan ng usapan na to! Naku naku! Ayokong marinig to mabuti ng hindi ko alam ang totoo!