Chapter 1

11 1 0
                                    

                  

"Oh. Mukha na pala akong teacher ngayon." Ngumisi sya at napabungisngis ang buong klase.

Mahina akong napapadyak at umirap. "What are you doing here?" mataray kong anya.

Itinaas nya ang mga hawak na papel at ngumiti ng matamis. "Inutusan akong ilagay itong mga quiz paper niyo dito," bumaling sya sa buong klase, "Pinapasabi nga pala ni Mr. ____ na i-research nyo daw ang history ng Pythagorean Theorem. Two days before the exam is the deadline. Ang walang research paper na maipapasa ay may less points sa Math exam and that'll also serve as your last project for this grading. That's all." Ngumiti sya sa buong klase. Tinitigan nya muna ako at ngumisi bago umalis. At ako, parang tangang nakanganga at naiirita. The heck?!

Lumingon ako sa mga kaibigan kong pinipigilan ang pagtawa. "Bakit di niyo ako pinigilan kanina?!" singhal ko sa kanila. Natawa na sila ng tuluyan.

"Aba malay ba naming kung bakit ka tumay-" naputol sa pagsasalita si Nicole nang sumigaw si Taffy mula sa likod.

"Kasi pa-epal ka! Papansin ka na naman kay Xavier." Ngumiwi sya sa akin at inirapan ako. Aba!

Umalis ako sa aking upuan at lumapit sa atribidang babaeng 'yon. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Excuse me? Ako pa-epal? Baka ikaw? Kinakausap ba kita kanina huh? Bigla ka nalang sumisingit sa usapan eh. Tsaka hindi ako nagpapa-epal."

"Oh, really? Kasi sa pagkaka-alam ko, patay na patay ka kay Xavier. You're so cheap."  Akusa nya sa akin.

Lalo naman akong nairita. "You must be talking about yourself, miss. And FYI, I don't even like him! I bet you're the one who's drooling at him. If you want him for yourself, the go kiss his feet and beg for him. No one's stopping you. Stupid." Tinalikuran ko siyang nagpapalpitate and kilay. Akala mo huh.

"Bitch!" singhal nya sa akin. Lumingon ako sa kanya, "And so?" ngumisi pa ako na mas lalong nagpa-irita sa kanya.

Bumalik ako sa mga kaibigan kong tumatawa. "Go girl!" ani ni Suzanne. 

"Oh shut up! May atraso pa kayo sa akin!" humagalpak na naman sila.

"Kasalanan mo rin iyon. Bigla ka ba naman kasing nag-greet. Thanks God it's your ex suitor." Ngumisi silang lahat sa akin. Gosh!

Umalis ako sa classroom habang lahat sila ay tinatawanan ang kagagahan ko.

Padabog akong naglalakad sa hallway at dumiretso sa CR. Naghihilamos ako ng mukha nang may narinig akong umuungol sa loob ng pinakadulong cubicle. Natawa ako nang may naisip na ideya.

Unti-unti akong lumapit sa cubicle na iyon, nag-iingat na hindi makagawa ng alinmang ingay.

Medyo bukas ang cubicle at marahan ko itong binuksan ng tuluyan. At doon ko nakita ang dalawang taong naghahalikan. Nakatalikod ang lalaki at nakapikit naman ang babae. Nanlaki ang mata ko ilang ilang segundong napatitig sa kanila hanggang sa bumukas ang mata ng babae. Naitulak nya ang kahalikan. Lumingon naman sa akin ang lalaki at mas nagulat ako nang Makita kong si Xavier ito!

"Shit!" mura ko at napatakbo palabras ng CR. Ang gaga ko talaga! Bakit ko pa kasi yn naisipang buksan. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at pinigilan akong tumak bo. Si Xavier!

Pilit kong kinakalas ang kamay ko. "Bitawan mo nga ako!" singhal ko.

"Veniz, please. Wag mong ipagsabi sa iba ang nakita mo." Ani nya.

"Let me go!" sigaw ko. "Ven, please." Pagmamaka-awa. Nya.

"Takot ka naman palang may maka-alam na nakikipaghalikan ka sa CR eh! Isusumbong kita sa disciplinary office!" pagbabanta ko. Alam naman nyang may kaparusahan ang sinumang lalaki na papasok sa girl's CR eh. What more kung nakikipag-halikan.

"Please. Wag kang magsumbong. Magkakaroon ako ng bad record dito sa school." Umamo ang mata nya.

Grade conscious din naman kasi ang isang ito.

"Ok. But in one condition." Tumaas ang kilay ko.

"Ano yun? Kahit ano basta wag mo lang akong isusumbong." Lumiwanag ang mukha nya.

"Ikaw ang gumawa ng research paper ko sa Math. You see, malapit na ang exam and I need to review a lot para mag-top ako sa klase. Kung ako pa ang gagawa ng research paper ko, edi mawawalan ako ng time sa pagre-review." Ngumiti ako ng matamis sa kanya.

"Pero ang haba nun. Yung mas madali naman ah." Reklamo nya. Wow huh. Choosy.

"Ayaw mo naman palang sundin ang kondisyon ko eh. Fine. Isusumbong nalang kita and you'll be sent to the detention office with your girl." Tumalikod ako at nagsimulang maglakad.

"Wait!" hinarangan nya ang dadaanan ko. "Gagawin ko na! But please, don't tell to anyone what you saw." Ngumisi ako.

"Okay! Madali naman akong kausap eh. Give me my project tomorrow. Kailangan kong maunang mag-pass to get the highest score. I trust you naman eh. You're not stupid after all."

"But-" pinutol ko agad ang protesta nya. "Don't you dare to say no. Kaya kitang isumbong." Hawak ko na ngayon ang leeg mo.

Napasinghap sya,"Okay! Okay! I'll do it." Tinignan ko sya sa mata at tuluyan nang umalis.

Kinabukasan, habang nakatulala ako sa bintana ng classroom namin, may kumalabit sa akin na classmate kong babae. "Bakit?"

"May naghahanap sayo sa labas." Sagot nya.

Tumayo ako at naglakad patungo sa pintuan. Si Xavier lang pala. "Asan na?" binigay nya agad ang folder na hawak nya sa akin. Ngumiti ako at ni-check ang laman nito. Nang ma-sigurong maayos ito, umalis na ako sa harap nya at nilagay ito sa bag ko. Naiwan sya sa pintuan at di ko alam kung bakit di pa sya umaalis.

Bumalik ako sa dati kong inuupuan kanina para tumitig na naman sa labas kung saan tanaw ang Callao river. Malinaw na malinaw ang tubig nito at laging nililinisan ng mga community volunteers. Nakaka-engganyong maligo kaso napapaligiran naman ang school namin ng malalaking pader.

Naputol ang pagmumuni ko nang may tumapik sa balikat ko. Binaling ko sa kanya ang tingin ko at napagtantong si Xavier ito. Tinaasan ko sya ng kilay. "What?"

Napasinghap sya at bumuntong hininga. It's as if he can't believe what I am doing. "What is it?" naiirita ko nang tanong.

"Can you even at least say thank you?" sabi nya.

"For what?" I know what he is talking about but I don't have to thank him.

"You really won't say it?" hindi nya makapaniwalang sagot.

"For a boy like you, I'm quite surprised that you're begging for a simple gratitude." Tumayo ako at hinarap sya. Tumitig ako ng diretso sa kanyang mga mata at napakurap-kurap siya. Napatawa naman ako ng bahagya. "Thank you, Xavier Austin Fernandez," I said and sat down. Natahimik naman sya.

Umiling-iling ako at binalik ang tingin ko sa labas ng bintana hanggang sa naramdaman kong umalis na sya.

"I really do have an effect on him huh," mahinang bigkas ko sa aking sarili at napangiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving The MistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon