ASSUMERA (One Shot)

7 0 0
                                    

"DON'T EXPECT TOO MUCH.. WAG MAGING ASSUMERA. IKAW DIN, MASASAKTAN KA LANG SA HULI. MATAKOT KA, DAHIL MAKAKARAMDAM KA NG SOBRANG SAKIT."

"Hoy Yanie! Ayan na yung crush mo! Ayiiiieeeeeeeeee" sabi ng kaibigan ko, si Mae

"Tch. Anu ba tumigil ka nga! Baka marinig ka niyan!"

Pogi, mabango, mabait, LAHAT na nasakanya, masasabi ko na ngang PERFECT siya. Hindi ko naman talaga siya crush, MAHAL ko na siyaa..  Hindi ko nga alam eh kung bakit naging ganun yung nararamdamn ko sa kanya eh wala naman siyang ginagawa para Mahalin ko siya..

Naglakad lang siya hanggang makarating sa upuan niya. Naglagay ng  earphones at saka pumikit. haaaaaaaaaay. Kahit anong anggulo, ang gwapo niya pa rin.Bawat kilos niya parang nasasaulo ko na, kung saan nakalagay yung nunal niya, kung saan sya may peklat, NAKAKATAWA. Halos lahat ng tungkol sa buhay niya alam ko na din.

Samantalang siya, HINDI NIYA AKO MAKITA. Parang HANGIN lang ako sa kanya..

*****

Habang pauwi ako, NAKITA ko siya, bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Makita ko lang siya, parang umiikot ikot ang mga lamang loob ko. 

Pero may KASAMA siya.. Inakbayan niya, hinalikan sa pisngi at tsaka hinawakan niya ang kamay nung babae. Hindi ko na namukaan kung sino yung kasama nya, Nangilid na kasi ang luha sa dalawa kong mata.. Halos ndi na ako makagalaw dahil alam kong isang galaw  ko lang, tutulo na sila.. Kinalma ko muna sarili ko at nagpatuloy ng umuwi.

***

K I N A B U K A S A N . . .

Pagka gising ko, Nag ayoos na agad ako. Inayos ko ang sarili ko para makapasok na sa school. 

"GoodMorning Ma :)" nakangiti akong humalik sa mama ko.

"Good morning din. Kumain ka na para makapasok ka na." At umupo na ako para kumain, gutom na din ako eh.

PAGKAPASOK ko sa school, Nakita ko sa Gate si Daniel.. Ang lalaking MAHAL ko.. Mabilis nanamang tumibok ang puso ko. Parang may hinihintay siya.. Parang nagslow motion lahat nung dumaan ako sa kanya habang nakatingin sa mata niyaa,

"Hi Yanie" nagulat ako. bigla akong napatayo ng maayos. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Abnormal talaga. Hindi ko inaasahan na magha hi sya sakin.

"A-ah eh Hi. Hehe" nauutal kong sagoot. Sheet lang. 

PATAYIN NA AKO NGAYON NA!

"Sabay na tayo pumasok. :))" Nakangiting sabi niya sa akin. Bigla nanamang tumibok ang abnormal kong pusoo. Kada salita niya bumibilis. Abnormal talaga.

"Hah?" Hindi ko kasi alam kung tama ba yung narinig ko o nag aassume nanaman ako.

"Sabay na tayo kako. Halika na baka malate pa tayo." o.O Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. syempre ang abnormal kong puso ayan nanaman. di pa kayo nasanay.

Naging madalas ang ginagawa namin ni Daniel na ganun, Hinihintay niya ako bago pumasok, minsan nga sinusundo na niya ako sa bahay, sabay na din kaming maglunch, at hinahatid pauwi. Hindi ko tuloy mapigilang mag assume. Ikaw ba naman pakitaan ng ganun diba? Tch.

Nagtry na din akong magtanong kung bakit ganun ang ginagawa niya, ang sagot niya lagi "GUSTO KO LANG" Eh syempre gusto nya? Edi gusto niya din ako? Ayan nag assume na naman ako. Pero ayos na yung ganto, Masaya kami. kesa dati na halos hindi niya ako pinapansin diba? Hehe

***

"Yanie, hindi kita maihahatid ngayon." Aish. Kinutuban naman ako dun. sa loob ng tatlong buwan na nagdaan, ngayon lang niya ako hindi maihahatid. Bakit kaya? Anong nangyari? na Curious naman ako pero hindi na ako nagtanong.

"Ah ganun ba? o sige. Ingat ka :)" Tinignan ko lang siya hanggang sa makalabas ng gate. 

Dahil na curious ako, Sinundan ko siya ng palihim hanggang sa pumasok siya sa isang Coffee Shop. may kasama siyang babae, at nagulat ako nung nakita ko ang kaibigan kong si MAE.. 

Hindi ko alam pero nasasaktan ako ngayon, siguro dahil mahal ko na talaga siya. nagtago ako sa isang puno.. Pinanood ko kung paano sila maging sweet sa isat isa. yung ginagawa ng mga Mag syota.

Hanggang sa umuwi na sila hindi pa din ako umaalis sa may tabi ng Puno, pinanuod ko kung paano hinawakan ni Daniel ang pisngi ni Mae at saka hinalikan sa labi. Parang sumabog ang puso ko. All this time ang kaibigan ko palang si Mae ang kasama niya, at paniguradong MAHAL niya.. Hindi ko na sila sinundan, nanlumo akong naglakad at hindi ko namalayan nasa bahay na pala ako.

****

Kinaumagahan, nag decide na ako na kausapin si daniel kung bakit ganun ang pakikitungo niya sa akin at kay Mae.. Naabutan ko naman siya sa may gate kung saan niya ako palaging hinihintay. Sakto.

"Daniel.." Sa pagkakasabi ko palang sa pangalan niya parang hindi ko magagawang tanungin siya.. Pero kailangan ko to malaman.

CHEER UP YANIE. KAYA MO YAN.

Lumingon naman siya sakin saka ngumiti. 

"Ah daniel, may itatanong sana ako sayo.." Pinipigilan kong wag tumulo ang luha ko. 

"Hmm, anu ba yun?"

"Ano bang meron tayo daniel? Hatid sundo mo ko, sabay pa tayong maglunch, at kung ano anong sweetness ang ginagawa mo.. Ano ba ako sayo? Anong meron tayo?" Sheeez nanginginig ang tuhod ko.

"ANONG MERON TAYO?! Tch. WALA. WALANG TAYO YANIE." hindi ako makapaniawla sa narinig ko, halos bumagsak na ako sa lupa dahil sa sinabi niya..

"Eh para saan yung mga sweetness na ginagawa mo sakin? Bakit ka nagpapakita ng motibo na parang may TAYO?" Naiyak na ako sa mga sinasabi ko. Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyayari..

"Yun kasi ang gusto ng GIRLFRIEND ko.." Diniin niya pa talaga ang salitang yun. Nagulat ako. hindi ko na alam ang sasabihin ko.. Wala na. Wala na talaga. Ang sakit lang.. "Gusto kasi ng GIRLFRIEND ko na maging sweet ako sayo para SAGUTIN niya ako. Ginamit lang kita Yanie. Kumagat ka naman." HINDI KO NA KAYA. ANG SAKIT NIYANG MAGSALITA! Ang tanga tanga mo YANIE! 

"Si MAE ba ang girlfriend na sinasabi mo?" Bahala na kung ano mangyari,. Bahala na talaga.

"OO" Shit. Nilooko nila ako. Masyadong naging masakit sakin yung mga sinabi niya, Sumakit ang puso ko lalo na nung sinabi niyang si Mae nga.. 

"MANLOLOKO KAYO! Hindi ko alam na ganyan ka pala lalo na si MAE!! Masakit ang ginawa nyo! PAASA KA! PAASA!" 

"Hindi ako paasa YANIE. NAG ASSUME KA LANG TALAGA kaya ka nasasaktan. Wala naman akong sinabing MAHAL KITA." Gunggong pala to eh! Sira ulo. Hindi paasa gago! Sinong niloko mo? Tssss. I HATE THIS LIFE . FVCK.

****

 Hanggang ngayon, hindi ko pa din Nakakalimutan ang sakit na nangyari sa akin.. Hinayaan ko na lang at least ngayon, kapag nakikita ko silang magkasama OKAY NA AKO.. 

BAWAL ANG ASSUMING. MASASAKTAN KA LANG.

----------------------------

  WALANG KWENTA ANG GINAWA KO! HINDI AKO MARUNONG TALAGA :3 Salamat sa nagbasa :) 

PS. BAWAL ANG ASSUMING. :))))

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ASSUMERA (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon