i

480 17 45
                                    

SA ARAW na ito, tutuparin ko na ang kabilin-bilinan ng mahal kong ina. Malamang sa alamang, magunaw man ang mundo, pumuti man ang uwak at maging pink man ang buwan, hindi pa rin mababago ang hiling ng magaling kong nanay.

Maghahanap na talaga ako ng gerlpren.
Ang sabi niya kasi, hindi niya ako padadalhan ng allowance kung hindi ko siya mabibigyan ng anak na babae. Ang duga talaga ni Nanay. Para namang ang dali maghanap ng gerlpren sa isang araw. Napabuntong-hininga na lang ako habang pinagmamasdan ang napakaraming babaeng naglalaway na makita ako. Kaso wala talaga sa isip ko ang pag-ge-gerlpren. Hindi naman ako mabubusog no'n, e. At lalo lang akong mahihirapang i-maintain ang grades ko. Hindi pwede 'yon, lalo pa at kalilipat ko lang ng course ko. Dati kasi akong criminology. Sabi kasi ni Tatay, 'yon ang kunin ko. Pero puchang gala, hindi ko pala kaya maging criminal. Ay, tae. Joke lang.

Sa kawalang pag-asa ay napatingala na lang ako sa kalangitang punung-puno ng mga bituin. Pero kahit ang mga bituin ay hindi nakikisama sa layunin kong ito. Dahil hindi kalauna'y bigla itong natakpan ng madidilim na ulap. Hanggang sa magsimula nang magpatakan ang mga butil-butil na ulan. Kasabay ng paglagaslas ng malakas na ulan at pag-ihip ng malamig na hangin ang pagkadurog ng puso ko. Pero dahil tirik na tirik ang araw ay joke lang 'yon. Minsan, kailangan ding mag-imagine para may kaunting epek ang buhay, 'di ba?

"Dagul!" Napalingon ako sa kung sinong Poncio Pilatong tumawag sa 'kin gamit ang pinaka-mabantot na pangalan na 'yon. Tiningnan ko siya nang matalim pero ngumiti lang ito nang parang model ng toothpaste. Akala mo naman, ang tangkad ng loko, e, mas mataas pa kaya ako. Ako lang ang six footer na tinatawag na Dagul. Hustisya!

"Ano ba, Andrew! Kita mong nag-co-concentrate 'yong tao, e," inis na bulalas ko nang makaupo na ito sa tabi ko.
Tumawa naman ito na para bang may kung ano akong sinabi na nakakatawa.

"May 'di ka pa pala sinasabi sa 'kin, tol. Anong klase kang kaibigan? Pagkatapos ng lahat-lahat?" Umarte pa ito na parang umiiyak habang kumakamot-kamot sa ulo. Sabi niya sa 'min, wala raw siyang kuto. Mannerism lang daw 'yon. Ewan ko. Basta, lagi ko siyang nakikitang kumakamot, ginagaya ata si Daniel Padilla.

Naguguluhan man ay hinarap ko na lang ang kaibigan kong baliw na baliw sa isang babaeng nagngangalang Juniper at tinanong siya nang masinsinan, "Anong hindi ko sinasabi?" Napalunok ako, hindi niya kasi pwedeng malaman na naghahanap ako ng gerlpren dahil pihadong sandamakmak na kalokohan lang ang gagawin niya kasama ang iba ko pang ugok na katropang sina Jan at Paulo.

"Hindi mo pa sinasabing may singkong pasa load na pala sa Glub? Walangya, ubos na pera ko kakaload ng diyes, e, pang-extend lang naman kailangan ko!" nanggagalaiting sabad ni Andrew.
Napailing na lang ako. Mas big deal pa sa kanya ang pagloload kaysa sa qualifying exam niya na kailangang ipasa. "Loko ka, load pa talaga? 'Di ka pa nagrerebyu para sa quali mo!"

Ngumisi lang siya at umakbay sa 'kin, "Alam mo 'tol, ang quali, pwede mong ulit-ulitin. Pero ang pagkakataong makausap ko siya, hinding-hindi." Humalakhak pa ito na parang timang.
Ilang sandali pa ay nakita ko na rin si Jan, ang kaibigan kong arabong hindi naliligo pero mabango at si Paulo, ang kaibigan kong habulin ng mga matatandang babae. Kumakain sila ng ice candy habang kumakaway-kaway sa 'kin.

"Sana, hindi malusaw ang pagmamahal niya. Hindi katulad ng ice candy na 'to," madramang turan ni Paulo. Napahagalpak na lang ang barkada. Minsan lang kasi magdrama 'tong si Paulo, kulang pa sa hulo.

"Tungaw!" dagdag naman ng akala mong kagalingang si Jan.

"Tol, musta? Ang tagal ka naming hindi nakita!" sigaw ni Paulo.

Nakipag-manly hug naman si Jan sa 'kin na parang ngayon lang nagkita. E, nagkita-kita pa lang kami kanina. Parang mga shunga.

"Bro, seryoso na. Ano itong narinig namin na may itinatago ka raw sa 'min?" muling pag-uulit ni Andrew. Nanlaki ang mata ko, hindi pa pala 'tapos ang interogasyong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babaeng BaklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon