Makulit… pero sweet. :”>
Hindi napipikon. Aasarin ka, at aasarin mo siya. Pero lalambingin rin pagkatapos.
Handang makipagwrestling sa’yo
Komportable sa’yo
Handang makipagkulitan sa’yo
Babatukan at kokotongan ka nalang bigla. Ta’s yayakapin ka pagtapos.
Kikilitiin ka kahit saang lugar. Kahit na magmukha pa kayong ewan.
Makikipagwacky pictures kasama ka.
Isisigaw kung saan-saan ang I LOVE YOU at MAHAL NA MAHAL KITA.
Ang gara naman kasi kung puro kaseryosohan at cheesy lines lang ang bibitawan niyo sa isa’t-isa, hindi ba? Di’ba mas maganda kung nagiging magtropa kayo, magbestfriend, magkakulitan, o simpleng magkaasaran lang? Pangit rin sa isang relasyon kung puro seryosong eksena lang ang mangyayari sa inyo, yung puro iloveyous, sweet messages, away, selos, at tampo.
Bumuo kayo ng relasyong hindi puro sakit at sama ng loob. Bumuo kayo ng relasyon na masaya at matatag. Dahil in the end, mas papahalagahan niyo ‘yan kesa sa mga away na nangyari. Kasi kung talagang mahal niyo ang isa’t-isa… mapagod man, magsawa man, babalik at babalik kayo sa isa’t-isa.