h i , j a m i e !

14 2 0
                                    

Hi, Jamie!

"Hi Jamie!"

"Hey!" inapiran niya sila. Bawat lalaking madadaanan nya ay maglalahad ng kamay para lang dumapo ang palad nila sa isa't-isa. Paminsan-minsa'y natutukso na rin akong gumawa non, kaso baka may ibang ibig sabihin kaya hindi ko ginagawa. Isa lang akong transferee sa school na ito at masasabi ko na sikat si Jamie Cortez.

"Huy! Okay ka lang, Charlie?" bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Miko, isa sa mga bago 'kong kaibigan. Tumango ako at inaya nya ako papunta sa pila namin. Tapos na pala ang recess. Hindi ko napansin. Sigurado ako na pag dumaan nanaman si Jamie sa pila namin, sandamakmak na 'Hi jamie' nanaman ang maririnig ko.

"Nakikinig ka ba? Sabi ko, pambata itong school natin. Grade 9 na tayo pero may pila parin- o, Hi Jamie!" nawala ang atensyon nya sa sinasabi sakin nang dumaan si Jamie. Nag-apir sila at may ibinulong si Miko kay Jamie, na sya namang ikinatawa nito. "Grabe pre, ang ganda talaga ni Jamie! Table tennis player na, matalino pa! Full package 'no?"Nagulat ako nang biglang magsalita si Miko habang naglalakad na kami papunta sa classroom. Nagtaas-baba ang kilay niya at sinundot-sundot nya ang tagiliran ko.

"Ewan ko sayo Miko, puro babae ang inaatupag mo. Kung ako sayo, mag-aral ka muna." umiling-iling ako. Tumawa sya ng malakas kaya nakuha namin ang atensyon ng iba pa naming kaklase.

"Pare, ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Pinsan ko si Jamie, uy! Ano 'to, incest? Hahaha!" napaawang ang bibig ko. Magpinsan pala sila. "Syempre kahit parang gusto ko sya, kinocomplinent ko lang para naman mapansin mo at magkakulay ang buhay mo. Ang tuyot eh!" Hindi nalang ako umimik at pumasok na sa klase.

ILANG BUWAN NA PALA ang nakalipas. Tapos na ang ikalawang quarter. Unang karangalan ako. Tulad ng dati ay ganun parin araw-araw. Dadaan si Jamie, magha-hi sila, mag-aapir, repeat. Normal lang sakin pero ang ikinapagtataka ko eh yung paminsan-minsa'y pagtigil ni Jamie tuwing dadaan sakin, na parang naghihintay sa bati ko.

"Charlie, sino date mo sa Christmas Ball? Malapit na yun ah." napatigil ako sa pagbabasa.

"Ah, wala pa. Sa tingin ko nga'y hndi nalang ako pupunta-"

"Ano?! Hindi pwedeeeeeeee! Wala akong makakausap!" niyugyog niya ang balikat ko.

"May date ka naman-"

"K-kahit na! A....ano kasi. Basta kailangan mo pumunta! Pag di ka pumunta ikikiss mo pwet ko!" patakbo syang umalis para di na ako makasagot.

ARAW NA NG Christmas ball at talagang pumunta ako. Sa katunayan ay kaninang alas syete pa ang simula ng ball pero alas otso na ako nakapunta. Speech na ata ng 'snow princess' dahil naririnig ko mula sa labas ang pagtawag ng pangalan ni Jamie at pagpalakpak nilang lahat. Saktong pagpasok ko ay nagsisimula na ang pagsasalita niya.

"Um, good evening everyone! For the second time, I won this award again. I just want to thank each and everyone of you, voted for me or not. We are all princesses. This is just a title, not a symbolism of superiority and it is definitely not a reason to brag, or ridicule other students. I don't really know what to say but since I have 2 more minutes to speak, I will tell everyone a secret." she let out a nervous chuckle. Nakita ko si Miko at naupo ako sa tabi niya. Nagulat sya nang makita ako at pinalo ako sa likod habang nakangiti. Ngumiti rin ako. "So, um, since the first day of this academic year, this one guy caught my attention. He's not that athletic, in fact, he's really smart. He's not like every other guy in this school. He wont greet me, he wont give me a high-5. . . I hope it's not because I'm weird though. Um, so, yeah. I just wanted to, uh, c-confess. I liked you since the first day you studied in this school. I hope you wont snob me even more." bumaba na sya at nagpalakpakan muli ang lahat habang nag-a-ayie. Hindi ko namalayan na nakatayo na sya sa harap namin ni Miko habang kagat-kagat ang ibabang labi niya na parang nahihiya.

"Namumula oh." sinundot ni Miko ang tagiliran ko at sinamaan siya ng tingin ni Jamie.
"H-hi Jamie." nanlaki ang mata niya at mas lalo syang namula.

"Hello, Charlie."

Hindi ko namalayan.

Bawat ngiti.

Bawat salita.

Bawat galaw.

Unti-unti, nagustuhan ko na pala si Jamie Cortez.

END.

Hi, Jamie! [o n e s h o t ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon