Cian1: Art&Autumn.

14 0 1
                                    


Autumn's POV.

"Napaka Hardworking mo naman Autumn"

Napalingon ako ng biglang nagsalita ang isa sa mga katrabaho ko.

"Breaktime naten ngayon magpahinga ka muna."
Ani naman ng isa.

"Kailangan ko kasi ihanda ang mga ito bago pa man dumating si master Budel"
Sambit ko habang buhat buhat ang isang sako na puno ng pakwan.

Nililipat ko ito sa karwahe para sa paghahanda ng pagdedeliver namin mamaya.

"Yung Greedy Pig na yun"
Natatawang sabi ng katrabaho ko.

"Masyado kang nagpapakapagod sa matabang iyun". Ani pa nung isa.

"Hindi naman, nais ko lang magtrabaho para sa Goal ko"

"At anong goal naman yan?"aniya

"Para makapasok sa Dungeon?" Dagdag pa nung isa habang natatawa.

"Ah, ganun. Mga kabataan talaga. Ha ha ha" sambit pa nila.

Di ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ang aking ginagawa.

Pero seryoso talaga ko dun.

Seryoso akong pasukin ang Dungeon para matupad ang mga pangarap ko.

Dali dali na kong nagligpit dahil maya maya pa man din ay darating na ang Master ko. Ipapasok ko na sana sa loob ng karwahe ang huling gamit ng makarinig ako ng kaluskos.

At kung di ako nagkakamali ay sa loob ng karwahe nangggagaling ang tunog.


Mabilis kong hinawi ang kurtina nito. At bumungad sa akin ang isang batang lalaki.

Hawak hawak nya ang isang buong pakwan at nagkalat na rin sa palibot ng kanyang bibig ang mga ito. Pansin ko ring marami rami na syang nakain dahil may mga nakakalat ng mga buto at tirang balat nito.

"Anong ginaga-" napatigil ako sa pagsasalita ng lumingon sya sa direksyon ko. At kitang kita kong nguya pa rin sya ng nguya.

"Hi! Ako si Art! Isang Manlalakbay!" Pakaway kaway nyang sambit."Nagmemeryenda lang ako nitong mapula at makatas na prutas na ito na sadyang pagkasarap sarap."dugtong pa nito.

Ang mga pakwan ni Master Budel.

Lagot.

Sa sobrang inis ko ay binitbit ko sya sa may balabal na nasa kanyang leeg.

"Ano sabing ginagawa mo? Nagmemeryenda?" Pikon kong tanong.

Siguradong malalagot ako nito kay Master Budel.

Halos maubos na nya ang mga idedeliver ko.

"Nandyan ba si Autumn?"

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko na ang amo ko na nasa labas ng karwahe.

Binitawan ko na yung batang lalaki at Dali dali akong lumabas.

"Opo. Master, nandito ako"

Ngumiti ako rito ng matabang dahil hindi ko pa rin alam ang gagawin oras na malaman na bawas na ang mga pakwan na idideliver ko sa kabilang bayan.

Lintek na bata yun pinahamak pa ko!

"Naayos at nahanda mo na ba ang mga Cargo?"
Tanong nito.

"O-of course Master!"

Sadya kong hinarang ang aking katawan sa may kurtina ng karwahe para di nila mapansin. Nasa loob pa rin kasi yung batang lalaki.

Cian: Art Of Magic.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon