Cian4: UNO. The Blue Giant.

6 0 0
                                    

Autumn's POV.

"Tulungan nyo sila! Mamatay ang anak ko! Mamamatay sila! Please!"

Patuloy sa pagmamakaawa at pagpupumiglas ang ina nung batang babae. Samantalang ako ay kitang kita ang dahan dahang pagpatay sa kanila.

"Ano pang inuupo upo mo dyan,Autumn?! Ilipat mo na yung Wine!"Utos muli ng Amo ko. "At ikaw naman,tumigil ka na sa kakaiyak mo. Ako nalang ang magbabayad sa bata! Magkano ba kailangan mo?!" Singhal pa nito.

Napakuyom ako ng kamao at dahil di na ko makapagtimpi ay bigla ko na lang nasuntok yung amo ko na syang ikinatalsik nya sa isang sulok.

"Ikaw! Hayop ka! Sa tingin mo ba mabibili mo ang buhay ng isang tao sa pamamagitan ng lintek na grape wine na yan?!"

Galit na galit ako .
Lalo na at Galit na galit ako sa sarili ko!


Bakit ngayon lang ako nanindigan?
Dahil ba wala akong maipagmamalaki?
Pero mali to.
Mali na ang nangyayare.
Buhay na ang pinag uusapan dito.
Kaya di ako pwedeng tumayo na lang tapos makokonsensya lang ako at pagsisihan pag di ko ginawa ang tama.

NapakaDuwag ko talaga!

Bitbit ang isang kahoy na garapon na may lamang Grape wine.
Walang pag aalinlangan akong tumalon sa mismong bunganga ng halamang halimaw kung saan unti unti ng kinakain yung bata at yung babae.

Wala akong pake kung mapahamak man ako. Hindi maaaring basta ko na lang panuoring mamatay sila sa mismong paningin.

Hindi na pwedeng maulit ang nangyare sa nakaraan ko!

Di sa ngayon, alam kong may magagawa ako.
Kahit ikamatay ko!

"Kumapit lang kayo?!"

Pilit kong binubuksan ang bunganga nito. Para makuha sila.
Kailangan kong ibuhos ang grape wine sa mismong bibig nito para kahit sandali ay tumigil sa paggalaw at paninipsip ang mga galamay nito.

"Bwiset! Buksan mo ang bibig mo Halimaw ka!"
Sigaw ko rito.

Pero kahit anong tulak ko ay di ko mabuksan ito.

Nagulat na lang ako ng biglang may asul na higanteng tumabi sa akin at pwersahang binuka ang mga petals nito na nagsisilbing bibig din nito.

Napakalaki ng asul na katawan binti ,kamay at hita nito. At ang nakakagulat pa rito ay wala syang ULO!.

Makikita ang leeg nito pero ang ulo ay parang nakasuksok sa plawta.

Sa Plawta?

Ibig sabihin. Tinawag uli ni Art ang kanyang kaibigan. Sa pamamagitan ng pag ihip sa Plawta nya.

At walang duda. Ang plawtang iyon ay isang Light Magical God Weapon.

At isang God ang Higanteng ito?
Ang asul na higanteng katabi ko ngayon?!

Pano sya nagkaroon nito?
Dungeon Capturer kaya sya?

Nakita kong nabuksan ng higante ang bibig ng halimaw kaya di na ko nag atubili pa.

Buong lakas kong hinagis sa bunganga nito ang hawak kong Grape wine.

Nagsitahimik bigla ang mga galamay nito na kanina ay maliksing naggagalawan at dahil dun ay kinuha ko ang pagkakataong sagipin ang bata at ang babae.

"Bilisan nyo! Akin na ang kamay mo!"
Kita kong habol hininga yung babae habang yakap yakap yung bata kaya mabilis kong inilahad ang palad ko para abutin sila at makuha sa bibig nito.

Cian: Art Of Magic.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon