Prologue

1 0 0
                                    

Prologue

Namulat ako sa karahasan ipinanganak ako habang abala ang pamilya ko sa pakikipaglaban sa kalaban namin mapanegosyo man o sa pamilya. Anim na taong gulang lamang ako ng mangyari yon. Muntik na raw akong mamatay noon dahil may nakakita sa pinagtataguan ni mommy at daddy pero hinarang ni mommy ang katawan niya para hindi ako mabaril.

Buong buhay kong pinagbayaran ang kasalanan ko. Ang sabi ng daddy ko ako raw ang may kasalanan kung bakit namatay si mommy, pero hindi ko naman kasalanan na bata pa lang ako noon at hindi pa mulat kung ano ang nagyayari.

Nag-aral ako kung paano gumamit ng baril at ng iba pang armas sa pakikipaglaban sa edad na sampung taong gulang alam ko na kung paano ipagtanggol ang sarili ko marunong din ako sa self defence, martial arts, named it and I can do it.

Pinangako ko sa sarili ko na hahanapin ang pumatay sa mommy ko. Pinangako ko na hindi ko siya uurungan ano man ang mangyari maging matsa man ito ng aking kamatayan. Buong buhay ko akong nagsanay para sa pagkakataong makita ko ang gumawa non kay mommy ay handa akong kalabanin siya. Hindi rin ako nakipagkaibigan kanino man dahil iniisip ko na magiging kalaban ko din sila sa huli.

Isa lang akong paslit ng maisip ko ang mga bagay na yun, simula noon itinatak ko sa isipan ko na lahat ng makakasalamuha ko ay maaaring maging kalaban ko rin pag nagkataon. Itinatak ko sa isipan ko na lahat ng tao sa paligid ko ay gagawin ang lahat makuha lang ang loob ko pagkatapos ay tatraydurin lang nila ako sa huli. Katulad ng naging kalaban nila daddy na naging kaibigan nila matapos nilang makuha ang loob ng pamilya namin ay tinraydor din kami sa huli.

Sa paglipas ng panahon naging mag-isa ako habang lumalaki, iwas sa mga tao sa paligid ko pati sa sarili kong ama na palaging isinisisi sa akin ang pagkamatay ng sarili kong ina kung sana may nagawa man lang ako noon pero wala, sumuko na si daddy sa paghahanap ng iba pang may kinalaman sa pagkamatay ni mommy sapat na sa kaniya na nahuli at naikulong na ang ibang may sala pero hindi para sa akin.

Ipinangako ko na hahanapin ko lahat sa kanila hindi ko man maalala ang kanilang mga mukha pero may isa akong palatandaan na hinding hindi ko makakalimutan. Ang tatak ng dragon sa likod ng shooter ni mama. Sisiguraduhin kong mahahanap ko siya at pagbabayarin sa kasalanang ginawa niya ano man ang kakahinatnan nito.


---
mickey_mouse27

Reaching HerWhere stories live. Discover now