PAPANOORIN KITANG MAGSISI
Nagsisisi ka na ba?
ngayon damdamin nya'y nag-iba
..
Kampante ka noon
Magsisi ka ngayon
..
Pagkat alam mong mahal ka niya
Kaya puso niya'y winalanghiya
..
Hinayaan mo siyang lumuha
Kaya tuluyang nagsawa
..
Bawat pambabaliwala
Onti-unting nawala
..
Hindi mo ba napansin?
Siya'y napapagod din.
..
Na sa bawat pananakit at pagpapaiyak moSiya'y natututo
..
Sa pang aabusomay natatauhang puso
..
Kaya sa dulo
tuluyang ng sumuko
..
Mga matang lumuhanatutuhan ding humupa
..
Mga hikbi sa labi
Ngayon ay nakakangiti
..
Naggising ka na lang
Napalitan ka na
..
Akala mo kaya mo
Mawala ang tulad ko
..
Tanaw mo ang ngisi ko
Tanaw ko ang pagsisisi mo
..
Wala ng babalikan
Sa lumbay na nadanasan
..
Dahil nahanap na ang kaligayahan
Pero hindi ka na kabilang
..
Napuno ang pagkukulang
pero di sayo naranasan
..
Ngayon sino ang talo?
Sa inumpisahan mong laro
..
Ako ang kawalan
ikaw ang nawalan
..Panoorin mo kong ngumisi
kasama siya
..papanoorin kitang magsisi
ng mag isa~
Maikling tula na isinulat ng author.
![](https://img.wattpad.com/cover/12301995-288-k310632.jpg)
BINABASA MO ANG
Oneshot Stories
PoesiaKung nagtataka po kayo. Well pinagsama-sama ko na lahat ng oneshot stories ko yung lang po xxx