A/N: Sana maenjoy niyo! Hehe. Ang epal ko.
------------------------------------Bell's POV
"Bhie, tapusin ko muna 'yung homework ko ha?" Sabi ko kay Jess habang ginagawa ko ang assignment ko sa English na pinaka-ayaw ko sa lahat! Letche! Nakaka-nosebleed eh. By the way, I'm Bellinda Castro. Bell nalang for short ha? Hehe. Uhm, I know masyado pa akong bata dahil 3rd year high school palang ako eh may jowa na ako. Eh kasi naman eh! Hindi ko mapigilan ang pinuputok ng butchi ko! Ano ba 'yung butchi? Ay? Tanga lang. Ayun! Umibig ng maaga! Pero take note! First ko palang si Jess! Oh! Tsaka nga pala, si Jess. Ang pinakamamahal ko. Whaa! Chos. Same age same grade level at same school rin kami. 14 na kaming dalawa at laging may top sa klase. Hoy! Di ko siya kaklase ah! Tapos eto pa ang malupit diyan, HINDI ALAM NG PARENTS NAMIN ANG TUNGKOL SA RELATIONSHIP NA MERON KAMI!!! Ang tanga naman namin kung sasabihin namin diba? Edi paghihiwalayin kaming dalawa?
"Oh sige bhie, itutuloy ko nalang din 'tong homework ko ha?" Tapos hinalikan niya ako sa cheeks tsaka pumunta sa study table niya. May condo kaming dalawa, I mean...kanya lang. Sabi niya kasi, what he have now is also mine! Parang mag-asawa lang? Matagal na rin akong pumupunta dito. At dahil malayo ang school sa bahay namin, akala ng parents ko eh nagdo-dorm ako dun. Kaso ayoko dahil ang lalandi ng mga nagiging ka-room mates ko! Baka hindi pa ako tumagal don eh. Ikamatay ko pa!
*ring ring*
Mama calling...Bigla nalang tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa ginagawa ko.
"Sagutin ko lang, bhie" sabi ko kay Jess tsaka lumabas muna ng kwarto namin.
"Bilisan mo bhie!" Pahabol niya pa.
"Hello?"
("Hi anak, musta ka na diyan sa Pinas?")
"Uhm...O-okay lang po Ma"
("Mabuti naman. Oh, I just want to inform you na uuwi kami ni Beth at Papa mo sa New year")
Sus! Tagal pa! September palang kaya.
"Good to hear Ma. Sige po, may homework pa po akong ginagawa eh"
("Ay! Sorry anak! Naabala ka pa ni Mama")
"Sus! Ayos lang po. Sige po, paki-kamusta nalang po ako kay Papa at kay Beth ha?"
("Sige anak. Babye!")
Call ended...
Pagkatapos, may bigla nalang yumakap saken mula sa likod at may ulo rin akong naramdaman sa balikat ko.
"Bhie..."
"Ikaw ha, nagiging sweet ka nanaman. Kaya lalo kitang minamahal eh"
"Eto naman, diba sinabi ko na sa'yo? Trabaho akong pasayahin ka?"
"Sus! Ang ewan mo talaga, bhie" tapos humarap ako sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan iyon. Kahit pala nagsisigarilyo si Jess, hindi umiitim ang labi niya. Tapos ang mata niya, kulay brown. Tapos yung ilong niya, ang tangos. "Bhie, kaya mo pa ba? Sana hindi ka pa napapagod ah?" Sabi ko sa kanya. "Hintayin mo naman na maging 18 ako. Pwedeng pwede na, pwede nang hindi natin itago ang relasyon natin. Pwede nang ipaalam sa mundo na tayo na. Pwede na tayong maging legal. Pwede na lahat, Jess. Konti nalang. Hindi naman matagal ang four years diba?"
"Kahit gaano katagal, Bell. Kahit habang buhay, hihintayin at hihintayin kita" tapos niyakap niya ako kaya ako rin napayakap na rin sa kanya.
"I love you, Bellinda Castro"
"I love you too, Jess Santos"
YOU ARE READING
It's Better To Let Go Than To Hold On
Short StorySabi nila... "Ipaglaban mo siya" Ang sabi ko naman... "Para saan pa kung ipaglaban ko siya kung alam ko sa simula palang, wala na akong laban?" Hindi ko man gustuhing mawala siya sa piling ko, hindi ko pwedeng ipilit hindi dahil sa ayokong lumaban...