Ang Lalaking Kasuklam-Suklam

35 0 0
                                    

"What?! No! Tell me you're just kidding, c'mon! Tell me!" - huminga ito ng malalim, kinagat ang ibabang labi, kinuyom ang mga palad. Pinipigilan niya ang pag-iyak, dahil gusto niyang marinig mula sa lalaking kaharap niyang, ito'y nagbibiro lamang.

"You just want to know what would be my reaction is, that you're just kidding right? C'mon, Gino, speak." - dugtong pa nito, gusto niyang marinig mula rito, na sinusubukan lang siya nito, na hindi totoo ang gusto niyang mangyari. 

"Hindi ako nagbibiro o hindi rin kita sinusubukan, that's true. Please, don't make it harder for you, I did this for you too. Ayokong lokohin ka at mas lalong masaktan ko pa, kaya nandito ako ngayon sa harapan mo, sinasabi ang lahat.....ang totoong nararamdaman ko. Ayokong masaktan ka, El. Please..." - pagkumpirma ng lalaki. Napapikit ng mariin si El, ayaw niyang tingnan sa mga mata ang lalaki't siguradong mapapa-luha lang siya't mas lalong masasaktan.

"Hindi, ang sabihin mo, simula palang hindi mo na 'ko minahal! Ang akala ko, tapat at totoo lahat ng mga pinapakita't sinasabi mo, yun pala kasama lang iyon sa plano mo! Planong, saktan at paglaruan ang damdamin ko! Sana pala'y simula palang, naniwala na 'ko sa mga kaibigan ko na sinabing idaragdag mo lang ako sa mga koleksyon mo! NAPAKA-HAYOP MO! MANLOLOKO! TARANTADO! HAYOP KA!" - hindi na napigilan ni El ang sarili't napasigaw na siya sa huling linya niya dahilan upang mapaharap sa kanila ang mga tao sa loob ng Restaurant, mabuti nga't malaman nila kung gaano kasama ang lalaking kasama nito ngayon, nasabi niya sa sarili. Dahil sa sobrang sakit ng loob niya'y tumayo siya at sinampal ito ng pagkalakas-lakas na bumakat sa mukha nito. Natahimik ang buong paligid, kahit hindi niya tingnan ay alam niyang nakatuon ang mga mata nito, sakanya....sakanila.

"Gusto mo ng Hiwalayan hindi ba?! Ayan, masaya ka na siguro niyan." - muli, kinagat nito ang ibabang labi upang ma-kontrol ang mga mata sa pag0iyak, nasaktan na siya...napahiya, ayaw niyang ipakitang masyado rin siyang mahina para lalo pang idiin ang sarili niya sa kahihiyan.

Marahas nitong hinila ang kanyang Bag at tuloy-tuloy na lumabas sa impyernong iyon ng walang lingon-lingon, wala na siyang paki-alam kung malakas pa ang ulan ang mahalaga'y maka-alis na siya...

Dire-diretso itong naglakad, walang pakialam sa malakas na buhos ng ulan.... Wala na siyang paki-alam kung magkasakit man siya! Mabuti nga iyon upang mamatay na siya. Sabi ng utak niya.

Medyo nakalayo na ito sa 'Restau' ngunit patuloy lang sia sa paglalakad, kahit saan na siya dalhin ng mga paa niya, tumila na rin ang ulan, uma-ambon nalang. 

TSIK!

Napatigil siyang bigla....napakamalas naman niya, basang-basa na nga siya sa ulan, napuikan pa ang uniporme niya, galing iyon sa kotseng tumigil sa gilid niya. Maya-maya ay may biglang babaeng bumaba mula rito, kasunod pa nito ang isang lalaki.

"Sarah! Let me explain first!" - parang walang narinig ang babaeng tinawag nitong Sarah dahil nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad, marahil ay mag-shota ito. Ng may dumaang Taxi sa harap niya'y agad niya itong pinara.

"SARAH! WAIT!" - sigaw ng lalaki habang habol-habol ang lalaki. 

Hindi alam ni El kung bakit siya biglang lumapit dito at biglang sinipa mula sa likuran ng kanyang binti.

"OUCH! What the hell!?" - sabi ng lalaki at humarap sakanya hawak ang binti niya.

"Kilala ba kita?! Bakit bigla-bigla kang maninipa?!, ang kapal ng mukha mo! Gusto mong ipa-pulis kita!?" - sigaw pa ulit neto.

"Bakit ka biglang prumeno! Tingnan mo ang nangyari sa Blouse ko!" - biglang labas ng mga katagang iyon sa bibig niya.

"Look, I didn't mean that! Mabuti nga't ikaw ay putik lang ang nabigyan, pero ako.." tumigil ito "Aish! Ano bang pakialam ko sayo?!" - sabi ng lalaki at paalis na.

Biglang pinagsusuntok ni Elijah ang likuran neto...

"HAYOP KA! BAKIT MO NAGAWA SA AKIN TO! NAPAKA-HAYOP MO!" - bigla nalang napahagulgol ito at tuluyan ng bumagsak sa mga mata neto ang luhang kanina niya pa pinipigil. Masakit ang puso niya, pakiraamdam niya'y pinagpupukpok ito, ang pakikipag hiwalay sakanya ng Boyfriend niya...ng unang boyfriend niya...ang hindi pagsunod man lang sakanya neto ng mag walk-out siya. Lahat!

"Miss?! Are you insane!? HAYS! Bahala ka jan." - paalis na ito. Naasar na kasi siya ng tuluyan sa babae. Ngunit bigla nalang itong na himatay! Napahiga pa ito sa paanan niya.

"MISS! MISS!" 

"ANSAMA MO....GINO...." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lalaking Kasuklam-SuklamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon