Challenge

0 0 1
                                        

Matrix' POV

"Hoy mga ugok bilisan niyo na." Sabi ni Suho.

"Oo, maghintay ka, kaya hindi ka tumatangkad eh." Pang-asar ni Kris na nag-aayos pa ng buhok sa salamin. Psh! Akala mo naman may ipopogi pa siya eh sa baba lang naman niya napupunta lahat ng pag-aayos niya.

"Anong konek?" Tanong ni Suho.

"Tanong mo sa height mo."

"P-ta bilisan niyo na nga lang. Inaano niyo na naman height ko 'di naman kayo inaano." Nagtawanan kaming lahat.

Nandito kami sa isang silid ng palasyo namin na pinaggawa talaga para sa aming mga prinsipe.

Ngayong araw gaganapin ang pagpili ng susunod na hari.

Ang kasalukuyang hari namin ay ang tatay ko, si Haring Matthew.

Siyempre bilang anak niya dapat ako ang tanghaling susunod na hari.

"Oh ano Trix nganganga ka lang diyan?"

"Trix? Tang-na! Ang bakla mo talaga Baekhyun. Lumayas ka na nga dito." Tumatawa siyang lumabas ng silid. Sumunod na din ako.

Dumiretso kami sa isang malawak na hall kung saan gaganapin ang selection.

"Doon yata tayo." Sabi ni Luhan habang tinuturo ang labindalawang upuan na nakahilera sa tapat ng isang stage.

"Natural. VIP yata tayo." Sagot ni Sehun.

"Ay bes, SONE ako eh." Tang-na talaga. Umaandar na naman kabaklaan nitong Baekhyun na ito.

"Manahimik ka na nga lang." Saway ni Kyungsoo.

Naupo na kami sa upuan namin.

Maya-maya pa nagsimula na ang event.

Lahat kami ay nagtayuan para pumalakpak at bilang paggalang na din nang nagsalita na ang hari.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Panimula niya.

"Heto na naman tayo. Pipili na naman ng bagong hari na mamumuno sa buong EXO Planet. Nakakalungkot mang isipin pero ito ang katotohanan. Walang permanente sa mundo. Sa mapipiling susunod na hari gawin mo ang dapat mong gawin."

"Napag-usapan namin ng council na ibahin ang sistema ng pagpili. Hindi na tulad noon na kung sino ang makakapagpaibig sa prinsesa ang siyang susunod na magiging hari at kung wala mang prinsesa ay magpapatayan para sa trono. Ang magiging sistema ngayon ay kakaiba na. May thrill kumbaga."

"Ang magiging sistema ngayon ay isang. . . Karera!" Karera? Psh. Kayang-kaya ko yan. Sa haba ba naman ng biyas ko eh hindi ko maunahan ang iba pang kalahok.

"Pero ibang karera ito. This is a race with time and destiny. Hindi ang ibang kasali ang kalaban niyo dito kundi ang oras at tadhana. Lahat kayo ay bibigyan ng isang challenge ngunit pare-pareho lang ito. Ang mauunang makatapos sa challenge na ito ang siyang tatanghaling susunod na hari. Galingan niyo sana. Sa mga lalahok,  good luck. Yun lang at maraming salamat." Nagsitayuan muli kami at pumalakpak.

Challenge? Ano namang challenge 'yon? Dami talagang alam ng tatay ko. Ipapabugbog ko nga yan kay Inang Reyna.

"Dude, ano sasali ka ba?" Tanong nila Kai sa'kin.

"Oo naman. Pagakakataon ko na ito para patunayan ang sarili ko sa council. Hindi na nila ako pwedeng maliitin. Hindi na nila ako pwedeng apihin."

"Drama mo tol. Hindi ka naman inaano ng council ah."

"Wala kang pake. POV mo POV mo? Pakielamero ka talaga." Sabi ko kay Chen. Nagmake face lang siya.

"Tol. Galingan mo ah? Para kapag ikaw na ang hari libre na pagkain namin." Sabat ni Xiumin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Genie BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon