Insecure ka kasi.

441 6 13
                                    

"Mas maganda ako sa kanya." 

"Hindi naman siya maganda." 

"Maputi lang yan." 

"Wala namang appeal." 

"Malandi lang yan kaya madaming nagkakagusto." 

"Wala 'yang batbat sakin." 

Yan ang kadalasan na sinasabi ng isang tao kapag naiinggit siya.

INGGIT. Isang salitang mahirap ipaliwanag pero madalas nating maramdaman. Minsan di natin alam na inggit na pala yun. Akala natin natural lang pero yun pala iba na. Wala tayong ideya na kahit sa simpleng pagkainggit lang, may makikilala tayo. Na maaaring makapagpabago sa atin. O di naman kaya magbabalik sa dati. 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ang ganda mo talaga." sabi niya kay Lea. Napabuntong-hininga nalang ako. Hay, bakit kasi hindi nalang ako? 

"Ikaw naman nambola ka pa." Arte, bwisit. Nakakainis, naiinsecure na naman ako sa bestfriend ko. Bakit ba kasi sa lahat pa ng pwede niyang magustuhan ay yung bestfriend ko pa? Bakit hindi nalang ako? 

"Ay best, alis muna kami ah." Hindi, ikaw nalang ang umalis. Iwanan mo nalang siya dito. Ako na ata ang pinakamasamang kaibigan kasi binaback-stab ko siya sa isip ko. Pati di ko pa sinasabi na. Tumango nalang ako. Poker face, walang reaksyon. Ala nga namang ngumiti ako? Hindi ko na kayang dagdagan pa ng isang kaplastikan ang kaibigan ko. 

Umalis na sila. MAGKA-HOLDING HANDS. Bakit kasi hindi nalang ako? Ede sana ako ang kahawak kamay niya ngayon. At sana ako ang kausap niya. Ede sana di ako nahihirapan ngayon. Ede sana hindi ako nasasaktan. 

"BAKIT KASI HINDI NALANG AKO?!" Di ko na napigilan ang sarili ko sa pag-sigaw. Naiinis na ko. ISANG TAON. Isang taon ko ng kinikimkim yung hinanakit na 'toh. Nagsisi na tuloy ako. Tapos kinaiingitan ko pa ang taong walang malay na may nagagawa akong kasalanan sa kanya. I guess ganun na talaga ako kasama. Pag-ibig nga naman oh, nakakabulag. Pati friendship namin ng bestfriend ko muntik na masira. Buti nalang hindi ako nagsasalita at wala siyang alam. 

"Insecure ka kasi." Napasinghal naman ako sa nagsabi nun. Ako? Insecure? Duh, never. Siguro naiinggit pero insecure? Napakalayo. Titignan ko na sana kung sino yung nagsabi nun ng biglang humangin at napuwing ako. Pinikit ko ang mata ko at kinusot ko. Ngunit laging gulat ko ng buksan ko ito. 

"Lumayo ka nga sakin." sigaw ko sabay tayo. Bakit ba siya andito?

"Insecure ka kasi." 

"Oo na. Oo na. Umalis ka lang." 

"Insecure ka kasi." Isa nalang masasapak ko na siya.

"Tumahimik ka nga, hindi mo ko naiintindihan." 

"Insecure ka kasi." Dahil sa sobrang inis ko ay inakma ko ang kamay ko na manununtok. Kaso, nahawakan niya yung kamay ko. Sinigaw sigawan ko siya na bitawan yung kamay ko kaso puro lang siya 'Insecure ka kasi' Napaiyak ako nun. Unti-unting nanlambot ang kamay ko at pinagpapalo ko nalang siya dibdib niya. 

"Nakakainis, bakit kasi hindi nalang ako? Bakit siya pa? Ang sakit sakit na." Sabi ko habang umiiyak at pinapalo siya. Hinayaan niya lang ako. Pagkatapos niyakap niya ko, natigilan ko na rin ang pagpalo ko sa kanya kaso umiiyak pa rin ako. 

"Insecure ka kasi." Dahil dun, tinulak ko siya. Kailangan niya ba talagang ulit-ulitin yun? Kailangan niya bang sabihin pa ng ilang beses na inggit na inggit ako sa bestfriend ko? Na wala akong laban dun? Ganun nga. Palibhasa kasi wala naman akong maipapagmamalaki sa sarili ko eh. 

Insecure ka kasi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon