RAMDAM niya ang sobrang hapo at pananakit ng kaniyang mga binti pero hindi siya tumigil sa pagtakbo. Kailangan niyang makalayo. Kailangan niyang makatakas sa grupo ng mga lalaking humahabol sa kaniya. Namimintig ang ulo niya, kumikirot pero hindi siya puwedeng tumigil. Walang ibang mahalaga ngayon sa kaniya kundi ang buhay niya, ang kaligtasan niya.A group of armed men want to kill her at hindi niya alam kung bakit. Paggising niya kanina, mga mukha ng mga armadong kalalakihan at pawang nakasuot ng itim at bonets ang nakita niya. Nakakulong siya sa isang maliit na silid at may sugat sa ulo at walang maalala.
Hindi niya maalala kung paano siya nagkaroon ng sugat sa ulo. At nakapagtatakang wala siyang maalala kung sino siya, anong pangalan niya at paano siya napunta sa lugar na iyon. Amoy ng dugo ang bumati sa kaniya. Gusot-gusot ang suot niyang puting dress na namantyahan ng natuyong dugo.
Who is she and where she from? Why they want her dead?
Habang tinatahak ang masukal na kakahuyan ay dagsa ang mga katanungan sa isip niya pero wala siyang panahon para mabigyan ng sagot ang mga iyon.
"Magsikalat kayo! Hanapin ninyo ang babae!"
Malakas na utos ng isang lalaki ang nagpakaba sa kaniya nang husto. Malapit lang ang pinagmulan ng sigaw. Parang maubusan na siya ng hininga dahil sa sobrang lakas ng tahip ng dibdib niya.Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makalabas ng kakahuyan. Maalikabok na rough road ang bumungad sa kaniya. Dalangin niyang sana ay may sasakyang dadaan para hingan niya ng tulong pero sadyang mailap ang kapalaran sa kaniya dahil may isa ngang napadaan pero hindi man lang siya hinintuan.
Sa takot na baka maabutan siya ng mga armadong grupo ay tinakbo niya ang kahabaan ng mabatong kalsada.
Ayaw niyang sumuko pero hindi nakikiayon ang katawan niya. Her lungs was lacking of air dahil sa ilang oras nang pagtakbo. Hindi na niya kaya pang humakbang. Pagod na pagod na siya. Impit siyang umiyak.
Batid niyang nakasunod pa rin ang mga humahabol sa kaniya.
"God, help me. Ayaw ko pang mamatay," usal niya. Ayaw niyang mamatay nang hindi nabibigyang kasagutan ang mga tanong sa isip niya. Ayaw niyang isuko ang buhay nang hindi niya kilala ang sarili niya at pagkatao niya.
Nagpunas siya ng luha at napakurap-kurap nang matanawan ang isang sasakyang nakaparada sa 'di kalayuan.
Nabuhayan siya ng pag-asa.
Hindi siya puwedeng sumuko. Kailangan niyang takbuhin ang sasakyang yaon. She will be safe now. Probably she will. She was running for her life.Wala siyang sinayang na minuto, gamit ang natitirang lakas ay tinakbo niya ang distansya sa nakahimpil na sasakyan.
Pero muling gumuho ang pag-asa niya nang matantong walang tao roon. Wala ang driver.
"Hanapin ninyo!"
Dinig niya ang pagmamando mula sa di kalayuan. They are coming after her. Ayaw talaga siyang tantanan hanggang hindi siya nahahanap at napapatay.
Mabilis siyang sumampa mula sa likod ng jeep na puno ng dayami. Tinabunan niya ang sarili sa mga tumpok ng dayami para hindi siya makita ng mga humahabol sa kaniya.
Tiniis niya ang init at pawis hanggang sa igupo siya ng matinding pagod at antok. She fell asleep at hindi namalayang umuusad na ang sasakyan at wala na ang grupong humahabol sa kaniya.
Isang marahas na tapik sa pisngi ang gumising sa kaniya. Agad siyang bumalikwas at inihanda ang pagtili pero nilamon lamang ng magaspang na palad ang sigaw niya.
"Who are you and what are you doing here?" Matigas at seryosong ang tinig ng lalaking pangahas na tumakip sa bibig niya pero ramdam niyang hindi ito masamang tao.
BINABASA MO ANG
His Aloof Heart
RomanceHINDI niya kilala ang sarili at hindi niya alam kung saan siya nagmula. Basta ang alam niya ay kailangan niyang tumakas at makalayo sa grupo ng kalalakihang gustong pumatay sa kaniya. Sa bunton ng mga dayami sa isang truck siya nagkubli. Hindi siya...